03

54 4 0
                                    

Gailtred?! Sinong tinutukoy niyang Gailtred? Hindi naman siguro ako, pero bakit kapangalan ko? Naiinis ako kapag meron akong kapangalan.

"Ano ba kasing itsura ng babaeng yon?" Tanong ng kaybigan niya..



"Basta." Ani Shawn.


Nakagat ko ang labi ko at lalangoy na sana ng pulikatin ako. Tangina! Ang sakit! Hinawakan ko ang paa ko sa ilalim ng tubig, buti nalang at hindi naman malalim ang parte na ito kaya hindi ako nahirapan.


"Ouch, shit. Tangina." Usal ko.


"Narinig niyo yon?" Tanong ng isa sa kanila na alam kong hindi si Shawn.


"Bumalik na kayo sa rest house." Ani Shawn sa seryosong boses.


"Wait lang pare, may narinig akong boses e." Makulit na sabi ng kaybigan niya.


"Putangina naman." Usal ko ng may nahulog na coke in can na wala ng laman at nasapol ako sa ulo.



"Sabi ng bumalik na kayo sa bahay!" Sigaw ni Shawn.


"Oo na, ito naman galit agad."


Isang minuto ang nakalipas ng mag dive siya bigla, muntik na akong mapa tili ng dahil doon. Gusto ko na sanang lumangoy palayo gaya ng sirena kapag nakakakita ng tao pero putangina masakit yong daliri sa paa ko!


"Hey, are you okay?" Tanong niya ng makalapit sakin.



"No." Sagot ko.




"Anong nangyari?" Tanong niya at hinawakan ang braso ko.



"Huwag mo akong hawakan, kaya ko ang sarili ko." Malamig kong sabi at ginalaw ang paa ko, ng magalaw kuna ito ay saka ako lumayo sa kanya.




"Wait, are you mad at me?" Aniya.


Sinamaan ko siya ng tingin. Siguro sapat na iyon bilang sagot, nakita kong natigilan siya.



"Pero wala naman akong ginawa na masama sayo." Aniya.


"Wala nga pero naiinis ako sayo dahil sa kapatid mo." Sagot ko at sinubokan na pumonta sa buhanginan.



Sumunod naman siya sakin at ng maupo ako sa buhangin ay naupo rin siya.




"I'm sorry about my sister. She's just like that." Aniya sabay gulo ng buhok niya.



Napatingin naman ako sa patag niyang sikmura na may six packs na abs. Sunod kong tiningnan ang muscle sa braso niya pababa sa kanyang ma-ugat na kamay, mahahaba rin ang mga daliri niya na parang kandila.



"Why are you staring at my hand?" He asked.



"Wala lang." Sagot ko.



"Do you like this? I'll give it to you, marami naman akong ganito." Aniya sabay tanggal ng itim na singsing sa daliri niya.




"Malaki sa'kin yan." Sagot ko at nag iwas ng tingin.



Bakit pa ba ako nananatili? Hindi ba dapat aalis na ako?




Akma na sana akong tatayo ng kunin niya ang kamay ko at ilagay doon ang singsing.



"Keep that." Ani Shawn.




"Hoy Gailtred! Sabi ayaw daw na makita pero pinuntahan!" Sigaw ni Olli, sa likuran niya ay sina Eva na tumatawa.



Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo at nag lakad palapit sa kanila. Walang pasabi na hinila ko sila palayo.




"Ano ba ang ingay niyo!" Singhal ko ng makalayo kami.



"Ikaw kasi napaka scam mo! Akala namin nalunod kana, lumalandi ka lang pala." Ani Samantha.



"Lumalangoy lang ako okay? Hindi ko namalayan na naka abot na pala ako doon." Sagot ko.


Inasar pa nila ako at wala na akong nagawa kung hindi ang irapan sila.



Dumaan ang isang linggo na mag kaklase parin kami ni Shaine at isang linggo narin siyang nag paparinig sakin. Parang bata.



"Shaine, nasa labas parents mo." Sabi ni Chloe.



Napalunok ako pero hindi ako nag pahalata na kinakabahan. Tumingin pa ako sa labas ng room at nakita ang malditang mukha ng Mommy niya.




"Lagot ka ngayon." Bulong ni Shaine sakin.




Inirapan ko naman siya, akala ko tapos na ang issue namin na ito. Oo alam ko naman na masama talagang pumasok sa bahay ng ibang tao ng walang paalam, pero nag paliwanag na ako 'at wala namang nawala sa kanila.



Hindi ko alam kung bakit nawala ang kaba ko ng makita si Shawn sa labas, nakatingin sya sakin.



Makikipag tagisan na sana ako ng tingin ng mag ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag.



"Anak, kumusta? Papunta na dyan ang Mama mo dahil tinawagan siya ng principal."



"Po?"Namutla ako.



Kaylangan ko ng tumakas! Binaba ko ang tawag saka ako tumayo at kinuha ang bag ko.




"Saan punta mo?" Tanong ni Beatrice.



"Tatakas ako, parating na dito si Mama." Sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya.




"Hindi ka makakalabas, maraming naka bantay sa labas na guard e. Alam mo na, nandito ang mga Suvillon." Aniya.




Piste talaga!



"Miss Saludes. Come over here." Sabi  ng adviser namin.



Inayos ko ang buhok ko pinanlakihan ng mga mata si Beatrice.



"Kaya mo yan." Aniya.



Umirap ako at nag lakad na palapit sa kanila. At nasa labas narin pala si Mama.



"Ikaw bata ka hindi naman kita pinag lihi kay Dora pero kung saan saan ka nakakarating." Ani Mama sabay kurot sa tagiliran ko.




"Aray, masakit yon!" Singhal ko.



"Abay sumasagot ka pa, masasaktan ka talaga." Ani Mama sa mahinang boses.


Sumimangot ako at tamad na silang tiningnan.



"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na wala akong ninakaw na kahit ano. Para na akong sirang plaka dito." Naiinis kong sabi.




"Kakasohan ka namin ng trespassing." Diretsong sabi ni Mrs Suvillon.


"Ay, wag naman po 'bata pa po yung anak ko para makulong." Ani Mama.



"Edi makulong kung makukulong." Iritado na talaga ako sa lagay na ito, lalo na at may dalaw ako ngayon.


"Gailtred! Ikaw na bata ka, wala na sa lugar iyang katapangan mo." Ani Mama.



"Ewan ko sa inyo." Sagot ko at muling pumasok sa room, kinuha ko ang bag ko.



"Tara sa presinto." Sabi ko ng muling lumabas at nag lakad na palayo sa kanila.



Naiirita na kasi talaga ako e, at saka mabigat na ang loob ko dahil palagi nalang akong nag papaliwanag pero hindi naman sila nakakaintindi. Sila naman ay inirereklamo ako, kung ipapakulong nila ako 'sana nag dala na sila ng pulis.



Hindi naman ako natatakot na makulong, ewan ko kung bakit. Baliw na ata ako.




Nakarating na kami sa presinto pero bigla nilang inurong ang kaso dahilan para mas lalo akong mang galaiti sa galit imbes na mag pasalamat. Kasi naman, gina-gago ba nila ako? Pinaglalaruan ba nila ako?



My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now