[63] : ANG SIMULA NG UNOS : PAGKAKAKILANLAN
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
PUNO ng kasiyahan ang dating Raznolika. Walang gaanong gulo at hindi pa masyadong umiiral ang kasamaan. Sa panahong ito, musika pa lang ang bumabalot sa buong Raznolika, mula umaga hanggang gabi. Bawat nilalang ay nakikisalo sa iba't-ibang selebrasyon. Animo'y araw araw ang pista sa bawat sulok nito lalong-lalo na sa Menopolous, ang aliwan ng Raznolika.Higit pa riyan, ang anak ng Diyos ng Kasamaan ay hindi pa gaanong naiimpluwensyahan ng kaniyang ama. Tanging ang Menopolous lamang ang kaniyang pinupuntirya't tinatambayan. Bawat gabi'y napupuno ang kaniyang tiyan ng isa o dalawang bote ng alak. Iba't-ibang istablisimyento na ang kaniyang napuntahan para lamang makainom kahit papaano at para maibsan ang kaniyang kalungkutan
Isang gabi, may kakaibang pangyayari sa kaniyang buhay na tuluyang babago sa kapalaran ng Raznolika. Sa gitna ng sayawan at palakpakan sa Narekka, isang dalaga ang nakapukaw ng kaniyang atensyon. Ito'y umiindak kasama ang iba't-ibang estranghero sa tila malawak na entablado.
Ang kaniyang mukha'y nakatakip ng isang tuwalya. Gayunpaman, kaagad na nabighani ang hari sa kaniyang mga mata. Para sa kaniya'y kumikislap ito kahit ang katotohana'y kulay itim ang lumalabas sa mata ng dalaga. Tila ba ginagayuma siya ng mga titig nito.
Nang matapos ang sayawan, kaagad na naupo ang babae sa isang mesa na malayo sa hari. Binitawan niya ang boteng hawak niya at kaagad na nagtungo sa kinaroroonan ng dalagang nakakuha ng kaniyang atensyon.
"Ikaw ba'y nag-iisa lamang sa gabing ito?" Agad na tanong ng binatang hari. Tinignan naman siya ng dalaga habang inaalog ang bote na hawak niya. Nginitian siya kaagad ng hari habang titig na titig sa kaniyang mata. Bahagya naman siyang ngumiti rito para hindi lumabas na siya'y suplada.
"Paumanhin, ginoo. Ngunit kung nais mong makuha ang gintong kagaya ko, hindi iyan ang tamang katanungan," tugon ng dalaga at saka tumayo sa kaniyang kinauupuan. "Ikinagagalak ko na makilala ka."
Kahit na lumisan kaagad ang dalaga, nais pa rin ng hari na makilala ito. Kinabukasan, muli siyang tumambay sa parteng iyon ngunit wala roon ang dalaga. Muli nanaman siyang bumalik sa sumunod na araw at nagbalik muli sa sumunod pang bukas. Ngunit wala pa rin ito roon.
Nawawalan na siya ng pag-asang makita pang muli ito. Subalit, sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakbay pabalik sa Advorsus, may naramdaman siya na kakaibang enerhiya sa isang daan na katapat lamang ng Konseho. Kaagad siyang napatingin roon at pilit na dinadama ang enerhiyang iyon upang malaman kung sino ang naroon.
Habang dinadama niya ito, hindi niya namalayan na naglalakad na pala siya patungo sa kinaroroonan nito. Pakiramdam niya'y tinatawag siya ng enerhiyang iyon kahit pa wala siyang boses na naririnig rito. Ilang sandali pa'y nakarating siya sa isang tagong sili na katabi lamang ng konseho. May kurtina pa ito at may ilaw sa loob. Tila ba may taong naninirahan dito.
Rinig na rinig niya sa labas ang nakakamanghang boses ng isang dalaga. Ito'y humuhuni na para bang ibon. Mas lalo pang naengganyo ang hari dahil sa tinig na iyon. Hinawi niya kaagad ang kurtinang sagabal sa kaniyang kuryosidad.
Doon, nakita niya ang isang pamilyar na nilalang. Nagtutupi ito ng kaniyang mga kasuotan. Tila nga mamahalin ito at makinang-kinang. Animo'y galing sa isang mataas na pamilya.
"P-paumanhin binibini, nawawala ata ak-" napahinto siya sa pagsasalita nang tignan siya ng dalaga. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkabigla. Alam niyang makikilala siya ng dalaga. Inilapag muna nito ang damit na kaniyang tinutupi at saka lumapit sa pintuan ng silid kung saan nag-aantay ang binatang hari.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...