Nang iwanan ako ni Shawn sa bathroom ay matagal bago ako naka recover sa ginawa niya sakin. At nang maka bawi ay agad q tumayo at nag bihis bago umalis ng hindi nagpapa alam.
"Naku, paskong pasko tulala kana naman!" Napakurap ako at tumingin sa pinto ng bahay.
"M-Mama, b-bakit po kayo umuwi?" Tanong ko at agad na nag mano sa kanya
"Aba, bawal ba akong umuwi sa sarili kong bahay?" Aniya at nilapag ang mga dala sa mesa.
"Hindi naman po." Saad ko.
"Ang dami ng handa ng kuya mo, doon kasi nag pasko ang girlfriend niya, at ikaw kumain kana, baka nalilipasan ka ng gutom." Aniya
"Hindi naman po." Matamlay kong sagot.
"Bakit ka matamlay?" Tanong ni Mama.
"Wala, masama lang ang pakiramdam ko, tulog na ako. Merry Christmas." Walang buhay na sabi ko at iniwan na siya doon.
Hindi naman ako kinulit ni Mama at pina bayaan muna akong mag isa.
Kinabukasan ay nasa bookstore ulit ako, wala namang masyadong tao kaya nag basa basa muna ako.
Nang oras na nang pag sara ko ay naisipan kong mamasyal muna sa tabing dagat. Baka makita ko ang lalaking yon at ipapamukha ko sa kanya na na-aalala ko na ang nangyari nang gabing iyon. Na siya ang nag dala sa akin sa kwarto niya at hindi ang sarili kong mga paa.
Pagdating ko doon ay nakita ko nga siya, hindi lang si Shawn kung hindi pati si Kzyn. Nag dalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o hindi, pero ng ma pag pasyahan ko na umalis na lang ay huli na dahil nakita na ako ni Shawn.
"What are you doing here?" Tanong niya.
Kung makapag tanong akala mo naman sa kanya ang boung buhanginan.
"Hi Kzyn." Bati ko sa bata.
"Hala! Ria nandito si Miss. Gail!" Tili ni Kzyn dahilan para manakbo palapit si Ria.
"Hi." Yumuko ako at niyakap silang dalawa.
"How are you po?" Ria asked.
"Okay lang, kayo?" Tanong ko.
"We're fine. Hindi na ako naka balik sa bookstore niyo po, dahil pinag bawalan ako ni Dad." Kzyn said.
Tiningnan ko si Shawn at umismid lang naman siya sakin.
"Mag-uusap lang kami nang Daddy mo" sabi ko at umayos nang tayo.
"You already know my Dad?" Ani Kzyn.
Nagbaba ako ng tingin sa kanya. If you just know.
"Oo." Sagot ko at nilapitan na si Shawn.
"What do you want to talk about?" Aniya sa seryosong boses.
"Na-aalala kuna, ikaw ang nag dala sa akin sa kwarto mo!" Singhal ko.
Ngumisi lang siya at nag pamulsa saka siya tumingin sa karagatan na para bang isa itong property na pag tatayuan ng isa sa mga kompanya niya.
"And so?" Aniya.
"Ang kapal lang ng mukha mo." Sabi ko at humalokipkip.
"Really? Sinong mas makapal ang mukha sa'tin? Hindi ba ikaw ang nang iwan, tapos babalik ka na parang walang nangyari. Wow, I am so impressed, baby." Ani Shawn.
Sumimangot ako. "Baka ikaw ang bumalik."
"Whatever." Kalmado na saad niya.
"Hoy, Shawn!" Hinarap ko siya. "I will going to get the custody of my child. Hindi mo lang siya anak, anak ko rin si Kzyn." Sabi ko.
"Do what you want, but you can't take my daughter away from me." Aniya at akma akong tatalikuran pero pinigilan ko siya.
"Gusto ko nga kasing makasama ang anak ko." Naiiyak ko nang saad.
Humarap siya ulit sakin. "Are you being an actress in front of me huh, Gailtred?" Tiim ang bagang na tanong niya.
"Hindi, hindi naman ako uma-arte lang Shawn." Usal ko.
"I'm not convinced." Aniya.
"Kung ang isang aso nga ay nangangamba kapag nawala ang tuta niya sa tabi niya, ang isang taong ina pa kaya?" Saad ko, yan din ang sinabi ni Mama sakin noon.
Sumimangot siya at matalim akong tiningnan. Minsan hindi ko din maintindihan ang lalaking ito e. Minsan mabait siya sakin minsan naman masungit. Hindi nalang kasi niya sabihin na nag tatalo ang isip at puso niya kung mahal pa ba niya ako o hindi.
"Are you comparing yourself to a dog? That's absurd." Aniya.
"Your attitude is absurd! Daig mo pa ang isang babae!" Singhal ko.
"Ang ingay mo." Aniya habang nakatingin sa labi ko.
Naitikom ko iyon at agad na tinakpan dahil baka halikan niya ako. Ano ba ang mali sa mag assume?
Kumunot ang noo ni Shawn at naiiling akong tinalikuran. Hinabol ko naman agad siya.
"Shawn, please, k-kahit sandali lang makasama ko lang anak ko." Saad ko.
"No!" Sagot niya.
"You're so selfish!" Sigaw ko, tumigil sya sa pag lalakad at hinarap ako.
"What?" Asik niya
"Ang selfish mo, ang damot mo, napaka damot mo!" Sigaw ko at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mga mata ko. "Gusto ko lang naman na makasama ang anak ko dahil aalis na ako dito!"
"Aalis ka parin naman pala e" ani shawn.
Pwede naman kayong sumama. Pero hindi ko isinatinig iyon dahil alam ko naman na imposible dahil sila ni Stephanie.
"Kung malaman mo ang dahilan ng pag alis ko noon, will you still treat me like this ha?!" I shouted.
Kumunot ang noo niya. "I don't want to listen to you anymore."
"Tangina naman Shawn!" Sigaw ko.
"Ang alam ko lang na dahilan mo kaya mo kami iniwan ay dahil binigyan ka ni Mommy nang pera at tinanggap mo yun dahil pagod ka nang maging mahirap." Aniya, dumaan ang sakit sa mga mata niya.
"Yes, she offered me a million in cheque pero pinunit ko yon, Shawn."
"I don't believe you." He said.
"But that's the truth." Nanghihina kong saad.
Umiling siya at tuloyan na akong tinalikuran. Tinawag niya si Kzyn at Ria na agad na namang lumapit sa kanya at kumaway sakin.
Malungkot akong napa upo na lamang at umiyak. Gusto ko lang naman na makasama si Kzyn bago ako mag punta ng Mexico. May isang publishing company doon kung saan nag tatrabaho si Olli at sinabi niya sa owner nito ang tungkol sa mga story ko kaya inimbitahan nila ako.
Pero mukhang hindi masayang alaala ang babaunin ko doon kung hindi iyong malungkot na alaala parin.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...