05

125 6 0
                                        



Binato ko ang cellphone ko sa kama ng hindi sumagot si Shawn sa tawag ko. Siguro masaya siya ngayon kasama ang girlfriend niya.



Buti nalang at hindi ko talaga siya masyadong gusto kaya okay lang sakin na may mahal siyang iba. Pero hindi okay ang ginawa niya sakin.


Nag bihis ako pagkatapos naming mag haponan. Isang itim na pants ang sout ko at black na tube. Pinatongan ko ito ng black na jacket. Papasok ako sa rest house at pupuntahan ko ang lalaking yun!



"Hoy, aalis ka?" Ani Kuya ng makita ako.



"Pupunta lang ako kina Eva." Sagot ko. Wala si Mama at Papa dahil nag punta sila sa lungsod, hanggang bukas sila doon.



"Ge ingat." Ani Kuya sabay baling sa school works niya.



Lumabas ako ng bahay saka ako nag abang ng tricycle. Doon ako tumigil sa harapan ng resthouse. Pagkatapos kong mag bayad ay tumawid ako papunta sa tabi ng dagat. Ng makita ko ang pabilog na pintoan sa buhanginan ay inangat ko iyon at doon ako pumasok, yung flashlight ng cellphone ko ang gamit kong pang ilaw.



Mahaba haba rin ang nilakad ko hanggang sa makapasok ako sa kwarto ni Shawn. Binuksan ko ang pinto ng walk'in closet niya na sana hindi ko nalang ginawa dahil nakita ko sila ng babaeng yon na mag kapatong.


Though mag kapatong lang naman, pero tangina mag kadikit parin sila, pero bakit ako nasasaktan? Akala ko hindi ko siya masyadong gusto?


"Shawn." I called him.



Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinulak ang babae na nakatingin lang sa'kin.



"Gailtred." Aniya at nag lakad palapit sakin.



"Tsk. 50 years huh? 'At mas gugustohin'.  Fuck your words Shawn." Sabi ko at tinalikuran na siya.



"Gailtred, let me explain!" Aniya at sinundan ako.


Umiling ako at hindi na nag abala pang mag flashlight. Nanakbo ako palabas sa lugar na iyon, nasasaktan ako. Yung plano ko na gulohin siya ay nawala bigla. Tinraydor kasi ako ng sariling kong puso.


"Gail." Hinawakan niya ako sa kamay ng maka labas ako sa sekretong daan na iyon.


"Gailtred. Gail, tangina wag mo akong tawagin sa pangalan ko dahil parang tinatawag mo narin ang babaeng yun!" Sigaw ko at tinulak siya.


"Zyn, wala lang yung nakita mo." Aniya na mas lalong nag pagalit sakin.

"You don't have to explain. Wala namang tayo." Sabi ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.


"I'm courting you so it's my responsibility to explain what happened!" He said and held my hand.



"Ano namang sasabihin mo? Na nadulas siya at natumba kayo sa kama? Ha! Kabahan!" Usal ko at lumayo sa kanya.


"That's exactly what happened." He said.



"Whatever. Doon kana sa kanya." Sabi ko at binato sa kanya ang singsing niya.



"No, no, please, Gailtred." Tinabig ko ang kamay niya ng hawakan niya ako.


Baka nag kamali lang ang puso ko sa pag pili sa kanya, baka hindi talaga siya ang nararapat sa'kin.


Mabilis ang pag daan ng panahon, dalawang buwan na yata agad ang lumipas at hindi ko na siya ulit nakita pa. Even Shaine, bigla nalang itong lumipat ng ibang paaralan.


My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now