CHAPTER 41

8.8K 182 34
                                    

Warning: SPG (loh c ate nagtataka kung bkt spg oh)

"Happy Birthday, Amary!" They all said in unison.

Napangiti naman ako at tinanggap ang cake na may kandila. Sinuotan din nila ako ng birthday cap kaya natawa ako.

I laughed more when they all sang like a child on a birthday party.

Katabi ko si Jess, sa kaliwa ko naman ay si Oliver. It's now seven in the night. Nakalatag na ang bonfire at mga alak dahil magsisimula na ang totoong kasiyahan. Of course, inuman!

I'm now wearing a maxi dress with also a bikini underneath it. Malamig na ang simoy ng hangin at ang alon ng dagat ay mas dinig na dinig na.

Matapos ang kantahan ay nagpalakpakan sila na parang tanga. Yes, they are not drunk. Hindi pa nga sila nakakainom ng kahit isang patak yet ganito na agad ang ginagawa nila.

What more kung nakainom na sila? Mga abnormal na sila kapag nangyari iyon.

"Blow it now!" They urged.

I smirked at them.

"Ano ang ibo-blow?" Maang-maangan ko.

Nalaglag naman ang panga nila kaya napatawa ako. I blew the candle and laughed more dahil nakanganga pa rin sila.

"Bastos si birthday girl!" Sabi ni Jona.

Umirap naman ako.

"Pa-virgin to! Hindi ka pa naka-blow?" I asked.

Namula naman siya at napatakip sa kaniyang mukha. Magtawanan naman kaming lahat sa reaksyon niya.

"Ng candle?" I continued at nagtawanan ulit sila lahat.

Jona glared at me and raised a middle finger. Ginaya ko lang ang ginawa niya. Para kaming mga bata dito na nag-aasaran.

"Your friends are funny." Si Oliver sa tabi ko.

Ngayon ko nalang ulit siya napansin dahil busy siya makipagkuwentuhan sa isa sa mga friends namin.

"Of course! Sabi ko sayo hindi ka maleleft behind sa mga kaibigan ko dito! I'm happy that you're enjoying here." I said to him.

Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Ay! Before we forgot! We have a sing and dance number for you, Amary!" Sabi ng mga lalaki.

Nalaglag ang panga ko. Nagtilian naman ang mga babae.

"Really?" Tuwang-tuwa kong sabi.

Tumango naman ang mga lalaki at nagsitayuan. Si Rob naman ay humawak na ng gitara. I remember before that he's so good in playing a guitar.

Nagngitian naman sila sa akin na parang tanga at pumwesto na. Lahat ng mga lalaki ay nakaharap sa akin kaya nakatingala ako sa kanila.

Jess chuckled on my side. Nakatingin siya kay Ross na mukhang sasayaw rin.

Si Oliver naman ay nasa tabi ko lang. He's also watching the boys as they fixed themselves. Mga nakasando lang ito at broad shorts kaya kita ang mga braso nila.

Then, I looked at Rob because he started strumming the guitar. Unang pagstrum palang niya ay alam ko na kung anong kanta ito kaya napakunot ang noo ko.

"Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit~" Panimula nila.

Sila Ross at iba pa naming kaibigan ay nagsimula nang sumayaw na parang macho dancer. I covered my mouth with my hands because I'm so shocked at how they danced.

Amaryllis | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon