Nakahiga ako sa kama ni Shawn, nasa loob na ako ng kwarto niya at doon kami sa sikretong daan pumasok para hindi kami mahuli.
We look like a love birds hiding from its prey.
"Okay ka lang ba?" Shawn asked.
"Oo nga, gawin mo na ang plate mo 'matutulog lang ako." Saad ko.
"Okay." Aniya.
Bago pa ako maka pikit ay biglang may kumatok sa pintoan ng kwarto niya. Napatingin ako kay Shawn ng tumayo siya at lumapit doon.
"Who's that?" He asked
"Shawn, anak mag meryenda ka na." Ang mommy niya!
Nilingon ako ni Shawn. "Stay here, lalabas lang ako." Aniya sa mahinang boses.
Tumango naman ako at muling binaon ang ulo sa yakap na unan. Bahagya niyang binuksan ang pintoan saka siya lumabas ng kwarto.
Nakatulog naman agad ako kaya hindi ko alam kung bumalik ba siya agad. Nang magising naman ako ay may tatlong pizza at doughnuts na sa side table. Meron ring isang baso ng tubig at juice.
"Gising kana pala." Ani Shawn na kalalabas lang ng banyo.
"Mm, anong oras na?" I asked.
"7:30, bababa ako for dinner. Dadalhan nalang kita." Aniya.
"H-Huwag na, uuwi na ako." Sabi ko.
"Are you sure?"
Tumango ako at umalis na sa kama niya, ayaw pa sana ng katawan ko ang umalis doon dahil napaka lambot nitong higaan, pero gabi na at kaylangan ko ng umuwi.
"Shawn, akina to?" Nakangiti kong saad habang nakatingin sa snacks.
Ngumiti naman siya at niyakap ako. "I'm happy to see your smile." Aniya at tiningnan ako. "Sure, para sayo naman talaga yan." Aniya.
"Thank you." Saad ko.
Tumango siya at lumayo na sakin, nagpa-alam siya na bababa muna at ng pagbalik ay may dala na syang isang dalawang box ng pizza at doughnuts.
"Sayo na ito para mas maging masaya ka." Ani Shawn.
"Wow, favorites ko ito." Saad ko at niyakap siya. "Thank you!"
"You're always welcome." Ani Shawn at tiningnan ulit ako. "Wait." Tumalikod siya at pumasok sa walk'in closet niya. Sumunod naman ako sa kanya.
"Wear this, malamig na sa labas." Aniya at sinout sakin ang itim na hoodie. "I'll see you tomorrow, okay?"
"Okay." Mas tinamisan ko pa ang ngiti ko para maging masaya din siya. Nakita ko kasi na nalungkot siya ng malungkot ako kanina.
"Ihahatid na kita." Aniya.
Pagdating sa bahay ay naabotan ko silang nag-aalala.
"Saan ka galing?" Tanong ni Mama.
"Sa bahay ng kaybigan ko." Sagot ko sabay lapag ng snacks sa lamesa. "Ito, kumain kayo, tirhan niyo ako ha." Sabi ko.
"Anak, yung papa mo."
"Umalis?" Pag putol ko sa kanya. Napayuko naman si Mama at naiiyak na tumingin kay Kuya.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...