Mabilis ang pagdi-desisyon na ginawa ko dahil wala naman akong ibang gusto kong hindi ang kabutihan nila. Umuwi ako sa apartment at nag sulat ng liham saka ko ito tinago sa inside pocket ng paboritong coat ni Shawn.
Umalis ako at bumalik sa probinsya. Ang malanghap lang ang amoy ng sariwang hangin ay naiiyak na ako.
This is the place where our story begin, and now I'm back without him...,and our daughter.
Kumatok ako sa bahay namin, bumokas naman agad ito at nasalubong ang gulat na tingin ni Mama.
"G-Gailtred? Ikaw ba talaga yan?" Hinila niya agad ako papasok sa loob at mahigpit na niyakap.
Mama....
Nang yakapin ko siya ay parang gusto ko na agad sabihin sa kanya na nahihirapan ako, pero hindi ako makapag salita. Ang hirap sabihin ng mga salita.
"Diyos ko, nalibot na namin ang probinsya para lang mahanap ka." Umiiyak na saad niya.
"Hinanap niyo ako?" Usal ko at nilibot ang paningin sa paligid. "Nasaan si Kuya?"
"Ang kuya mo ay nagte-take ng board exam."
Tumingin ulit ako kay Mama, bakas sa mga mata niya ang tuwa.
"Pasensya kana sa ginawa ko Gailtred. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa'yo." Ani Mama.
"I should be the one who says sorry." Usal ko.
Ngumiti si Mama at tiningnan ako. "Namamayat kana, oo nga, nasaan ang apo ko?"
"N-Na kay Shawn. I-Iniwan ko sila.." Napayuko ako.
"Bakit?" Tanong ni Mama.
"Nahihirapan na sila at wala akong magawa." Napa hikbi ako.
"Anak ko." Mahigpit akong niyakap ni Mama.
"Sana mapatawad nila ako pag dumating ang panahon na bumalik ako sa kanila." Saad ko.
"Isang mabigat na desisyon ang ginawa mo anak.."
Tumango ako at naupo sa sofa, nag angat ako ng tingin sa kanya at nag tanong.
"P-Paano niyo akong napatawad?"
Lumamlam ang mga mata niya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Pinatawad kita agad pero huli na dahil umalis ka, natakot ako ng hindi ka namin mahanap Gailtred.."
Napayuko ako.
"Saka ko naisip na kung ang isang aso nga ay nangangamba kapag hindi nakikita ang mga tuta sa tabi niya, ang isang taong ina pa kaya?"
Tama si Mama, naisip ko nalang bigla ang anak ko.. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama.
"Babalikan ko sila" saad ko at agad na umalis.
Sumakay ako ng bus pa manila pero pag dating ko sa hospital ay wala na sila. Umuwi rin ako sa apartment at naka hinga ng maluwag ng makitang nandoon pa ang mga gamit namin.
Hihintayin ko sila dito.
Mahigit dalawang oras ang lumipas ng bumokas ang pinto, napatayo ako pero ganon nalang ang pag bagsak ng balikat ko ng makita ang land lady ng apartment.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...