[24] : PAGPILI'T PAGPAPASYA
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ILANG oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik ang tatlo sa selda ni Adalyn. Halos makatulog na ito doon. Subalit kung siya'y pipikit, baka hindi niya malaman kung kailan ang kaniyang katapusan. Nais niya pang masilayan ang mukha ng mga ito habang siya'y pinahihirapan.Sa kabila ng kaniyang paghihintay, nakarinig siya ng maliliit na yabag. Tila isang tao lamang ang naglalakad doon. Base sa kaniyang memorya, hindi ito ang isa sa tatlo. Maaaring ibang nilalang ang patungo sa iba pang selda.
Ngunit mas lalong humina ang yabag. Hudyat na patungo sa kaniyang silid ang Razaeling iyon. Ilang minuto lang, kusang bumukas ang mala-pintong rehas ng selda. Agad niyang ibinaling ang tingin niya roon.
Natawa naman siya nang makita niya kung sino iyon. "Para saan ang pagbisita mo dito? Nakokonsensya ka?" Tanong niya kaagad sa lalaki. May dala ito ngayon na isang baso at alam niya na naglalaman ito ng tubig.
"A-andito ako para padalhan ka ng tubig," tugon sa kaniya ng kaniyang ama. Napairap naman si Adalyn sa inasta nito. 'Kahit ano'ng ibigay niya sa akin, hindi ko pa rin siya matatanggap bilang ama ko'
Agad namang lumapit si Kaleb sa kaniya. Saka itinapat ang tubig sa mukha ni Adalyn kung saan niya ito maabot. Wala namang nagawa si Adalyn kundi inumin ang tubig. Nauuhaw na rin siya kanina pa. Tanging ang sarili niyang dugo ang kaniyang iniinom kanina.
Ilang minuto pa siyang nakainom hanggang sa maubos ito. Subalit, nalasahan niya pa rin ang sarili niyang dugo. Halos masuka na siya dahil sa lasa nito na parang bakal. Dinura niya lamang ang kaniyang laway upang matanggal ang lasa nang kaunti.
"Ano'ng ginawa nila sa 'yo? Bakit puno ka ng dugo?" Tanong naman ng kaniyang ama. Tinignan niya ito ng masama na para bang hindi niya nagustuhan ang tanong nito.
"Bakit? May magagawa ka ba? May gagawin ka ba?" Tanong niya rito. Hindi naman mapakali ang mata ng kaniyang ama nang marinug ang tanong na iyon. Doon pa lamang, alam na ni Adalyn ang sagot nito.
"Wala nanaman, ama. Gaya ng dati,"
"Bakit? Ano bang nagawa ng ina mo para kamuhian mo ako ng ganito?!" Tanong naman pabalik ni Kaleb. Halos sumigaw na ito sa kaniya ngunit nginitian lamang siya ng dalaga na para bang wala ito sa kaniya.
"Hanggang kailan mo po susundin ang utos ng hari? Hanggang kailan ka magpapaalipin sa pag-ibig na halata namang hindi na magkakaroon ng tamis? Hanggang kailan mo kami tatalikuran para sa Advorsus?" Mahinahon ngunit malamang tanong ng dalaga. Marahan namang natawa si Kaleb at saka muling tinignan ang anak.
"Bakit sa akin lang ang sisi mo? Bakit hindi sa ina mo?" Mahinahong tanong nito. Natawa naman si Adalyn sa sinabi nito at saka umiling-iling.
"Bakit ko siya sisishin? Kung noong pinanganak niya kami ay kinuha na kami ng iyong hari? Hindi niya man lang kami namukhaan o napangalanan! Ano'ng gusto mong ikagalit ko sa kaniya ha? At bakit siya ang sinisisi mo? Naging ama ka ba sa amin? Siya ginawan niya ng paraan lahat kahit alam niyang mahirap--"
"Hindi mo ako naiintindihan, Adalyn!" Pagputol naman ni Kaleb sa sasabihin ng anak. Napapikit naman ito nang mapagtanto niya na nasigawan na niya ito. "Hindi si Caesar ang gumawa ng bagay na 'yon," pagtatanggol niya sa kaniyang hari. Kunot-noo naman siyang tinignan ni Adalyn.
"Pinagtatanggol n'yo siya?"
"Adalyn, alam ko ang katotohanan. Sana balang araw, kahit isang Lazar man lang ang makaalam ng katotohanan," wika pa nito. Pahina ng pahina ang kaniyang boses hanggang sa maging bulong ito. Taka naman siyang tinitigan ng kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasia[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...