14

48 3 0
                                    




"Basta sasama ako sa'yo, kahit saan ka tutungo." Usal ko at niyakap si Shawn.


Hinaplos naman niya ang buhok ko at marahan akong hinalikan dahilan upang mapa pikit ako.



"Kakayanin natin ito." Ani Shawn.



Naluluha akong tumango at muli siyang niyakap. Kahit naka paloob na ako sa mga yakap niya ay natatakot parin ako.




How I wish I can take a look of the future so I would know what will happened next so that I can get ready for the possible pain.




Natigil ako sa pag-iiisip ng maramdaman ko ang labi ni Shawn sa impis kong tyan. Nakaluhod na pala siya at kinakausap ang tyan ko.




"Pag labas mo kakantahan ka ni Daddy, ipagtu-togtog kita ng piano, ng gitara 'gagawin ko lahat ng gusto ninyo ng Mommy mo. I will always be here for the both of you."


Pinunasan ni Shawn ang luha niya saka siya tumayo at niyakap ako.



"You don't know how happy I am right now. Thank you Gailtred. Thank you" aniya.



Ngumiti ako at sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang mga daliri ko.



"Nagugutom na ako, Shawn." Sabi ko.



"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya at nilampasan ako.




"Kahit ano." Sabi ko.




"Okay, do you have cravings? Mangga, pakwan, lansones ano?" Tanong niya habang kinukuha ang wallet niya.

Bahagya akong tumawa. "Gusto ko ng mangga at bagoong " sabi ko, nag lalaway na ako.



"Bibili muna ako." Ani Shawn at lumabas na ng bahay.



Lumapit ako sa bagahe niya at tiningnan ang laman ng kanyang wallet. Nalungkot ako ng makita ang lilibohin na pera doon, sigurado akong mauubos iyon agad.



Nalulungkot ako dahil naiisip ko na ako ang magiging dahilan ng pag hihirap ni Shawn.



Pagbalik niya ay pinilit ko na maging masaya ulit. Kumain muna ako ng kanin at ulam, pagkatapos ay nilantakan ko ang mangga.




Kinabukasan ay maaga nga kaming umalis. Nag pasalamat ulit kami kay Tom bago umalis.



Nang makarating kami sa Manila ay dumiretso kami sa isang apartment na sinabi ni Tom, tiyahin niya raw ang may-ari. 





"Kayo ba iyong mga kaybigan ni shawn?" Tanong ng isang ginang.




"Kami nga po." Ani Shawn at nag pakilala. Ganon din ang ginawa ko, mukhang mabait naman ang ginang.




"Oh, ang Renta kada buwan ay 1,300. Dala na iyon sa kuryente at meron kayong sariling gripo sa loob." Sabi ni Manang Kusing.





"Sige po, mag da-down ako ng renta para sa tatlong buwan. Manang." Ani Shawn at inabotan ng 3,900 ang ginang.




"Naku, salamat. Sige na pasok kayo sa loob, pag may kaylangan kayo wag kayong mahihiyang mag tanong sakin, nasa katapat na bahay lang ako." Sabi niya.





"Thank you po." Ngumiti ako dito.




Malaki ang space sa loob, walang itong kwarto. Pag pasok mo sa pinto ay may isang luma ngunit maayos pa naman na sofa sa gilid. Sa kabilang side naman ay isang kama na walang foam, may kahoy na lamesa sa kabila pero walang upoan.




My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now