13

45 4 0
                                    



Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Shawn. Nanginginig ang mga kamay na idinial ko ang numero niya pero walang sumasagot.


Napa upo ako sa gutter at muli siyang tinawagan, naka tatlong ring bago siya sumagot.




"Hey, Gailtred"




Nakagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pag hikbi, naririnig ko ang ingay ng mga taong nag-uusap mula sa background voice niya.




"N-Nasaan ka?" Tanong ko




"Nasa bahay, Stephanie's parents is here, nag-uusap sila tungkol sa kasal." Aniya.





Kasal. Isa pang problema yon.




"N-Nasa labas ako ng bahay niyo, p-puntahan mo ako please." Tumulo ang luha sa mga mata ko.





"A-Are you crying? Wait, lalabas ako."



Napatayo agad ako at tiningnan ang gate. Ilang segundo lang ng bumokas yon, binaba ni Shawn ang cellphone niya saka sya lumapit sakin.




"What happened? W-Why are you carrying your clothes?" He asked.





"P-Pina alis ako ni Mama." Usal ko.




"B-Bakit?" Tanong niya.




"Shawn, b-buntis ako e. Buntis ako." Usal ko at tiningnan siya. "A-Anong gagawin natin ngayon, Shawn?"




Bakas sa mukha niya ang gulat, napa atras siya at umiling. "Are you serious?"




"Tangina, mukha ba akong nag bibiro?!" Sigaw ko.




"Shawn anong nangyayari?" Mula sa gate ay lumabas ang isang magandang babae.




She must be Stephanie. Hindi siya pinansin ni Shawn, dahil nasa akin parin ang tingin ng lalaki.




"Mag salita ka naman, hindi kuna alam kong anong gagawin ko! Hindi ko na alam!" Sigaw ko.




Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, nanginginig ako at nanlalamig.




"Shh. I will take responsibility." Aniya at niyakap ako.





"What is happening here!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.




Ang mommy niya. Binitawan ako ni Sebastian at hinarap ang ginang.




"Ikaw na naman!" Lalapit sana sakin ang mommy niya ng harangin niya ito.





"Don't touch her!" Sigaw ni Shawn.




"Shawn Lhor!" Singhal ng Daddy niya.




"I will not let you harm her nor my child!" Sigaw niya.




"What did you just say?!" Mrs Suvillon  exclaimed.





"She's pregnant." Shawn answered.



Pagak na natawa ang Mommy niya dahil sa narinig.




"Kung hindi ba naman malandi." Nag init ang ulo ko sa sinabi niya.




"Hindi ako malandi ah!" Sigaw ko at susugorin na sana siya.



"Gailtred." Hinawakan ni Shawn ang kamay ko. "Calm down love."



"Sumusobra na kasi siya!" Sabi ko.



My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now