[14] : ANG BUNGA NG PAG-IBIG
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
LUMIPAS ang mga oras, tuluyan nang naidlip ang Diyosang Neptuna. Dahil dito, sumapit na rin ang gabi sa Raznolika. Ngayon pa lamang nagkaroon ng tyansa si Reyna Aaliyah na ituro sa kaniyang mga anak at apo ang mga lugar sa Lazarius. Sila'y nananatili ngayon sa silid-aklatan kasama ng Punong Maestro.Ilang minuto ang nakalipas bago tuluyang makarating sa silid-aklatan ang Reyna. Pagbukas pa lamang niya ng pinto, rinig na niya ang tawa ng Punong Maestro. Marahil ay may naikwento ito sa kanila subalit, walang karea-reaksyon ang tatlo. Maliban na lamang kay Iris na natutuwa sa matanda.
"Ikaw hija, mahal mo pa?" Bigla nitong tanong kay Kathleen dahilan upang mapahinto sa paglalakad si Reyna Aaliyah upang makinig. Tinignan naman ni Kathleen ang kaniyang anak at ang kaniyang kapatid. Maging ang mga ito ay naghihintay ng kaniyang sagot. Bumuntong hininga muna siya at saka dahan-dahang tumango.
"Bakit?" Tanong pa ng Punong Maestro.
"D-dahil siya lang ang kaya kong mahalin. D-dahil hindi ko siya kayang palitan sa aking puso. S-siguro gano'n," tugon naman ni Kathleen sa matanda saka nagkibit balikat.
"Kahit ikaw lang ang nahihirapan?"
"Kung siya'y masaya sa paghihirap na aking natatamasa, ayos lang. Hindi ba't gano'n ang pag-ibig?" Tanong ni Kathleen. Natawa naman ang matanda at saka napailing.
"Ang pag-ibig ay ang pagsugal ng dalawang tao sa isang laban. Pareho silang haharap, pareho silang magbibigay at pareho rin silang makikinabang. Ang kaligayahan niya ay hindi sapat na dahilan para pahirapan mo ang iyong sarili. Dahil lang mahal mo siya, gagawin mo na lahat para sa kaniya?" Payo naman ng Punong Maestro sabay inom ng isang inumin sa kaniyang mesa.
"Ngunit hindi mabubuo ang pag-ibig kung wala ang pagmamahal ng isa,"
"Hindi rin matatapos ang pag-ibig nang hindi nalulumbay ang isa,"
Para sa babae, isa lamang itong bagay na hindi niya maiintindihan kailanman. Ramdam iyon ni Reyna Aaliyah, hindi lang dahil sa anak niya ito kundi dahil pareho lamang sila ng landas na dinadaanan. Magkaiba man ang uri ng paghihirap na kanilang natamasa, alam niya pa rin ang pakiramdam ng pagiging bulag para lamang sa pag-ibig. Ngunit, isang pagsisisi ang namayani aa reyna. Ninais niya na sana'y nailayo niya ang kaniyang anak sa daluyong na maibibigay ng pag-ibig.
Napabuntong hininga na lamang ang reyna at saka nagpakita sa apat. Nais niyang maudlot ang usaping iyon sapagkat alam niyang mahirap para kay Kathleen na ungkatin lahat. Nakangiti siyang naglakad patungo sa apat. Nang mapansin siya nito, agad siyang huminto.
"Bukas ko na lamang kayo ipapasyal sa palasyo, sa ngayon nais ko munang makausap si Kathleen. Maaari ba?" Paalam naman ni Reyna Aaliyah. Bigla na lamang nagbago ang desisyon nito sa kadahilanang hindi niya pa nakakausap nang maayos ang isa sa kanila. Napatingin naman si Kathleen sa kaniyang anak. Nginitian lang siya nito sabay tango na tila sumasang-ayon.
Napabuntong hininga naman si Kathleen at saka tinignan ang kaniyang ina. "S-sige ho," tugon niya. Nabigla naman ang reyna nang magbigay ito ng magalang na salita. Maging si Adalyn ay nabigla sa inasal nito. Tila ibang Kathleen ang kaharap ng babae.
"Hindi ka gan'yan magsalita ah," takang sabi ni Adalyn sabay iling.
"Hay nako, hayaan mo na. Halina kayo, ihahatid ko kayo sa inyong mga silid," sabi naman ng Punong Maestro. Inalalayan naman siya ni Iris upang ito'y makatayo nang maayos. Kalaauna'y umalis din ang tatlo sa silid. Naiwan ang reyna at si Kathleen.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...