08

44 4 0
                                    

"Good evening po, I'm Shawn Lhor Suvillon. Gailtred's suitor." Magalang na pakilala ni Shawn kay Mama.


"Ang gwapo mo namang bata. Oh, bakit ngayon ka lang, ayaw ka bang papuntahin dito ng pamangkin ko?" Ani Tita Sally.


Umiling naman si Shawn. "Uhm, hindi naman po. Galing pa po kasi ako ng Manila e."


Galing nga siya ng manila dahil siya ang sumundo sa pinsan niya na galing London.



"Ganon ba? Pagod ka siguro, Shawn nagugutom ka? Kumain ka dito." Sabi naman ni Kuya.


Hindi naman magkanda-ugaga si Shawn sa pag sagot kaya napangisi ako.


"Excuse us fam!" Sabi ko at hinila na palayo sa kanila si Shawn.


"Excuse me po." Ani Shawn at nag pahila naman sakin.

"Pakainin mo muna yan!" Ani Tito.


Nang maka labas kami ng bahay ay agad ko siyang hinarap. Yumakap naman siya sakin at nag salita.



"I missed you." Aniya.

"Kanina ka lang umalis." Sabi ko at hinila ang buhok niya.


"I brought you a ring." Aniya at umayos ng tayo.


"Siguradohin mong totoo yan." Nakangisi kong sabi.


"Oo naman." Aniya at hinugot ang isang maliit na box sa bulsa niya at binuksan yon.


Isang makinang na gold ring ang nasa loob ng box, may maliliit na bato doon at halatang mamahalin talaga.



"Will you marry me?" Aniya.


"Gago." Hinampas ko siya sa braso.


"Just practicing." Nakangising aniya at kinuha ang kamay ko. Matagal pa niyang tinitigan yun at hinaplos bago niya sinout ang singsing sakin.




"Ang ganda." Usal ko.



"Happy legality, Gailtred." Aniya at hinalikan ang kamay ko.




"Thank you." Mahina kong sabi at iniyakap ang aking braso sa leeg niya.



"Mark this day, dahil pagmamay-ari na kita ngayon." Dagdag ko at hinalikan siya.




This is the best birthday, na kahit hindi kompleto ay masaya parin ako. Lalo na at tinanggap agad siya ng pamilya ko. Pero ang pamilya kaya ni Shawn, tatanggapin kaya ako?



"Kuya, uuwi pa siya 'baka malasing." Saad ko.



"Okay lang, may motor naman 'ihahatid ko." Ani Kuya na lasing na rin.


"Mukha mo, naduduling ka na nga e." Sabi ko at hinila na si Shawn.



"Hey, love. It's really okay." Ani Shawn.



"See? It's okay, don't panic, it's undre conetroll." Ani Kuya na hindi na mabigkas ng tama ang linya niya.



"Under control ka dyan." Sabi ko. Kanina pa kaya sila umiinom, wala na nga ang mga bisita at yung mga ka inoman nila kanina e.



"Gailtraidddd, okay lang...Ako." Ani Shawn.



Hindi ko siya pinakinggan at hinila na lang palabas ng bahay.



"Uuwi ka na." Sagot ko.



"Galit ka?" Tanong niya at niyakap ako.


"Hindi, umayos ka 'nandyan na ang driver mo." Sabi ko.


My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now