Napatingin ako sa nakita kong bukas na bintana na nasa dulo ng malaking pasilyo. Handa akong talunin yon, wag lang akong mahuli ng isa sa kanila. Baka ipa torture nila ako at pagkamalan na spy ng kalaban nilang pamilya gaya ng napapanood ko sa television.
Tinakbo ko ang bintana at tatalon na sana ng may humila sakin at ipasok ako sa isang kwarto. Sisigaw na sana ako ng takpan nito ang bibig ko.
"Shut up Miss, if you don't want my family to see you." Bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin sa nag salita. Siya iyong lalaki sa jeep sa pagkakatanda ko!
Inalis niya ang kanyang kamay sa bibig ko at sumilip siya sa pinto. Napapikit ako ng may marinig akong mga yapak.
"Pumasok ka doon. Bilis!" Mahinang utos ng lalaki sakin habang nakaturo sa isang pinto.
Hindi na ako nag tanong pa at basta nalang pumasok sa pintong iyon. Isa pala itong malaking closet na puno ng damit. Malamang closet nga, pero ang mamahal nito. Iba't ibang brand na nakikita ko lang sa social media.
"May isang babae na naka pasok. Maybe a thief!" Napatingin ako sa nakasaradong pinto ng makarinig ng boses.
"Kuya naman, why are you not bothered about that thought? Pwede tayong patayin nito!" Sigaw ng babae.
"Whatever Shaine, lumabas kana 'matutulog na ako." Rinig ko naman na sabi niya.
"Ugh, fine! Ang weird mo talaga!"
Ilang segundo din ng bumokas ang pinto at pumasok ang lalaki. Napakurap ako at hindi alam kong ngingiwi ba o ngingiti.
"Ah...,e, uhm- Aalis na ako!" I exclaimed at lalampasan na sana siya ng harangin niya ako.
"They're searching you all over the place. You can't go outside using the front nor the back door because there's a security waiting." Aniya.
Napalunok ako sa English niya, nakaka nose bleed.
"G-Gusto ko ng lumabas, m-may klase pa ako." Sabi ko.
Tiningnan niya ang sout ko saka siya napa kamot ng batok. Bakit ang hot niya dahil sa ginawa niyang iyon?
Pero totoo ha, ang gwapo niya. Hindi ako basta bastang napo-pogian sa isang lalaki pero ito. Napaka gwapo talaga niya! At ang ganda pa ng pangangatawan.
Yung mukha niya ay pinag halong American, Spanish at Filipino. Bagamat intemedating ang aura niya ay mababakasan sa kulay brown nitong mga mata ang pagiging gentleman at mabait.
"Uhm. Miss. I said follow me." Anang lalaki.
"Ah, e, oo 'ito na." Usal ko at ng tumalikod ang lalaki ay nasampal ko ang aking sarili.
Umayos ka nga Gailtred.
Namangha ako ng buksan niya ang isang bahagi ng pader, isang lihim na pintoan! Nilingon niya ako.
"Dadaan tayo sa ilalim, nasa tabing dagat na tayo pag labas natin." Aniya at kinuha ang isang flashlight sa gilid.
"W-Wala bang daga dyan?" Tanong ko.
"There's no rat down there. Don't worry." Aniya at bumaba na sa isang makipot na hagdan.
Sumunod ako sa kanya at maya maya pa ay nag lalakad na kami sa isang malaking hallway, bato lang ang nakikita ko mula sa pader papunta sa sahig.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...