CHAPTER 38

8K 134 13
                                    

"Hay nako, Amary! I think you need to socialize! Ang tamlay- tamlay mo palagi!" Jess said.

She visited my condo again. I mean, parang bahay na nga n'ya ito.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa panonood ng TV. It's now saturday and I decided to just sit here on the sofa and watch some TV. Wala naman kasi akong gagawin.

She sighed heavily and sat beside me. Yinakap n'ya ako patagilid at nanood din ng pinapanood ko.

"Paano na ako aalis kung gan'yan ka?" She pouted her lips.

I rolled my eyes. Ang arte mo, girl.

"Para naman akong may sakit sa ginagawa mo, kailan ka ba aalis?" Sinulyapan ko s'ya.

Tumingin naman s'ya sa akin at ngumiti. Kinuha n'ya ang chips ko at inangkin iyon.

"Five days after your birthday." She nonchantly said and took a bite on the chips.

Napatanga naman ako. What's the date today?

Nakatulala lang ako at iniisip kung anong buwan ngayon. Is it April?

It is fucking april!

Nagtaas ng kilay si Jess sa akin. She stared at me mockingly. Pinitik n'ya ang noo ko kaya nabalik ako sa ulirat.

"Oh diba! hindi n'ya alam na malapit na s'ya magbirthday. Tapos sasabihin n'yang wala s'yang sakit." She rolled her eyes at me.

I glared at Jess. Tinaasan n'ya naman ako ng kilay.

"Wala akong sakit! Siraulo ka ba?" I crossed my arms.

She mocked me. She crossed her arms too. Ang kilay n'ya ay mas lalong tumaas.

"Doctor ka? Ako ang doktor dito 'no, kaya may sakit ka, final na." She smiled at me mockingly.

Agad ko s'yang binatukan sa sinabi n'ya. Ganoon na pala ang mga doktor ngayon? Siraulong Jess.

"Gago ka talaga, sige mag dodoktor na rin ako tapos sasabihin kong may cancer ka, stage four." I rolled my eyes.

Napatawa naman s'ya. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan 'to.

Because my mind is pre-occupied with something else, nakalimutan kong malapit na pala ang birthday ko.

What am I doing with my life? Bakit parang ang bilis ng oras?

"So, anong plano mo, girl?" Si Jess na nagsalita ulit.

Naagaw n'ya ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kan'ya. Ang kan'yang isang kilay ay nakataas nanaman. Mukha s'yang anghel na unti-unting nagiging demonyo sa ginagawa n'ya.

I shrugged my shoulders. Wala naman talaga akong plano dahil hindi ko alam na mag- bibirthday na pala ako.

She sighed heavily with my response. Sinabunutan n'ya ang buhok ko at ang mukha n'ya ay inis na inis na.

"Kagigil ka! Anyare sa'yo, girl? Dati ang dami mong plano kapag kaarawan mo na! I remembered myself being irritated to you because you're so excited about your birthday!" Hinampas n'ya ako.

Napa-aray naman ako sa hampas n'ya. Lumalabas nanaman ang pagka-sadista ni Jess. Gigil yan?

"Hindi ko nga alam! People change, that's an immature act." I smirked at her.

She rolled her eyes and mocked what I said.

"Ano ba kasing bumabagabag sa kaibuturan ng pagkatao mo? Halina't pag-usapan natin 'yan upang guminhawa at maging maayos ang pag-iisip mo." Mahaba n'yang sabi.

Napanga-nga naman ako sa sinabi n'ya. Inisip ko pa ng ilang segundo ang sinabi n'ya bago ako humagalpak ng tawa. She laughed with me too.

Grabe napakalalim naman! Parang nalunod ako do'n!

Amaryllis | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon