"Ano ba yan, nag hihintay daw sa wala pero binigyan parin ng chance. Naku, isa kang marupok." Ani Eva.
Inirapan ko sila, ito na nga at kanina pa nila akong tinutukso. Pero nakakapagtaka lang na imbes na mainis ako ay nagugustohan ko pa ang pang -aasar nila sakin.
"Beh, bumigay siya kasi ang sweet daw ni Suvillon." Nakangisi na ani Samantha.
"That's not true." Sagot ko.
Nag tawanan sila at inasar pa ako lalo, para silang mga bata. Nang mag dismissal ay expected ko nang nag hihintay si Shawn sa'kin sa labas kaya hindi na ako nagulat ng makita siya.
"Akina." Aniya sabay kuha ng backpack ko.
"Nasaan ang sasakyan mo?" I asked.
"Wala akong dalang sasakyan." Sagot niya at nag lakad na.
Hindi agad ako naka sunod sa kanya dahil binelatan ko pa ang mga kaybigan ko na nakangisi sa'kin mula sa hindi kalayuan. Mga mapang-asar!
"Gailtred." Napalingon ako kay Shawn ng tawagin niya ako, nakakunot ang noo niya.
"What?" Nilapitan ko siya at tiningala.
"Nothing, you just did something cute in front me." Nakangisi na ani Shawn sabay pisil ng pisngi ko.
Nahiya naman ako dahil sa sinabi niya dahil sa kaisipan na nakita niya akong nag make face sa mga kaybigan ko!
Dumaan muna kami sa fishball vendor at kumain doon, si Shawn ulit ang nag bayad ng pagkain namin.
"Uy wait, parang gusto ko nito." Sabi ko sabay turo sa kwek-kwek. "Tatlong kwek-kwek, kuya." Sabi ko.
"Hindi pa nga ubos yang kinakain mo." Ani Shawn.
"Ito po." Inabot ng vendor sakin ang disposable cup na may kwek-kwek at stick saka siya bumaling sa ibang customer.
"Nagugutom kasi ako Shawn." Sabi ko at napalingon ng may bumangga sakin. "Tangina naman, umayos ka nga!" Singhal ko at binatokan si Eremon.
"Lah, ikaw pala yan Gail. Sorry, kulit nitong kaybigan ko e." Aniya saka hinabol yung isang lalaki.
"Are you okay?" Napabaling ako kay Shawn.
"Oo naman, pwede bang tayo na?" Sabi ko habang nakangiti.
"Okay, girlfriend na kita." Sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Hindi naman yun e! Sabi ko mag lakad na tayo."
Ngumisi siya at hinila na ako palayo doon.
"Make it clear next time. Do you know that I really want to be your boyfriend?" He said.
"Of course." Sagot ko nalang, mahirap mag English e.
"Hey, huwag ka dyan." Hinila niya ako ng mag punta ako sa gilid ng daan kung saan duma-daan ang mga bisekleta.
"Ito naman, parang naghahanap lang ng basurahan e." Sabi ko.
"Saka mo nalang yan itapon, okay?" Aniya.
"Fine!" Sagot ko at pinahawak sa kanya ang wala ng laman na disposable cups.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...