[57] : ANG MATA NG DATING HARI
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
NANG magdilim na, naghintay lamang sa kagubatan si Adalyn. Ito'y ang kagubatan sa pagitan ng Narroweia at ng Menopolous. Alam niya na dito rin ang daan na tatahakin ng tatlo kung kaya't dito na siya nag-abang. May daan din na walang mga puno kung kaya't madadalian lamang ang dalaga na makita sila kung sakali mang sila'y kaniyang naabutan."Ang tagal!" Naiiritang saad ni Adalyn sabay kamot sa kaniyamg batok. Pabalik-balik na lakad lang ang ginawa ni Adalyn habang tinitignan ang daan. Ngunit wala pa ring anino ng mga Advor doon. Halos tatlong oras na siyang nag-aabang do'n. Ilang beses na niyang tinusok ang espada niya sa lupa para lamang mawala ang kaniyang pagkaburyong.
"Bakit ba hindi ka nagpapakita ngayong andito na ako?!" Inis pa niyang wika na animo'y kinakausap niya ang kaniyang kapatid. "Hindi ko alam kung kinokonsensya mo lang ako o ano e!" Wika pa ni Adalyn at saka napabuntonghininga.
Bago pa man siya makapagreklamo uli, bigla na lamang umilaw ang kaniyang espada. Tila nadarama nito na may kalaban sa paligid. Ilang saglit pa'y nakarinig na si Adalyn ng kaluskos. Kaagad siyang nagtago sa isang matabang puno na malapit lang din sa nilalakaran ng tatlo. Mabuti na lamang at nakipag-kooperasyon ang kaniyang espada. Sapagkat ito'y nawalan ng ilaw nang siya'y magtago
Lalabas na sana si Adalyn upang sorpresahin ang tatlo subalit..."Huminto muna tayo dito upang makapagpahinga," utos ni Rebecca. Kaagad namang huminto sa paglalakad ang mga kawal. Bahagyang sinilip ni Adalyn ang pangyayari. Nang makahinto sila, bigla na lamang itinulak ni Rebecca si Caesar sa isang puno.
"Ano nanamang ginagawa nito?" Inis na tanong ni Adalyn ngunit tila pabulong lamang ang pagbigkas niya ng mga salita. Ilang sandali pa, bigla na lamang hinalikan ni Rebecca si Caesar sa labi. Napangiwi na lamang si Adalyn nang makita niyang tinugon ni Caesar ang halik na iyon.
"Ano'ng nakain nito?!" Inis pa niyang tanong habang sinisilip ang mga Advor. Ilang saglit pa'y kumalas na sa isa't-isa ang kanilang mga labi. Ngunit napansin ni Adalyn na tumingin si Rebecca sa isang direksyon. Dahil sa kuryosidad, tinignan niya rin ito. Doon niya nakita ang isang nilalang na pamilyar sa kaniya.
'Nagbalik na nga ang dating prinsesa at reyna ng Praespero'
"Ano'ng mayro'n?" Tanong ni Azazel nang mapansin niyang nakatingin si Rebecca sa kawalan.
"May napansin lamang akong kakaiba," tugon ni Rebecca sa lalaki. Natawa naman nang bahagya si Adalyn sa kaniyang narinig. 'Kung kilala ko ang prinsesa ng Praespero, mas kilala ko si Rebecca. Alam ko rin ang rason kung bakit niya hinalikan ang hari'
"Magpatuloy na-"
"Sandali, sandali. Ang bilis n'yo naman atang umalis," kaagad na pumasok si Adalyn sa eksena. 'Hindi ko maintindihan kung ano'ng sinasabi ni Kathleen ngunit hindi normal ang ikinikilos ni Caesar. Alam ko kung gaano niya kinasusuklaman si Rebecca kaya hindi niya gagawin ang bagay na ito'
"At ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ni Rebecca. Kaagad namang kinuha ng mga kawal ang kanilang mga sandata at pinalibutan ang dalaga.
"Mukhang ninanais niya na mapaslang sa araw na ito," saad naman ni Azazel kasabay ng pag-apoy ng kaniyang kamay.
"Hay nako, palibhasa walang pumipigil sa 'yo kaya palagi kang nakabase sa iyong kapangyarihan e!" May halong pang-aasar na wika ni Adalyn at makahulugang tinignan si Caesar. Inis na bumuntonghininga si Azazel dahil sa sinabi ng dalaga.
"Ay oo nga, ang nais ko ay manghamon sa gabing ito. Nakatanggap kasi ako ng sumbong mula sa mga walang hiyang taga-Menopolous," ulat ni Adalyn sa kanila. Natawa naman ng bahagya si Rebecca.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...