Kabanata 28

16 3 0
                                    

[28] : ANG MULING PAGHAHARAP








ㅤㅤ








ㅤㅤ

KAHIT ilang beses pa niyang ibangga ang kaniyang katawan at mga paa sa harang, wala pa rin itong saysay. Hindi pa rin ito nasisira, kahit pa may kuryenteng nakabalot sa kaniyang buong katawan. Tila tama ang binanggit sa kaniya ng Diyos ng Kasamaan. Ito nga siguro ang paraan ng Diyosa upang protektahan ang kaniyang anak. Ngunit bakit niya ipapagawa sa kaniya ang misyon kung pipigilan rin naman siya nito?

"Hindi ka pa ba susuko?" Rinig niyang tanong ng isang garapal na boses. Hindi na lamang niya pinagtuunan ng pansin ang tinig na iyon. 'Hindi kaya'y inuuto lamang ako ng Diyos ng Kasamaan? Para sukuan ko na kaagad ang aking misyon?'

Sa gitna ng kaniyang pag-iisip, bigla na lamang gumalaw ang espada. Tila may nais kumawala sa loob no'n. Nanginginig na rin ang kamay ni Kathleen dahil sa kakaibang paggalaw ng espada. Nanlaki naman ang mata ng babae nang may mapagtanto siya. 'Ang espada ay makapangyarihan, maaari kayang...'

Bago pa man sabihin ng kaniyang utak ang kaniyang napagtanto, kaagad na siyang kumilos. Bahagya siyang lumayo sa harang, inilayo niya rin sa kaniya ang espada bago ito paikutin sa ere. Tunog ng hangin na animo'y isang daluyong ang pumalibot sa espada habang ito'y kaniyang inihahanda. Ilang saglit pa, tuluyan na niyang tinakbo ang himpapawid.

Noong siya'y malapit na dito, agad niyang iniangat ang espada saka ito itinapat sa harang. Mahigpit niyang hinawakan ang kaluban nito bago tuluyang makalapit sa harang. Ilang sandali pa'y itinarak na niya ang kaniyang espada sa harang na iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapansin niyang lumusot ang kaniyang tibak sa harang. Nagkaroon rin ng isang dilaw na liwanag sa paligid ng harang. Ngayon ay mas kita na ito ng kaniyang mga mata.

Kaagad niyang binunot ang pagkakatusok nito sa harang dahilan upang mas lalo pang lumaki ang liwanag na kaniyang nakikita. Tinakpan niya na lamang ang kaniyang mga mata habang palaki nang palaki ang liwanag. Nang ito'y nasagad na, isang malaking enerhiya ang bumalot sa buong hilaga ng Raznolika. Ang mga puno'y hinahangin at ang ilang mga kabahayan ay halos masira na dahil dito.

Ilang minutong tinakpan ni Kathleen ang kaniyang mukha bago niya madama na wala na ang enerhiya sa kaniyang harapan. Napabalikwas pa siya nang mapansin niya na lumiwanag ng bahagya ang paligid. Sinipat-sipat niya pa ang kaniyang kinaroroonan sa pag-aakalang nananaghinip siya.

Saka niya lamang naalala ang kaniyang misyon. Kaya muli siyang lumusob sa kaharian ng Advorsus. Ngunit sa pag-aakalang may harang pa rin, huminto muna siya bago tuluyang lumipad patungonsa palasyo. Hinawakan niyang muli ang hangin at sa kabutihang palad...nawala na ang harang.

'Hindi ito isang proteksyon, kundi isang pagsasanay ng aking kapangyarihan'

Dali-dali siyang lumipad patungo sa palasyo ng Advorsus. Ngunit habang papalapit siya sa palasyo, hindi niya maiwasang kabahan. May kaunting pangungulila rin sa kaniyang puso na siyang nagbibigay ng mga alaala niya sa palasyong iyon. Bawat sulok ng Advorsus ay may iba't-ibang alaala. Kahit papaano'y naging masaya siya sa paglaki niya dito.

Subalit nang muli niyang makaharap ang palasyo, muling bumalik ang mapapait niyang alaala roon. Tinitignan niya ang bawat sulok ng palasyo habang inaalala ang ibang mga pangyayari sa kaniyang buhay. Ang balkonahe sa gilid ng palasyo ay isa sa mga tambayan nila ng kaniyang dating asawa. Bagay na nakatira na lamang sa kaniyang memorya at hinding-hindi na mauulit pa.

'Bakit ka nagbago Azazel?'

Umiling-iling na lamang siya sa kaniyang katanungan at saka lumipad sa ibang parte ng palasyo. Agad niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga selda. Ngunit ang tangi niyang nakita ay ang isang dalaga na ngayon ay nakatingala sa kaniya. Nasa balkonahe pala ito sa mga oras na iyon at kitang-kita siya nito.

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon