Pinigilan niya ang sarili niya kahit na alam ko naman na nag-iinit na siya. Wala akong magawa kong hindi ang mapangiti kapag naalala iyon.
He respect me, and he also know our limitation.
Pagkatapos ng nangyari ay matiwasay ulit siya na nag aral, habang ako ay kumakain lang habang nakatingin sa kanya. Kinokuhanan ko siya ng picture ng hindi niya alam saka ko mina-myday sa Instagram ko.
Ngayong araw naman ay mag papagupit ako ng buhok. Ako lang mag-isa dahil nag ba-bonding si Shawn at ang mga pinsan niya na galing sa London.
Hindi naman kasi pwede na solohin ko siya at ilayo sa mga pinsan niya.
Bumalik tayo sa pag papagupit ko. Hanggang braso na ang Auburn hair ko ngayon na dati ay hanggang bewang ko ang haba, meron narin akong manipis na bangs na bumagay naman sakin.
Sobrang ganda ko nga e. Wow self proclaim.
Pagkatapos kong mag pagupit ay tinulongan ko si Mama sa pagde-deliver ng mga cosmetics na binebenta narin niya.
Nag punta ako sa lungsod dahil taga doon ang um-order. Pag balik ko naman sa bahay ay naabotan ko si Kuya na tumotulong narin.
"Nakita ko si Shawn ah." Ani Kuya.
"Oh?"
"Naliligo sila ng dagat, bakit hindi ka sumama?" Tanong nya.
"Bonding nila yun, kuya." Sabi ko at nilagay ang isang order sa plastic.
"Hindi kaya kinakahiya ka ng Suvillon na'yon?" Sabi niya.
"Gio, tulongan mo akong mag buhat dito!" Sigaw ni Mama na nasa kwarto.
"Nandyan na!" Sigaw naman ni Kuya bago ako iniwan na nag-iisip.
Boung araw akong ginambala ng sinabi ni Kuya Gio. Hindi tuloy maayos ang tulog ko dahil sa pago-overthink.
Kinabukasan ay nag punta akong mag-isa sa school para sa pictorial namin sa graduation.
"Oy, hindi ka sumama kina Shawn kahapon?" Tanong ni Eva habang nag lalakad kami.
"Hindi. Alis na ako." Sabi ko at tinalikuran na siya bago pa ako makarinig ng kahit ano.
Nakayuko ako habang palabas ng gate, mabigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Kuya Gio.
"Hey, malungkot ka yata?" Napatingin ako sa lalaking sumabay sakin sa paglalakad.
Si Serio na siyang kaklase ko.
"Hindi naman." Sabi ko at tiningnan ang cellphone ko, kahapon pa kasi walang text si Shawn.
"Sinungaling." Aniya.
"Pakialamero." Inirapan ko siya saka ako mabilis na nag lakad, hindi narin naman siya humabol.
Palabas ako sa gate ng makita si Shawn, nakatingin lang naman siya sakin. Napatingin ako sa likuran niya ng bumokas ang sasakyan at lumabas doon ang dalawang lalaki.
"Gailtred! Yung wallet mo naiwan." Napalingon naman ako ng may sumigaw.
Si Beatrice. "Hala, salamat." Usal ko at binulsa iyon.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
Любовные романыGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...