[10] : ANG PAGBABALIK NG KANIYANG ALAALA
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
"DECLAN," ani Kaycee at saka tumayo sa kaniyang kama kahit pa sumasakit ang kaniyang ulo. Nagtungo siya kaagad sa bintana at binuksan niya rin iyon. Tama nga ang kaniyang hinala, may nakatayong lalaki sa harap ng kaniyang bahay. May taklob ito sa ulo at nakasuot ito ng itim na saplot na halos magkapareho sila ng suot ng isa sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Napatingin din sa binatana si Atlas upang silipin kung ano ang tinitignan ng dalaga."Sino siya?"
"Siya ang nagbalik ng alaala ko," napatingin naman si Atlas kay Kaycee dahil sa sinabi nito. "Baka siya rin ang magbabalik ng alala ko bilang si Kathleen," dagdag pa ng dalaga. Dali-dali siyang umalis sa bintana at saka lumabas sa kaniyang silid. Tumakbo siya kaagad palabas upang tignan ang binatang sinasabi niya.
Mabuti na lamang at naabutan pa niya ito. Tatakbo na sana siya sa kinaroroonan nito subalit sumenyas ang binata na 'wag munang lumapit ang babae sa kaniyang kinaroroonan. Sumunod din naman sa kaniya si Atlas na napahinto rin sa pinaghintuan ng babae.
"Declan, tama na ba ako?" Tanong niya sa binata. "Sabi mo first three letters ng december plus last three letters ng leche flan name mo. So Declan nga?" Tanong niya pa rito. Hindi naman ito gumalaw sa kaniyang kinatatayuan na mas ipinagtaka nila.
"Tama ka, Declan nga." Tugon naman nito sa kaniya at saka lumapit nang kaunti sa babae. Unti-unti niyang tinanggal ang kaniyang taklob sa ulo. Hanggang sa nakita na nga ni Kaycee ang maamong mukha ng binata. Nginitian siya kaagad nito at saka kumaway.
"Magandang gabi! Kilala mo na ako hindi ba?" Tanong naman niya kay Atlas. Sinipat-sipat muna nito ang mukha ng binata bago tumango.
"Ikaw 'yung nagnakaw ng sisidlan ko noon," sabi naman ni Atlas. Nakangiti pa rin ito habang tumatango. Napangiwi naman si Kaycee dahil sa aksyon ng binata. Malayo ito sa kaniyang inaasahan, tila ibang tao ang kaniyang kausap.
"U-uhm, pwede mo bang ibalik ang alaala ko? K-kung pwede pa," hiling ng babae sa kaniya kahit pa nagtataka siya sa kilos nito. Napakamot naman ito sa kaniyang ulo at saka nag-isip.
"Iyon nga ang sadya ko ngayon sa iyo. Ginawa ko na, ang pagsusuka mo ng dugo ay isa sa mga epekto ng ginawa kong ritwal. Dahil nasa katawan ka ng isang tao, naging masakit ang epekto no'n sa 'yo." Paliwanag ni Declan. Kunot-noo naman siyang tinignan ng babae dahil sa pagtataka.
"Pero wala pa siyang maalala," singit naman ni Atlas.
"Bukas, bukas mismo, maaalala niya ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras pero bukas na bukas eepekto iyan. Ang kailangan n'yo lamang gawin ay bigyan ng payo ang lahat ng malapit kay Kaycee. Dahil dalawa kayong nagsasalo sa iisang katawan, kailangan ng mapaglalagyan ang katawang tao ni Kathleen sa oras na humiwalay na ang tunay na kaanyuan ni Kathleen," pagbibigay ng binata ng iba pang impormasyon na kanilang kailangan.
"Paano?"
"Alam mo na 'yon, Atlas. Sabi ng Maestro ko, madali ka lang makakapag-isip ng plano para maialis si Kathleen sa katawan ng taong ito," sabi pa ni Declan sabay turo kay Kaycee.
"Teka, kung dalawa kami sa iisang katawan...bakit pareho kami ng sugat?" Tanong naman ni Kaycee nang maalala niya ang kaniyang peklat sa batok. Kinapa niya pa ito upang ito'y masigurado.
"Ang sugat n'yo ang naging dahilan ng pagsasalo ng inyong katawan. Nakuha mo 'yan sa iyong aksidente at sa araw na ika'y naaksidente, ipina--este pinaglaruan ng Maestro ko ang kapangyarihan ni Haring Caesar upang maipasa sa isang tao ang katauhan ni Kathleen. At dahil bukas ang sugat mo, doon nakapasok si Kathleen," paliwanag pa nito.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...