Panimula

175 15 5
                                    

[0] : ANG LIWANAG SA GITNA NG KADILIMAN








ㅤㅤ

KUNG tutuusin ay malabo nang maibalik sa dati ang mundong iyong ginagalawan. Malabo nang maitama ang mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan. Ang kasamaan ay mananatiling masama kahit pa baguhin natin ang nakaraan, ang hinaharap at maging ang kasalukuyan. May mga bagay na nangyari dahil ito'y may dahilan. Hindi natin iyon maiiwasan.

Ganoon ang paniniwala ng mga nilalang ng mundo ng Raznolika. Ang kanilang pagmamahal sa kanilang mundo ay dakila at totoo. Subalit, hindi nila ito maipaglaban nang husto sapagkat sila ri'y nasasakal at sinasakal nito. Gamit ang mga nilalang ng isa nitong kaharian, sila'y walang magawa kundi magtaksil sa kanila mismong mundo.

Ang kaharian ng Advorsus ang pasimuno ng lahat ng ito. Nang maitalaga ang bagong hari ng kanilang kaharian, nagsimula na agad itong magpakalat ng kasakiman. Ang kanilang hari ay ang kaisa-isang anak ng Diyos ng Kasamaan, si Caesar--ang pinaka-batang hari na nagsilbi sa Raznolika.

Walang kapatawaran ang kasamaang pinakalat niya sa mundong ito. Maraming nilalang ang nawalan ng tirahan at maging ang katahimikan sa Lupain ng Praespero ay nawala na nang tuluyan. Hawak niya sa leeg ang nagbibigay ng katahimikan sa buong Raznolika--ang kunseho ng Praespero na pinamumunuuan mismo ng Panginoon ng Raznolika, si Rare.

Nawawalan na ng pag-asa ang mga nilalang rito. Halos tanggap na nila na wala nang magliligtas sa kanila. Alam na nila na ito na ang wakas ng kanilang sibilisasyon. Magiging alipin sila ng kasamaan habang tahimik lang na nagmamasid ang kabutihan.

"Mahal na reyna, ipinapatawag ho kayo ng Punong Maestro," tawag ng taga-silbi sa Reyna ng Lazarius. Bahagya siyang sinulyapan ng reyna at saka tumango. Hudyat iyon sa taga-silbi na maaari na siyang umalis. Yumuko muna ito sa reyna bago pumasok muli sa loob.

Hindi maiwasang mag-alala ng reyna sa kaniyang mga kawal. Kung kaya't palagi siyang nag-mamasid sa balkonahe ng palasyo. Umaasang babalik ang mga ito nang may mabuting balita. Kahit pa mahina na ang kanilang pwersa at malabo nang maibalik sa dati ang mundong kinalakhan niya.

'O mundo ko, bakit kailangan mong magbago?'

Walang magagawa ang kaniyang hinaing kung kaya't siya'y napabuntong hininga na lamang. Inilagay niya sa kaniyang braso ang kaniyang balabal, pagkatapos ay inakap ito. Muli siyang nagpakawala ng isang buntong hininga bago pumasok sa palasyo ng Lazarius.

Nang siya'y makatungtong dito, dama niya ang takot ng mga tao roon. Lahat sila'y nakayuko o 'di kaya'y nag-aalay ng mas maraming bulaklak sa rebulto ni Neptuna--ang diyosa ng hustisya. Kahit wala itong magawa, umaasa pa rin sila na baka may isa itong himala para makalaya sila sa kasamaan ni Caesar.

"Saan ko makikita ang Punong Maestro?" Tanong naman ng reyna sa mga taga-silbi. Agad namang itinuro ng mga dalaga ang silid-aklatan. Dali-daling iniangat ng reyna ang kaniyang kasuotan at saka naglakad sa kinaroroonan ng Punong Maestro.

Nang siya'y makarating dito, kinatok muna niya ang pinto. Pagkatapos no'n ay binuksan na rin niya ito. Naabutan niya ang matandang lalaki na pinagmamasdan ang isang maliit na poste. Sa ibabaw no'n ay ang mga litrato na nagbibigay sa kanila ng kalayaang mapanood ang bawat kilos ng kalaban.

"May natanggap na ho ba kayo na magandang balita?" Tanong ng reyna. Ito ang tawag nila sa bagay na iyon dahil gawa ito ni Neptuna gamit ang isang setro. Nilingon naman siya ng Punong Maestro at saka umiling. Napailing-iling na lamang ang reyna dahil sa pagkadismaya.

"Marami pa rin ang namamatay, ang iba naman ay umanib sa kasamaan sapagkat natatakot silang mapaslang. Lumalakas ang pwersa ng Advorsus at kung sila'y makalapit dito, mawawalan na ng pag-asa ang Lupain ng Praespero at ang Menopolous," wika ng Punong Maestro.

"Ngunit kakampi nila ang Menopolous," saad ng reyna. Napatingin naman ang Punong Maestro sa sitro at saka ginamitan ng mahika ang larawan sa ibabaw na ito. Doon, nakita nila ang ibang nilalang na tumatakas mula sa Menopolous.

"May ilang mga Razaeli ang tumatakas sa Menopolous. Natatakot rin sila sa kanilang buhay at hindi rin sila handang lumaban," sagot ng Maestro sa reyna. Napaisip naman ito dahil sa sinabi ng Punong Maestro. Kinakailangan niyang gumawa ng aksyon kaagad, kundi ay masisira din ang Lazarius na siyang natitirang pag-asa ng Raznolika.

"Kinakailangan mong harangan ang buong Lupain ng Praespero, Menopolous at ang Lazarius," suhestyon ng Punong Maestro. Napakagat naman sa labi ang reyna at saka nag-isip. Hindi niya iyon maaaring gawin sapagkat maiiwan sa labas ng harang ang Narroweia, ang bansa na sakop rin ng Lazarius.

"Kung iniisip mo ang Narroweia, magiging ligtas sila. Hindi lang isa ang magliligtas sa atin, kundi dalawa. At dahil iyon sa'yo," pagpapalakas naman ng loob ng Punong Maestro sa reyna. Napakunot naman ang noo nito sapagkat hindi niya maintindihan ang sinasabi ng Maestro.

"A-ano'ng ibig mong sabihin Punong Maestro?" Tanong ng reyna sa matandang lalaki. Isang mahinang halakhak ang pinakawalan nito kasabay ng pag-ilaw ng kaniyang mga mata. Ang kaninang mala-berdeng mata nito ay napalitan ng puti. Nakaawang din ang labi nito na tila ba may nakikita siyang kakaiba.

"Dalawa ang ibig sabihin ko. Una ay 'Ang ikalawa sa ranggo ay ang bagong bayani ng Raznolika na siyang nilikha ng isang reyna'. Ang ikalawa'y 'Ang isang sakripisyo ay isang matinding pagkapanalo ng Raznolika'. Ang ibig nitong sabihin ay buhay pa ang mga anak mo," nanlaki ang mata ng reyna nang marinig niya ang balitang iyon.

"P-paano? Paano 'yon nangyari?"

"Buhay sila pareho, Aaliyah. Ang isa ay nasa Narroweia habang ang isa ay nasa Advorsus," saad ng Punong Maestro. Magsasaya na sana ang reyna rito ngunit...

"Maaaring iba ang piliing landas ng anak mo na nasa Advorsus. Ang tangi mong makakausap ay ang anak mo sa Narroweia. Subalit, mas malaki ang tyansang manalo tayo sa laban kung ang anak mo sa Advorsus ang magiging kasunod mo sa trono," dagdag pa ng Punong Maestro. Tila ba nanghina ang reyna sa kaniyang narinig.

"I-ibig m-mo bang sabihin...n-na..." Hindi na nito maibigkas ang kaniyang mga nais sabihin. Halos mapaupo na rin siya sa sahig ng silid-aklatan. Nakahawak na siya sa kaniyang dibdib para lang pigilan ang matinding kaba. Inaantay lamang nito na magsalita ang Punong Maestro at sagutin ang kaniyang tanong.

"Maaari niyang masaktan ang mga Razaeli sapagkat pinayagan ng diyosa Neptuna na makapasok ang sinasabing sugo kung sakali mang harangan mo ito. Siya ang magiging matinding sandata ng Advorsus laban sa ating palasyo," tugon nito sa kaniyang katanungan.

"S-subalit maaari pang magbago ang anak ko 'di ba? K-kaya niya hindi ba? Sagutin n'yo ako! Isa na lang ang aking galaw at 'yon ay ang harangan ang buong Lazarius kasama ang dalawa pang kaharian!" Singhal nito sa punong Maestro. Nawala ang ilaw sa mga mata nito at saka tinignan ang reyna na ngayon ay nakahawak sa kaniyang sentido. Pabalik-balik sa iisang lugar ang lakad nito.

"Tiwala ang kailangan mo, may nakalakip na 'sakripisyo' sa kaniyang propesiya. Mas mabuti rin na hindi mo malaman ang kaniyang wangis sapagkat maaari mo siyang maitaboy kahit papaano," pagpapagaan muli ng matanda sa nararamdaman ng reyna at saka tumayo. Nang papalabas na siya sa silid aklatan na iyon, may kung ano siyang nadama sa silid. Isang asul na enerhiya. Dali-dali siyang napalingon sa reyna subalit nakaupo lamang ito doon.

Paalis na sana muli ang Punong Maestro nang bigla niyang napansin ang pag-ilaw ng isa sa mga istante ng libro. Kunot-noo niya itong tinignan upang malaman kung ano ang mayroon doon. Agad niyang napansin ang isang libro na umiilaw. Kulay asul na ilaw, hudyat na galing ito sa kasamaan. Subalit, ilang minuto lang ay naging dilaw ito. Sinipat-sipat muna niya ang paligid bago niya lapitan ang estante.

Agad niyang kinuha ang libro para sana tignan ang laman nito. Subalit, nang ito'y kaniyang buksan, walang kahit ano sa bawat pahina nito. Tila nakatago ang mga letra kung saan man. 'Ano'ng hiwaga ang mayroon sa librong ito?'

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon