15

48 3 0
                                    




June 24 when I delivered a bouncing baby girl, her name is Kzyn Shelo and she is so beautiful. Syempre ako yong Mama e.




When she open her little eyes she gets from her father. And when her little hands tighten up on my finger. I realized that I am now a mother.



That Shawn and I are now having a little girl that will going to run towards us and asked for a milk. Call out our names if she can't reach something. And then we will lift her up to get what she wants.



Siguro masaya? Siguro masaya na sa isang maliit na tahanan ay may isang pamilya. Na kahit mahirap ay masaya parin na mag kasama.




Hanggang sa dumating ang problema.



"Natanggal ako sa trabaho." Ani Shawn at naupo sa sofa.



"Ha? Bakit?" Nilapitan ko siya habang buhat ang anak namin.




"Mag sasara na kasi ang restaurant. Isa ako sa mga tinanggal. Siguro mag hahanap nalang ako ng ibang trabaho." Aniya.



Nakagat ko ang labi ko at tumango, kinuha naman niya si baby at hinalikan ang kamay nito.


"Anong nangyari sa dito?" Baling niya sakin. Tinutukoy niya iyong kulay pula sa pisngi ni Kzyn.




"Marami kasing lamok." Mahina kong sabi at tinuro din ang mga namumulang bahagi ng braso ko.




"Kawawa naman kayo." Ani Shawn. "Bibili muna ako ng bygon at ointment."




"Sasama kami." Sabi ko.




Pumayag naman siya. Kinuha ko ang sling bag ko na may lamang pera at diaper ni baby, nag taka pa si Shawn kung bakit ko dala yon.




"Baka kasi hiramin na naman siya ni Manang." Nandito din kasi ang lampin ni baby at kaunting damit.



Dinadala ko kasi minsan si baby kina Manang Kusing dahil gustong gusto ng ginang ng mga baby. Wala kasi itong anak. At itong bag rin ang iniiwan ko kay Manang dahil binibihisan niya si Kzyn.



"Pina pahiram mo pala si baby?" Aniya at inakbayan ako.




"Hindi naman sa masamang paraan. Binabantayan siya ni Manang." Sagot ko at nag baba ng tingin sa bata na karga ko.




"Na-aalala ko kay Manang si Mama. Gustong gusto din ni Mama ng baby."  Usal ko.




"Do you want us to go to Tita Gailtrude?" Sabi ni Shawn.




"Galit pa siya sakin." Sagot ko.




"Lilipas din ang galit niya." Shawn said and kissed my temple.



Nag punta kami sa malapit na convenience store para bumili ng kaylangan namin. Saglit lang naman kami doon pero pag balik namin sa street kong nasaan ang apartment ay nakita namin ang mga taong nag tatakbo papunta sa nasusunog na bahay upang apilahin ang apoy.




"Tumawag kayo ng bombero!" Sigaw ng kapit bahay namin.




"Shawn, saan ka pupunta?" Tanong ko akma siyang aalis.




"Stay here. Babalik ako!" Ani Shawn.




"Wag, dito ka lang!" Hindi ko na siya napigilan ng manakbo na siya papunta sa apartment.



Dalawang bahay nalang at kakainin narin ng apoy ang apartment. Nakita kong lumabas si Aling Kusing at agad niya kaming nilapitan.





"Ang asawa mo ayaw mag papigil! Naku, ano ba naman ang lalaking iyon!"





"Bakit wala pa pong bombero?" Tanong ko.




"Malapit na daw." Naiiyak na saad ni Manang. "Huhuhu, jusko ang apartment ko."




Napasigaw kami ng may sumabog, mas lumaki ang apoy, umiyak naman si Kzyn kaya agad ko itong hinele.





"Gailtred hija, lumayo muna kayo dito malalanghap ni Kzyn ang usok. Ako na ang bahalang mag hintay kay Shon."





Naiiyak akong tumingin sa apartment. Tangina naman kasi ano ba kasi ang binalikan niya doon? Yung mga lamok?




Lumayo ako sa lugar nayon, may nakita akong waiting shed at doon naupo habang pinapatulog ang anak ko. Tumulo ang aking luha ng maisip na wala na kaming matutuloyan kapag nasunog ang apartment.





"Gailtred." Napatingin ako kay Shawn  na dala ang mga bagahe namin at mga gamit ni baby.




"Shawn, gago ka talaga bakit mo pa binalikan yan!" Singhal ko.




"Wala na tayong magagamit. Mga importante lang naman ang kinuha ko" sabi niya at tinabihan ako.




"Si Aling Kusing?" Tanong ko.





"Nandoon pa, umiiyak." Sagot niya.





Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinaplos ang pisngi ni baby gamit ang daliri ko.




"Saan na tayo titira ngayon?" Tanong ko.





"Mag hahanap tayo ng bagong malilipatan." Sagot niya. Halos sabay kaming napa ungot ng umulan ng malakas.




"Dito muna tayo." Ani Shawn at kinuha ang isa pang lampin. "Ikumot mo pa ang kay baby dahil baka lamigin."




Sinunod ko ang sinabi niya. Kumuha naman siya ng jacket at sinout iyon sakin. Kumuha rin siya ng kumot at binalot sa amin ni Kzyn.




"Matulog ka na." Aniya at kinuha sakin ang bata.



"Paano ka?" Tanong ko.




"Babantayan ko kayo." Aniya at hinalikan ang noo ko. "Sleep now, love. Everything will going to be fine."





As he always said.



My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now