"Hey miss, can you get your bag?" Ani Shaine.
Kinuha ko ang bag ko at agad na tumayo. Doon nalang ako sa ibang upoan uupo dahil feeling ko aatakehin ako.
"Where are you going?" Hinawakan ako nito sa braso.
"Bitawan mo ako." Sabi ko at winaksi ang kamay niya. Bigla nitong hinila ang bag ko at sinilip ako sa mukha.
"O my gosh! Ikaw yong thief! This girl is a thief!" Sigaw niya kaya napatingin sakin ang mga kaklase namin.
"Miss. Saludes is that true?" Ani Ma'am Vina.
Nag init ang ulo ko at sinagot ang babae. Isang manok na tumitilaok ang tingin ko sa kanya at gusto ko siyang sakalin!
"Pumasok lang ako sa inyo pero wala akong ninakaw! Bakit may nawala ba?!" Sigaw ko.
"You still went inside our house, kahit walang nawala trespassing ka parin!" Sigaw niya.
"Hoy babae! Know the difference between thief and trespasser! Ang mag nanakaw yong nangunguha ng pera at alahas, ang trespasser yung pumapasok lang sa property ng iba ng walang paalam!" I shouted back.
Tumili siya sa inis at dinuro ako. "I will sue you!"
"Then sue me, di ako natatakot." Sabi ko.
"Miss Suvillon and Miss. Saludes. Pumonta kayo sa guidance office ngayon din!" Sigaw ni Ma'am.
Inis kong binawi ang bag ko. Kay bago bago ng babaeng ito dito nag hahanap na agad ng away.
Sa office ay chill lang akong naka upo habang nakatingin kay principal. Matagal tagal narin buhat ng huli naming pagkikita, mga two weeks ago narin.
"Siya ang nauna. She accused me of steeling, the one thing I can't do." Pag english ko.
Bumokas ang pinto at pumasok ang kapatid ni Shaine na si Shawn Mendes. Ay si Shawn lang pala, pati sa mukha ng lalaki ay bigla akong nainis.
Kahit ang gwapo niya, kapatid niya parin ang babaeng bruha na ito.
"What happened?" Sa kapatid nya siya dumiretso, alangan naman sakin. Ha! Kabahan!
"Kuya, she's the girl who went inside our house." Ani Shaine.
"Pasalamat ka nga at pumasok lang ako, hindi ko ninakaw ang kuya mo. I mean ang magandang figurine na malapit sa picture frame ng kuya mo." Sagot ko.
"See balak mong pag nakawan kami!"
Sumimangot ako at tumingin kay Shawn na nakatingin sa'kin habang naka tikwas ang kilay. I can also see the amusement on his eyes.
Inirapan ko siya at muling tumingin kay Shaine. "Ewan ko sayo." Sagot ko at tumayo na.
"Miss. Saludes. Everything is not yet settled, call your parents." Ani Principal.
Napatayo ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.
"Look, papatayin ako ng Mama ko kapag nalaman niyang nag trespassing ako. Kaya hindi ko sila tatawagan." Sabi ko.
"Tawagan mo." Ani Principal sabay abot sakin ng telephone.
Napapikit ako at inis na dinampot ang telephone.
"Ouh?" Boses ni kuya.
"Nasa principal office ako, may nakakairitang babae dito na pinag sigawan sa lahat na magnanakaw ako." Sabi ko.
"Ha? Chappie ka, hindi kita marinig."
Binalik ko ang telephone sa principal. "Sabi ng kuya ko bumyahe sila sa probinsya." Pag sisinungaling ko.
"Liar!" Ani Shaine.
"Shaine let's stop this. May klase pa ako. And Ma'am, I'm sorry for my sister's behavior. Everything's okay and this girl right here is innocent." Ani Shawn sabay tingin sakin.
"What? Are you serious kuya?" Ani Shaine.
"And she's not a trespasser. I invited her over cause she help me when I fell from a tree near our house." He added.
Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit siya nagsisinungaling? Napa iwas ako ng tingin. Masyado ng sunod sunod ang tulong na binigay sakin ng lalaking ito. Ayaw kunang madag dagan pa ang utang na loob ko sa kanya. Huli na talaga ito.
"Now everything's clear. Aalis na ako." Sabi ko at hindi na sila hinintay pang maka sagot.
Bumalik ako sa klase at ganon din si Shaine, nag irapan pa kaming dalawa bago bumalik sa pag upo.
Nang mag dismissal ay nauna na akong lumabas kaysa sa teacher ko na nag liligpit pa sa table niya. Tinulongan siya pa siya ng sipsip kong kaklase na si Aicel.
"Bakit ka ba kasi pumasok sa bahay nayun?" Tanong ni Beatrice.
"Bukas kasi ang pinto." Wala sa sarili kong sagot dahilan para matawa siya.
"Baliw kana, puntahan na nga natin si Eva." Aniya at hinila na ako.
Nang dumating ang araw ng sabado ay gumala kami ng mga kaybigan ko.
"Maligo tayo sa dagat!" Ani Olli.
"Wala tayong pang entrance." Sagot naman ni Samantha.
"Doon nalang tayo maligo malapit sa bahay ng mga Suvillon, malinis doon at-
"Maligo kayo doon basta ako iiba ako ng gala." Sabi ko.
Baka mag kita pa kami ng Shaine at Shawn na'yon no! At malala kong ang parents nila ang makakita sakin. Baka imbes na bahay ang uuwian ko ay kulongan na.
"Ang kill joy mo talaga parang ngayon lang ito e!" Ani Lily.
"Sumama kana, hindi naman doon sa mismong tapat ng rest house nila." Ani Eva.
"Fine." Sagot ko.
Pagdating namin doon ay walang tao. Hinubad ko ang sout kong dress at natira na lamang ang sout kong pan loob.
"Hintayin mo naman kami!" Sigaw ni Lily na nag bibihis pa, meron na talaga silang balak na maligo dito pero hindi naman ako sinabihan, wala tuloy akong dala na pamalit.
"Bahala kayo dyan, Eva! Ligo na tayo." Baling ko sa babae na nagsi-cellphone sa gilid.
"Ayaw ko, masama pakiramdam ko." Aniya.
"Bahala ka." Sabi ko at lumusong na sa dagat.
Lumangoy pa ako palayo at ng muling umahon mula sa tubig ay narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kalalakihan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sa batohan si Shawn kasama ang tatlong lalaki.
May pinag-uusapan sila kaya hindi nila ako napansin. Hindi ko naman namalayan na sa layo ng inilangoy ko ay naka abot na pala ako sa malaking bato na siyang boundary ng niligoan namin at ng dagat sa tapat ng bahay ng mga Suvillon.
"Ano na shawn, ang lalim ng iniisip mo 'siguro tungkol na naman sa babae na'yon ito no?" Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.
"Yeah, I saw her again. She's so beautiful." Sabi ni Shawn sa malalim na boses. "Pero parang naiinis siya sa'kin, Tres."
"Siguro dahil lapit ka ng lapit." Sabi naman ng kaybigan niya.
Aalis na sana ako dahil ayaw kong makita nila ako at ayaw ko ring marinig ang problema niya sa love life pero na estatwa ako sa kinaro-roonan ko ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"I don't know, Gailtred is so difficult to read." Shawn said.
![](https://img.wattpad.com/cover/314561887-288-k305166.jpg)
YOU ARE READING
My Biggest Mistake'
RomanceGailtred Zyn Saludes a girl from a simple family who love skipping classes. One time her brother caught her and she runs away from him. She went inside the big rest house owned by the Suvillon's to hide and there she found Shawn Lhor Suvillon a kind...