SC:DGWLS

7.4K 162 51
                                    

Special Chapter

Dimple guy who loves to smile, Rafael.


Fuck, why am I so nervous? Sigurado na naman ang kasal namin ni Amary. Ang tanging dapat nalang naming gawin ay ipakilala ang isa't-isa naming pamilya.

I also know Mr. Garcia and they said that he's a good man but why am I thinking that he might not like me?

Hindi ko pa nakikilala sa personal si Mr. Garcia at sabi sa akin ni Amary ay medyo mahina na daw ang puso nito kaya kailangan ay laging sundin ang mga gusto niya.

Pero paano kapag hindi niya ako gusto? Papatayin ko ba ang sarili ko? 'Wag naman sana, lord.

Kaya mo 'yan, Rafael! Magiging tatay ka na, hindi ka dapat matakot sa kahit ano!

Huminga ako nang malalim at nagpaikot-ikot sa kwarto ko. Nasa bahay namin ako ngayon dahil kakasabi ko lang kay Mom na magpapakasal na ako. And as usual, my overreaacting mom almost had a seizure!

Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nakuha ko daw ang ugali ko kay mom kahit ang totoo ay hindi naman! Masyadong overreacting si Mom ano! Sa tingin ko ang tanging namana ko lang sa kaniya ay pag kamasiyahin at ang maganda niyang mukha.

"Fuck, Tang ina... I'm really fucking nervous.." I chanted and fixed myself on the mirror.

I've been fixing myself for so many times now. Gwapong-gwapo na ako pero hindi ko alam kung bakit parang kulang pa rin.

Magma-make up ba ako?

"Tang ina mo, Rafael. Anong make up ang pinagsasabi mo? Kaya ka naasar na bakla, e." I laughed by myself.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. I reached for my phone and dialed Hideo's number. Siya lang ang makapag bibigay ng advice sa akin ngayon.

[Tangina mo, ano na naman? Kagabi ka pa, Rafael. Pati si Amary nai istress na sa iyong gago ka.] Panimula ni Hideo.

Huminga ako ng malalim at sinubukang tumawa kahit para akong gagong timang dito.

"Gago, kinakabahan talaga ako. Ikaw na lang kaya? Para akong masusuka, tang ina." I cursed repeatedly.

Ang mga paa ko ay hindi mapakali at mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman kapag mamamanhikan na.

[You're fucking overreacting, Rafael. Hindi ka naman kakainin ni Mr. Garcia. Kung makaasta ka ay parang bibitayin ka na mamayang gago ka.]

"I'm not overreacting! Ikaw kaya ang sa sitwasyon ko para malaman mo naman ang pakiramdam. Nag rehearse pa nga ako ng nga sasabihin ko kagabi pero wala na, limot ko na agad lahat." I sighed heavily.

Narinig ko naman ang tawa ni Hideo sa kabilang linya.

Tang ina nito, tuwang-tuwa pag miserable ako.

[If I'm on your situation, I would be chill, of course. Ikaw lang naman ang nerbyoso sa ating tatlo, 'yan kape pa. Tangina mo ha.] He mocked me like what he usually do.

Hinilot ko ang aking sintido. Mas lalo lang akong kinabahan sa pag uusap namin ni Hideo. Walang kwenta ang isang 'to.

"Rafael, anak. What's taking you so long there? I can't wait to see your soon to be wife!" My mom shouted and knocked my door repeatedly.

It's not helping that my mom is pressuring me too! Masyado siyang excited kahit 9 am palang at 11 ang call time na sinabi ni Amary.

"Ibababa ko na, singkit. Wala kang kwenta kausap." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad na tinapos ang tawag.

Amaryllis | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon