"Anong 3 months? Sabi mo tatlong araw lang bakit naging buwan?" Nakasimangot kong tanong kay Shawn nang tawagan niya ako.
Nag paalam kasi siya na mag eextend daw siya nang tatlong buwan sa New York.
"Masyadong maraming gagawin dito sa company. I can't leave all of this here."
"Pero sabi mo tatlong araw lang. Where is Kzyn? I'm gonna talk to our daughter." I said.
"She's at school." He answered
Umaga na doon at dito naman ay gabi, bawal pa naman akong mag puyat pero hindi talaga ako nakakatulog nang hindi naririnig ang boses ni Shawn. Ganito akong mag buntis.
"Umuwi ka dito" sabi ko at niyakap ang unan na katabi ko.
"Love." Halos pabulong na aniya.
Nairita ako bigla kaya sinigawan ko siya. "Kung ayaw mong umuwi edi wag kang umuwi!" Sigaw ko at binaba na ang tawag.
Inis kong nilagay sa silent ang cellphone ko at sinubsob nalang ang mukha sa unan, natulog tuloy ako na masama ang loob.
"Ano bang problema, anak?" Tanong ni Mama ng mapansin na wala ako sa mood.
"Wala po." Saad ko at uminom ng gatas.
"Bakit ka nakasimangot?"
"Tumawag kasi si Shawn kagabi, tatlong buwan daw siya doon." Sabi ko at yumuko saka suminghot.
"May dahilan naman siya diba? Kaya wala kang dapat na ika galit." Ani Mama.
"But I need him." I said.
"Nandoon ang anak niyo 'bata pa si Kzyn kaya kaylangan din niya si Shawn. Ikaw na bata ka oh, napaka sensitive mong mag buntis."
"Hindi naman si Kzyn ang idinahilan niya kung hindi ang kompanya." Sagot ko at umalis na.
Nahiga ako sa kama at muling natulog. Pag gising ko ay nag suka ako at nag crave din ng mangga kaya bumili si Mama sa palengke at dito ko narin kinain sa kwarto ko.
Nilalasap ko ang mangga dahil ang sarap nang bagoong nito ng may kumatok.
"Bukas yan!" Sabi ko.
Bumokas ito at pumasok ang isang lalaki na may dalang bagahe, napatili ako at nakalimotan yong mangga. Tinakbo ko si Shawn nang yakap.
"Umuwi ka!" Masaya kong sabi at hinalikan siya.
Natawa si Shawn at hinalikan din ako pabalik. "Lasang bagoong." Aniya
"I'm eating mango." I said.
"Kaya pala. Kumusta?" Tanong niya sabay haplos sa tyan ko.
"Masama ang loob ko kagabi." Pag amin ko.
Napa buntong hininga siya at hinalikan ang gilid nang labi ko.
"That's why I'm here. You scared me." Aniya.
"E ang paalam mo naman kasi sa'kin tatlong araw lang." Sabi ko at muling naupo sa gitna nang kama.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...