THE PROPHECY SERIES
RAZNOLIKA
ᜀᜐᜈᜎᜃIlang taon na ang nakararaan, tatlong mga patay na planeta ang pagala-gala sa ating sistemang solar. Nagnanais na humanap ng kaniyang lugar paikot sa haring araw. Bago pa man nagkaroon ng buhay sa mundo, ang ibang planeta'y kumain pa ng iba pang mga planeta at mga bagay na lumulutang sa sanlibutan.
Hanggang sa lumipas ang ilang dekada, ang tatlong patay na planeta ay nagkaroon ng daan upang umikot sa isang planetang nababalot ng katubigan. Nang magkaroon ng buwan ang planetang kanilang iniikutan, nagkaroon din ng panibagong kulay at linya ang tatlong planeta. Ngunit wala pang makakaalam ng kanilang pagka-buhay.
Ngunit bago pa man magkaroon ng tao sa planetang kanilang iniikutan, nagkaroon muna ng buhay ang isa sa mga patay na planeta. Nagmula ito sa isang mahikal na apoy na umangat sa kanilang kalupaan. Ang unang mundong nagkaroon ng buhay ay ang Raznolika, ang lupain ng simula.
Ang Raznolika'y pinamumunuan ng tatlong pinaka-makapangyarihang nilalang sa sanlibutan. Ito'y pinangalanan bilang Diyosa ng Hustisya, Neptuna. Diyos ng Kasamaan, Ego at Panginoon ng Raznolika, Rare. Sila ang rason kung bakit nabuhay ang mga nasyon sa Raznolika.
Hinati nila ang Raznolika sa limang nasyon at dalawang sentro. Ang Lazarius at Narroweia ay binigyan ng buhay ni Neptuna. Ang Advorsus at Menopolous naman ay nilikha ni Ego. Habang ang Lupain ng Praespero at ang mga sentrong Konseho at Attarius nama'y nilikha ng Panginoong si Rare.
Kahit isa lamang ang tubig sa kanilang mundo, lumaganap pa rin ang buhay na umusbong dito. Ang kanilang sibilisasyon ay mas lalong napalakas dahil sa kapangyarihang naipasa sa kanila nang sila'y likhain ng tatlo. Lumipas ang panahon, tinawag na nila ang kanilang sarili bilang Razaelis.
Lahat ay nasa maayos na landas kahit hindi perpekto ang kanilang pamumuhay. Ang mga Razaeli'y nabuhay ng payak at mapayapa. Sa tulong na rin ng tatlong makapangyarihang bathala sa Raznolika. Ngunit lahat iyo'y nagbago nang mahulog ang loob ng Diyos ng Kasamaan sa Diyos ng Hustisya.
Subalit hindi siya ninais ni Neptuna dahil sa kasamaang inihahatid niya sa ibang mga Razaeli, lalong-lalo na sa kaniyang tirahan-Ang Advorsus.
Ngunit sa bawat araw na nagkakaroon sila ng koneksyon sa isa't-isa, hindi mapigilan ni Neptuna na mahulog kay Ego. Pareho silang nagpakain sa kani-kanilang hangarin para sa isa't-isa. Kahit alam ni Rare na maaari itong makaapekto sa Raznolika, wala naman siyang magagawa.
Hanggang sa nagkaroon ng anak kay Ego ang Diyos ng Hustisya. Ang akala niyang kasiyaha'y napalitan ng pangangamba. Nang hawakan niya ang kamay ng sanggol, nakita ni Neptuna ang hinaharap nito. Gaya ng kaniyang ama, ipapakalat niya rin ang kasamaan sa buong Raznolika.
Sa takot na baka maapektuhan ang Raznolika, ipinatapon niya ang kaniyang anak sa Advorsus kung saan nakatira ang kaniyang ama. Akala niya'y mas makakabuti ito sa kanilang lahat lalo na't malayo ang kaniyang anak sa tagapalaganap ng kapayapaan sa Raznolika, ang Lazarius na kaniya mismong tahanan.
Ang inaakalang magandang desisyon ay isa pa lang patibong ng kapalaran sa Raznolika. Ang liwanag sa kanilang mundo'y naging isang bangungot at abo sa dilim. Ang anak ng Diyosa na si Caesar ay mas malupit pa kaysa sa kaniyang ama. Hindi lamang kasamaan ang kaniyang dala, maging ang karahasan na siyang sisira sa payak ba mundo ng Raznolika.
---
DISCLAIMER - This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story may contain torture scenes, mentioning of bloods, mentioning of blades, abduction, classism, violence( action or words ), and death that may trigger some readers. Read at your own risk. If you know that it may cause you some discomfort, you are free to drop this book imediately.
This book may contain grammatical errors and typos so if you can't bare reading those, kindly drop this book or simply tell me so that I can edit it.
©All Rights Reserved 2022-2023
The Last Sword by pinkenmixDate Started : July 17, 2022 ( Published : August 1, 2022 )
Date Ended : February 25, 2023 ( Finish publishing on July 14, 2023 )
Year where I start plotting this :
2016
My deadline : 2023
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...