Taking risk, and making
mistakes often lead to
wonderful new beginnings-From the motivational quote
_
Napaka bigat! Tangina naman, bakit ba naman kasi ako pumayag na mag grocery ng walang kasama? Ang bigat bigat nitong cartoon, kainis!
Iritado na ako dahil basang basa na ako sa pawis at sobrang init. Nilapag ko ang dalawang cartoon ng makarating ako sa hintayin ng jeep. Oo nga pala, nakatira ako sa maliit na probinsya kung saan magka-kilala ang lahat dahil nga maliit lang ang mundong kinagagalawan namin.
May sari-sari store ang Mama ko. Ang Gailtrude Sari-Sari Store at para doon itong mga grocery na pinag hirapan kong bitbitin. Nandoon naman si kuya kanina bakit ako pa ang inutosan? Is this my punishment dahil nag cutting classes ako kahapon?
"Oy Gail daming grocery ah!" Napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan na kaklase ko noong grade 10 ako.
"Gusto niyo akong tulongan?" Nakangisi kong saad, dahil minsan narin naman kaming naging magka-klase kaya baka pwede nila akong tulongan mag buhat?
"May pupuntahan pa kasi kami e. Sa susunod na lang." Ani Paolo at umalis na sila agad.
Okay, walang tutulong sakin. Sino ba naman ako? At nakalimotan ko na si Paolo pala ang lalaking binayagan ko noon dahil ang kulit. Liligawan daw kasi niya ako at buboo daw kami ng pamilya 'asa naman siyang sasagotin ko siya hindi nga maka score sa recitation e.
Pinara ko na ang jeep na nakita ko, tumigil naman ito sa aking harapan.
"Sakay na Gailtred! O, may isa pa dyan sa kaliwa o, paki usog nalang at ng maka sakay ito." Sabi ni Manong Pino.
"Salamat po!" Saad ko at binuhat ang dalawang pabigat na grocery. "Tangina." Bulong ko ng makita na sobrang layo ng pagpe-pwestohan ko.
Bahala na nga basta maka uwi. Pahirapan akong sumiksik papunta sa dulohan, naupo ako at nilagay ang dalawang karton sa sahig ng jeep.
"Ouch." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko naka upo, saka ako napatingin sa paa niyang nadaganan ng karton.
"Oy." Naiusal ko at agad na inangat ang karton, napangiwi naman ang lalaki at bahagya akong nginitian. "Sensya." Bored kong sabi.
"It's okay." Mahina niyang sagot at nag iwas na ng tingin.
"Bakit hindi ang kuya mo ang pinag grocery Gailtred?" Ani Manong Pino habang nagda-drive. Nasa likuran lang niya kasi ako naka pwesto.
"Ewan po ni Mama. Ang sakit na nga po ng kamay ko e." Saad ko sa kapit bahay naming tsuper.
"Naku, mabigat kaya yan." Ani Mang Pino.
Nang tumigil ang sasakyan sa baranggay namin ay napa buntong hininga na naman ako. Talaga namang inis na inis na ako. Akma ko na sanang bibitbitin ang dalawang carton ng grocery ng kunin ito ng lalaki sa harapan ko at walang kahirap hirap na binitbit palabas.
"Tangina naman o." Bulong ko at sinundan na ang lalaki. Nilapag nito ang mga grocery sa waiting shed ng baranggay namin saka siya muling pumasok sa jeep ng walang lingon sakin.
Akala ko nanakawin niya..
Pero parang hindi naman at hindi nga niya ninakaw. Sa itsura at sout ng lalaking yon mukhang mas may kay pa kaysa sakin.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...