Warning: SPG
-
"Girl! Gising na!" Sigaw na nagpagising sa akin galing sa tulog.
Alam na alam ko na agad kung sino ang may- ari ng demonyitang boses na 'yon!
"Tangina, Jess. Ang aga- aga." Daing ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Wow! Goodmorning din!" Jess said sarcastically.
I groaned. Bwiset 'tong jess na 'to! Natutulog yung tao nambubulabog! I should have not given the key to my condo kung ganito nalang lagi kapag bibisita s'ya!
Unti- unti akong dumilat at inalis ang unan mula sa mukha ko. I glared at Jess who looked like a devil in my front. Naka- pameywang pa s'ya at nakangiti sa akin! Akala mo anghel pero demonyita naman talaga!
I threw my pillow at her and stood up. Kinamot ko ang ulo ko at inayos ang buhok ko. Si Jess naman ay tumawa lang. I glared at her again and fixed the strap of my nighties.
"Bakit?" Tanong ko.
I walked through my closet and picked my clothes for the day. Si jess naman ay sumunod din sa akin papunta sa walk in closet. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Anong bakit? You don't want me here, Amary? Nakaka- sama ka naman ng loob." She said miserably.
Umirap ako at humagilap ng nakarolyong tuwalya. I faced her and smashed the towel to her face. Nagulat naman s'ya sa ginawa ko pero kalaunan ay natawa rin.
"Napaka- sadista mo naman!" Hinampas n'ya pabalik sa akin ang tuwalya.
S'ya pa talaga ang may karapatan magreklamo ha! S'ya nga itong nambubulabog ng taong natutulog!
"Sinong hindi magiging sadista sa ginawa mo ha? Ka- badtrip ka! Ang aga- aga." Inirapan ko s'ya.
Natawa s'ya at hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa n'yang kamay. She smiled sweetly at me before slapping my cheeks. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang abala s'ya sa pag- sampal ng pisngi ko.
"Bakit maganda ka parin kahit bagong gising? Anong meron sa pagkain mo at parang mas gumaganda ka? Dahil d'yan dito ako mag- aalmusal." She proudly said.
Ayon! Lumabas din ang true colors! Sabi na nga ba't dito nanaman s'ya lalamon sa condo ko!
I smiled sarcastically at her.
"D'yan ka magaling, sa pang- uuto!" Tinanggal ko ang kamay n'ya sa pisngi ko at sinabunutan s'ya ng pabiro.
Dumaing naman s'ya pero kalaunan ay ngumiti sa akin ng alanganin.
Ganito talaga 'tong si Jess, I understand her situation dahil halos wala na s'yang tulog sa kan'yang duty kaya dito s'ya kumakain ng almusal. Actually parang ginawa na nga n'yang bahay ang condo ko dahil dito s'ya umuuwi pag tapos na ang duty n'ya.
Pero these past months, hindi s'ya nakakauwi. It's been 2 months since her last visit here kaya natutuwa naman ako kahit papaano ay bumisita na s'ya ngayon kaso lang ay ang agang mambulabog.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi s'ya nakakabisita. Baka umuuwi s'ya sa bahay ng magulang n'ya o sa condo n'ya siguro.
But I can't imagine Jess going here while Vander, Hideo and Rafael is here too. Ano kayang mangyayari? Hindi ko pa kasi nasasabi kay Jess na patuloy pa rin ang communications naming tatlo. Siguro ay magugulat s'ya kung sakali.
Lalo na at na- sakan'ya ang duplicate ng susi ko sa condo kaya free s'yang maglabas pasok dito.
I sighed, kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng 'to!
BINABASA MO ANG
Amaryllis | Completed
General FictionReverse Harem /Polyamory WARNING: R-18 Started: May 27,2022 Ended: July 27, 2022 3 GUYS 1 GIRL | COMPLETED If this is not your genre, feel free to leave. Pero kung ito ang genre, Enjoy!! Amaryllis Sapphire Garcia, An adventurous girl who only want...