11

48 4 0
                                    

Babalikan niya ako. Gaya ng kung paano balikan ng isang babae ang kayamanang naiwan niya sa papalubog na barko.


I am pertaining about what Rose from the Movie Titanic did when he left Jack on the drowning ship. Tumalon siya pabalik sa barko para balikan ang lalaking mahal niya na kagaya ni Shawn ay inuna ang kaligtasan ni Gailtred. Pinalitan ko lang ito ng kayamanan dahil naniniwala ako. Na ang tanging kayamanan na hindi nawawala ay ang pagmamahal. 

  

 

Your Writer
14thDOMINO
                    

   

___________

          

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi lungkot, kahapon lang kasi ay masaya kami tapos ngayon naging ganito. Totoo pala na maaaring matapos ang masayang simula sa malungkot na wakas.


Mabilis rin ang pag lipas nang mga araw at nag hihintay parin ako katulad ngayon. Nasa labas ako ng College University at hinihintay si Shawn na lumabas.



Napangiti ako ng makita siya na mag isang nag lalakad at parang may iniisip.




"Hi." Bati ko ng harangin sya sa daan.



Nagulat siya nang makita ako at hindi agad nakapag salita.



"H-Hi." Aniya at nag iwas ng tingin.



Sumimangot ako at yumakap sa bewang niya, pati doon ay nagulat siya.



"Hoy, Shawn Lhor Suvillon." Nag baba siya ng tingin sa'kin. Hanggang leeg lang kasi niya ako dahil ang tangkad niya.



"What?" Tanong niya pagkatapos tumikhim.



"Kinalimotan mo na ba ako ha?" Sabi ko. Bumoka ang labi niya pero hindi nag salita.



"Tss, nakakainis ka! Sana hindi nalang kita sinagot!" Singhal ko at inis siyang tinalikuran.




"Hey wait." Hinila niya ako pabalik at niyakap ang mga braso ko sa bewang niya. "I missed you." Aniya at niyakap ako.




"I missed you too." Sabi ko at nag angat ng tingin sa kanya. "Don't marry her please."


Natigilan siya dahil sa sinabi ko, napayuko naman ako at agad na lumayo sa kanya.


"A-Aalis na ako." Sabi ko at agad na nanakbo palayo.


Nang makalayo na ako sa kanya ay tumigil na ako sa pag takbo at sumandal sa malapit na pader. Napahilamos ako sa aking mukha at humikbi.


"Gail, okay ka lang?" Nag angat ako ng tingin at nakita si Derick. Yong kaybigan ni Kuya.



Agad akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko saka ko siya nilampasan. Hindi naman sumunod ang lalaki pero ramdam ko ang tingin nito sa'kin. Siguro isusumbong ako non kay Kuya.


Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Papa na naka upo sa sofa at umiinom ng kape. Anong ginagawa niya dito?




Mula sa kwarto ay nag salita si mama. "Ngayon lang kita bibigyan ng pera! Huwag ka ng bumalik dito sa susunod para mang hingi!"


Napatingin si Papa sa'kin at bahagya akong nginitian ngunit isang malamig na tingin lang ang tugon ko sa kanya.


Pumasok ako sa kwarto ko at nag lock saka ako tamad na nahiga sa kama at muling umiyak.



My Biggest Mistake'Where stories live. Discover now