Kabanata 55

9 3 0
                                    

[55] : ANG MGA PUSONG PUNO NG PAIT








ㅤㅤ








ㅤㅤ
HALOS isang taon na rin ang dumaan matapos ang pagkamatay ng reyna ng Lazarius. Hindi protektado ang kanilang palasyo at ang tanging inaantay nila ay ang pagiging handa ng korona para sa bagong reyna.

Sa mga araw na iyon, mas lalong dumilim ang Raznolika. Ang pagsilay ng liwanag ay bilang na lamang nila. Mas nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Advor na lumusob sa iba't-ibang parte ng Raznolika. Gaya ng dati, hanap lamang nila ang kapangyarihang hawak ng Pinuno ng Narroweia.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na protektado ang buong Raznolika, lalong-lalo na ang Narroweia at Lazarius. Sa mga nakalipas na buwan, ang kapangyarihan ng ikalawang espada ay tila lumalakas. Bawat paglusob sa Raznolika ay kaagad nasusulusyunan gamit lamang ang isang espada habang ang isa nama'y tila itinago ang kaniyang sarili. Ni walang kahit ano'ng enerhiya ang nadama sa espada mismo ng reyna ng Lazarius.

"Ayos lang ho ba kayo?" Tanong ni Adalyn sa mga Narrowa matapos niyang paslangin ang mga Advor na lumusob sa kanila. Ngayo'y sa Meraki umatake ang mga kalaban. Mabuti na lamang at nakakadama ng panganib ang kaniyang espada.

"Maraming salamat, Adalyn. Hindi namin alam ang gagawin namin kung wala ka," pasasalamat ng isang residente. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Adalyn bago bumitaw sa kamay ng Narrowang iyon. Kaagad na naglaho ang dalaga.

Kahit pa tila nawala na sa kaniyang isipan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, taliwas naman iyon sa kaniyang mga aksyon. Pagkatapos niyang magligtas ng iilang mga Razaeli, kaagad siyang nagtutungo sa Al Abalos at naghahanap ng lugar na maiinuman. May isang tagong lugar lamang siyang pinaglalagian at iyon ay ang ang Drankje—isang gusali na kakatayo lamang sa Al Abalos.

Nang siya'y makarating doon, kaagad niyang ibinagsak ang kaniyang espada sa ibabaw mg estante. "Dalawang alak," utos niya kaagad. Ngunit sa sobrang takot ng mga nagbebenta sa kaniya, hindi nito kaagad sinunod ang kaniyang sinambit.

"Sabi ko, dalawang alak!" Halos pasigaw na wika ni Adalyn. Dali-dali namang kumuha ng alak ang may-ari at saka ito inilapag doon. Umupo naman si Adalyn sa tapat ng estante at saka kaagad na binuksan ang bote. Dire-diretso niya lamang itong tinungga, saka lamang siya tumigil nang bahagyang humapdi ang kaniyang lalamunan. Ngunit namataan niya lamang ang may-ari ng Drankje na nakatingin sa kaniya.

"Ano'ng tinitingin-tingin n'yo diyan?" Pagtataray niya sa mga ito. Nagkaroon siya ng malaking galit sa mga Advor simula noong namatay si Kathleen. Maging ang mga Advor sa Menopolous ay kinamumuhian niya. Kahit na minsa'y magalang ang iba rito, tila wala na siyang pakialam.

"M-may nais lang kaming sabihin," wika ng isa sa kanila. Inirapan lamang niya ang mga ito at saka tumungga. "Nagbalik na ang tatlong bangungot ng Raznolika," dahil sa mga sumunod na wika ng lalaki, muntik nang maibuga ni Adalyn ang inumin niya.

"Ano?"

"Nagbalik na--ayan na sila!" Nataranta na kaagad ang may-ari bago pa man siya makapagsabi kay Adalyn. Napakunot naman ang noo ni Adalyn at saka tinignan ang tatlo. "Nilulusob nila araw-araw ang Drankje sa hindi ko malamang dahilan. Kaya nais namin ang inyong tulong."

"At paano kayo nakasiguro na tutulungan ko kayo?" Tanong ng dalaga at saka muling ibinaling ang tingin sa may-ari. Napakunot naman ang noo ng may-ari.

"Hindi ba't magkasundo kayo ng dating hari-"

"Hindi na ngayon!" Pasigaw na saad ni Adalyn at saka kumuha ng kutsilyo at itinarak sa mesa. Ngunit, isang kakaibang solidong tubig ang kaniyang natamaan. Ngayon niya lamang ito nakita sa buong tanang buhay niya.

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon