I hate to think that they're playing with me, hindi porket mayaman sila ay basta basta na lang nila akong pag lalaruan ng ganito. Para silang mga bata na walang magawa sa buhay.
Ikaw kaya yung puntahan sa school at sabihin sa harapan ng mga kaklase mo na kakasohan ka ng trespassing tapos pag dating sa presinto ay biglang e aatras?
"I'm sorry." Ani Shawn. Ilang araw na ang lumipas at pinopuntahan niya ako palagi sa school.
Mas lalo tuloy nagalit si Shaine sa'kin. And now she's accusing me that I seduce her brother. Sumasakit na yong ulo ko sa kanila. Kung maibabalik ko lang ang oras gaya ng ginawa ni superman ay pipiliin ko nalang na mag pahuli kay kuya at maligo sa kurot ng Mama ko 'kaysa sa pumasok sa resthouse na akala ko walang nakatira.
At bakit ba kasi bukas ang pintoan nila? Naniniwala pa naman ako, na kapag bukas ang pintoan anytime pwede kang pumasok gaya ng swerte.
"Gailtred." Ani Shawn.
"What, bakit ka na naman ba nandito?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. Naningkit naman ang mga mata ko at dinuro siya.
"May gusto ka sakin no?" Sabi ko.
Okay lang naman na e reject niya ako dahil hindi ko naman siya gusto at wala namang ibang tao dito sa waiting shed.
"Di'ba obvious?" Nakatikwas ang kilay na sagot niya na nag patigil sakin.
Umatras ako at nag iwas ng tingin, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya agad akong tumayo.
"I like you Gailtred." He repeated with his husky and baritone voice.
"09392491, call me 'wag muna tayong mag usap ngayon." Nasabi ko nalang bigla saka ako pumara ng jeep at sumakay.
Tangina bakit ko ba nasabi iyon? Bakit ba ako ganon kapag kinakabahan? Tsk, di bale hindi naman siguro niya na memorize dahil ang bilis kong nag salita. Tama hindi ni-
Muli akong natigilan ng tumunog ang cellphone ko, napamura ako ng makita ang message mula sa isang unknown number.
Unknown Number. 09832428: I'll call you tomorrow.
Na memorize niya ang number ko!
Kinabukasan ay tinawagan nga niya ako, handa na akong harapin siya ng sabihin niya na mag kita daw kami sa malaking bato na boundary ng rest house nila at ng niligoan namin ng mga kaybigan ko ilang linggo na ang lumipas.
Pagdating ko doon ay naabotan ko siyang nakapamulsa at nakatingin sa dagat. Napaka ganda ng tindig niya, napaka perpekto niya.
"Shawn." Tawag ko kaya napalingon siya sakin.
Ngumiti sya ng makita ako, yung ngiti na sobrang tamis.
"Akala ko hindi ka dadating." Aniya at nag lakad palapit sa'kin.
"Ayaw ko sana pero naawa ako sayo" Pag sisinungaling ko.
Mas lalo siyang napangiti dahil sa narinig. "Naiinis ka parin ba sa'kin?"
"Huwag mo akong tanongin, sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin." Sagot ko.
Lumamlam ang mga mata niya, bahagya akong umatras ng ipitin niya sa likuran ng tainga ko ang takas na hibla ng buhok.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...