EPILOGUE

76 3 0
                                    


GAILTRED'S POV




3 years later....





"I want peanut!!!!" Sigaw ni Fire na halos gumulong na sa sahig ng Grocery Store.





Napa sentido ako at hinawakan ang palapulsohan niya upang patayuin.





"Fire, get up 'nakaka agaw kana ng pansin, anak." Sabi ko.





"I don't care! I want peanut, peanut!!!!" Sigaw niya at nahiga na nga sa malamig na tiles.





"Bawal ka nga sa peanut." Ani Kzyn na kasama din namin ngayon.





"Fireworks. Isa, magagalit na ako." Sabi ko, hindi naman ito nakinig at tumagilid pa sa pag kakahiga.





"What's happening?" Shawn asked when he arrived, naka business attire pa siya.





"Pulotin mo yang anak mo, napaka tigas ng ulo, gusto talagang kumain ng peanut kahit hindi naman siya pwede." Sabi ko at tinalikuran na sila dahil sa inis.





Narinig ko pa ang sigaw at iyak ni Fire, kapag kuway ay tumigil na ito kaya lumingon ako. Kaya pala ay may hawak ng peanut..





"It's okay wife, he will be fine." Ani Shawn.





"Bahala ka!" Singhal ko at tinalikuran na ulit sila.






Nag patuloy nalang ako sa pag bili ng mga stocks, mas dinamihan ko ang gulay at prutas dahil mahilig sila doon. Nang nasa counter na kami ay naging makulit na naman si Fire.





"Mommy, Ice cream, I want Ice cream." He said.





"Huwag mo nang pansinin yan Mom, napaka spoiled." Ani Kzyn sabay irap.




Natawa naman si Shawn sa narinig at ginulo ang buhok ni Kzyn. "Spoiled ka rin naman, sweetheart."






"But I know my limits! Daddy naman kasi, gina galit lang ni Fire si Mommy e!" Kzyn said.





"Fire!" Saway ko sa kanya ng hilahin niya ang dulo ng sout kong dress. Muntik na akong mahubaran! Letsugas na batang ito.





"Son." Binuhat agad siya ni Shawn at pinitik ang ilong nito.




"Ice cream! I want an Ice cream, and cake, and cookies.." Ani Fire.





"Ang dami mong gusto." Naiiling na ani Shawn.





"Matakaw kagaya mo." Sabi ko at inusod yong cart papunta sa counter. Tinulongan naman ako ni Kzyn na ilagay lahat ng pinamili namin sa counter.






"Mommy! Ice cream!" Sigaw ni fire sabay hila sa naka lugay kong buhok.




"Aray! Shawn naman tingnan mo!" Naiinis ko na talagang singhal. Napapatingin nalang sa amin ang ibang tao, at mangingiti.





"Fire, let go of your mother's hair." Shawn said na agad namang sinunod ng bata.





Hinarap ko ito at pinisil ang matambok niyang pisngi. "Last ka nalang, ibabalik talaga kita sa tyan kong bata ka." Sabi ko.







"Mom, pay the groceries na so we can go home." Kzyn said.




Humarap naman ako sa cashier at nag bayad gamit ang card ni Shawn, wala namang pakialam ang lalaki at binaba na si Fire upang kargahin ang dalawang box ng groceries.





My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now