Nagising ako sa malakas na pag iyak ni baby Kzyn, umalis ako sa kama at marahan na binuhat ang bata.
Iyak parin ito ng iyak, hanggang sa maramdaman ko ang mainit nitong pangangatawan. Kinabahan ako at agad na bumaling kay Shawn.
"Shawn." Ginising ko siya.
"Ouh?" Naupo naman agad siya sa kama.
"Mataas ang lagnat ni Baby, dalhin na natin siya sa hospital, please." Naiiyak kong saad.
"Okay, calm down. Ihahanda ko lang ang mga gamit niya." Aniya at nag sout ng t-shirt.
"Bilisan mo naman!" Singhal ko.
"Ito na nga." Aniya, kalmado lang siya pero mahahalata sa kilos niya na pati siya ay nagpa-panic narin.
Pumonta kami sa malapit na hospital, private hospital ito dahil pag sa public ay baka hindi agad mabigyan ng pansin ang anak namin sa dami ng pasyente doon.
"I hope she's okay." Usal ko at yumakap kay Shawn. Nanginginig ako sa kaba habang nasa emergency ang baby namin..
"Of course she will be okay." Shawn said.
Napa buntong hininga ako, ito pala ang pakiramdam ng isang Ina kapag hindi maganda ang lagay ng anak niya?
Lumabas ang doctor at sinabi na may dengue daw si baby at kaylangan daw ma confine para ma monitor ng maayos. Sinabi rin nito na nasa nursery daw ang bata kasama ang ibang baby.
"Saan tayo kukuha ng bayad?" Tanong ko pag uwi namin sa bahay.
Bukas kami babalik sa hospital para puntahan ang anak namin, kukuha lang din kami ng damit.
"I'll try to contact my friends, mang hihiram ako ng pera sa kanila." Aniya
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Oo, maghahanap rin ako ng trabaho bukas."
"Shawn, pwede akong mag tra—
"We already talked about this, aren't we?" Seryoso niyang sabi.
Napayuko ako at hinayaan ang ilang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ko. I can see na nahihirapan din siya, namamayat na siya, halata nga sa mga mata niya na wala siyang tulog.
"I'm sorry." Usal ko at humikbi.
"Don't be sorry." Ani Shawn at pinunasan ang luha ko.
"Alam ko na hindi ka sanay na mag hirap. Kaya minsan nagi-guilty ako kasi pakiramdam ko pabigat lang ako." I cried.
"What?" Marahan niyang tanong. "You are taking care of my child, our baby. So why would you be a burden?"
"Shawn." Umiiyak na niyakap ko siya.
Bahagya naman siyang natawa at hinaplos ang buhok ko.
"Ginawa natin yon, Gailtred kaya dumating si Kzyn." He said.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at pinag katitigan siya.
"We need to take the responsibility or the consequences of our actions, kahit mag hirap pa ako Gailtred. Wala akong pakialam, dahil ginagawa ko ito para sa inyo." Dagdag niya.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Natigiln kami pareho ng kumalam ang sikmura ko.
"Gutom kana?" Malambing niyang tanong.

YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...