Kabanata 70

18 4 0
                                    

[70] : PARA SA RAZNOLIKA








ㅤㅤ








ㅤㅤ

KINABUKASAN, kaagad na binalik ng mga kawal si Kathleen sa kaniyang selda. Nang siya'y mapasok muli dito, kaagad din namang sumunod sa kaniya ang tatlo. Pagpasok pa lang nila, umiwas na kaagad ng tingin ang reyna kay Caesar na para bang nahihiya dito. Nang mapansin iyon ni Adalyn, bahagya siyang napangiti.

"Ilang oras lamang ang maibibigay ko sa inyo ngayong araw. Dahil tapos na ang aking mga nais, maaari na kayong mamaalam sa isa't-isa," saad ni Rebecca. "Ngunit magpasalamat kayo sa kambal ni Azazel na sakit sa ulo, nagkaroon pa kayo ng oras para mabuhay dahil abala ako sa paghahanap sa kaniya."

Nang matapos ang pagsasalita ni Rebecca, nauna na itong lumabas kasama si Azazel. Ngunit kataka-takang nanatili si Caesar sa silid. Tinignan naman ni Kathleen si Adalyn bago lumipat ng pwesto. Saka niya lang napansin na tulog pa rin ang kaniyang mga anak at tanging si Yolanda lamang ang gising sa kabilang selda.

Ilang saglit pa'y umupo si Caesar sa gilid ng selda nina Kathleen upang maging mas malapit siya kay Adalyn. Nakakunot ang noo nito habang tinitignan si Caesar. Hindi niya maintindihan ang iniisip nito lalo na't nakatingin lang din ito sa kaniya.

"Ano?"

"Sabihin mo sa akin lahat ng nais mong sabihin sa akin," tugon lang mg dating hari sa kaniya. At gaya ng kaniyang inasahan, inirapan lamang siya ni Adalyn. Taka din namang tinignan ni Kathleen ang dalawa lalo na't kataka-taka rin ang kinikilos ni Caesar.

"Bakit? Mukha ba akong mamamatay na?"

"Hindi, ngunit kinukuha ko ang oportunidad na ito para kahit papaano'y...magkaroon tayo ng maayos na pag-uusap. Ilang taon na rin ang nagdaan simula--"

"Oo na, manahimik ka na!" Inis na saad ni Adalyn at saka muling umirap. "Ang nais ko lamang sabihin sa 'yo ay ang galing mo magsinungaling sa lahat ng bagay. Hindi ko na mabilang ang mga inilihim mo sa akin, pakiramdam ko nga rin ay mayroon ka pang lihim sa akin!"

"Ano pa?"

"Gusto ko din sabihin na bakit palagi nating sinasaktan ang isa't-isa?"

"Iyan ay katanungan, bata."

"Aba't, ang kapal mo ah!" Inis na saad ni Adalyn at bahagyang pinalo ang braso nito kahit pa may harang na rehas. Bahagya nang natawa si Kathleen habang pinagmamasdan ang dalawa. Tila kusang nawala ang mga katanungan niya kani-kanina lamang. 'Iba ang liwanag sa mata ni Adalyn kapag siya ang kaniyang kausap. Ngayon ko lamang napansin buhat nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa kanila'

"Seryosohin mo kasi."

"Seryoso naman ako ah!" Pagtanggi ni Adalyn at saka muling umirap. "Oh ganito, may isang bagay akong nais sabihin sa iyo simula pa lamang. Hindi mo kailangang mamuhay sa ekspektasyon ng iba. Hindi ka masama at alam ko iyon, ngunit isa ka lamang nilalang na may maling mga desisyon. Pinili mong sundin ang iyong ama kahit pa ikaw mismo ang nasasaktan sa iyong mga ginawa. Ngunit kahit isang beses lang naman, gumawa ka ng bagay na desisyon mo mismo at hindi desisyon ng ibang nilalang para sa 'yo.

"Isa pa, hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka nila kayang mahalin. Sila na ang may problema roon, Caesar. At kahit ilang beses mo pang ipakita sa akin na mapapahamak lang ako kapag ikaw ang kaibigan ko, hindi ako magdadalawang isip na manatili sa tabi mo," mahabang litanya ng dalaga.

"Ngunit wala ka-"

"Oh eh bakit?! Galit ako sa 'yo no'n!" Inis na tugon ni Adalyn. Ngunit tanging buntonghininga lang ang isinagot ng lalaki. Ilang minuto ding namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon