Kabanata 13

42 10 2
                                    

[13] ANG DALAWANG ESPADA







ㅤㅤ








ㅤㅤ
NANG matapos ang usapan nila ni Ellis, agad na dumiretso si Haring Caesar sa selda ni Atlas. Malayo pa lamang, naririnig na niya ang mga daing nito at ang tunog ng bawat hampas sa kaniya ng dalawa. Ngunit, bigla na lamang itong nawala.

Napabuntong hininga na lamang si Haring Caesar nang mapagtanto niya kung bakit biglang naglaho ang ingay. Ilang selda pa ang kaniyang nadaanan bago siya makarating sa pinakadulo. Napataas ang kaniyang kilay nang makita niyang naghahalikan sina Azazel at Rebecca.

"Siguro naman ay tapos na kayo," wika ng hari dahilan upang maitulak ni Rebecca ang lalaki. Agad na umayos ng tayo ang dalawa sabay tingin sa isang selda. Tinignan din naman iyon ng hari at doon niya nakita si Atlas na nakatali sa isang kadena.

"Marahil ay kasama ang mga nakita mo sa iyong parusa," Nakangising saad ng hari kay Atlas bago pumasok sa selda nito. Sinamaan naman siya ng tingin ng lalaki. Gaya kanina, duguan pa rin ito ngunit mas dumami pa ang sugat nito.

Nagkatinginan muna sina Rebecca at Azazel bago sundan ang hari sa loob ng selda. Sumandal naman si Haring Caesar sa isang pader habang nakakrus ang kaniyang mga braso. Nakangisi pa rin siya kay Atlas.

"Hindi ko akalain na kaya mong saktan ang kambal mo, Azazel." Komento naman ng hari nang makita niya ang mga pasa nito. Nakatingin pa rin ng masama sa kaniya si Atlas habang papikit-pikit ang kaniyang mga mata. Dahil ito sa malaking pasa sa kaniyang mata.

"Kung para sa Advorsus, bakit hindi?" Tugon ni Azazel sa hari habang seryosong nakatingin sa kambal niya. Buong buhay niya, pinrotektahan niya ito upang magkaroon pa ito ng pag-asang mabuhay. Palagi niyang kinokontra ang hari sa anumang balak nito sa kaniyang kapatid. Subalit, palagi din siyang binibigo nito.

'Hindi ito maaari' wika ni Haring Caesar sa kaniyang isipan.

"Nasaktan mo si Kathleen! Sinaktan mo siya! Pati ang mga anak mo! Sa tingin mo magkakaroon ako ng utang na loob sa isang katulad mo?!" Pilit na sigaw ni Atlas habang dumadaing sa sakit. Natawa naman nang bahagya si Azazel sa sinabi nito at saka sinipa ang tiyan nito. Mahinang pagdaing lamang ang maririnig sa lalaki subalit pakiramdam niya'y may sumaksak na kutsilyo sa kaniyang tiyan.

Umupo naman si Azazel upang makita mismo ang itsura ni Atlas. Hinawakan niya ang baba nito at ipinaharap sa kaniya. "Ginusto niyang masaktan, Atlas. Kung ikaw sana ang pinili niya, hindi na siya mahihirapan pa." Sagot nito kay Atlas. Nais man niyang saktan ang kaniyang kambal sa mga oras na iyon, hindi niya ito magawa. Dahil masyadong mahigpit ang tali, hindi siya makawala dito.

Sa kabilang banda, napatingin naman ang hari kay Azazel. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ng lalaki. Ngunit nginitian naman siya bigla ni Rebecca at saka napailing-iling na tila nadismaya siya sa hari. Sinamaan lang ni Caesar ng tingin ang babae bago lumapit sa kinaroroonan ng kambal.

"Maaari na ba?" Tanong naman sa kaniya ni Azazel nang makalapit siya sa dalawa. Alam na kaagad niya ang tinutukoy nito. Sa mga oras na iyon, nais na niyang paslangin ang kaniyang kambal. Tila nagbago bigla ang ihip ng hangin. Para bang may kumokontrol sa kaniyang isipan.

"May kailangan pa ako sa kaniya," saad naman ng hari at saka sinenyasan si Azazel na umalis sa tabi nito. Nagtataka man, tumayo pa rin siya doon at saka umatras nang bahagya. Si Haring Caesar naman ang naupo upang tignan ang lalaki. Pinandilatan siya kaagad ng tingin ng lalaki. Napangisi naman ang hari sa reaksyon nito.

"Paslangin n'yo na lang ako!"

"Hindi ko maaaring gawin 'yan, ikaw ang isa sa kahinaan ni Kathleen. Kung kaya't hindi kita maaaring paslangin nang hindi nasasaktan si Kathleen," nakangising saad ni Haring Caesar. "Sa aking nadarama, maaaring nagtungo na siya sa Praespero, Lazarius o 'di kaya'y Menopolous. Imposibleng lumapit siya sa Advorsus. Kaya mas maganda kung may sorpresa ako sa kaniya na mas magpapahina sa kaniya,"

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon