[43] : ANG LABANAN SA ATTARIUS
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ANG liwanag ay muling sumilay sa kalangitan ng Raznolika. Subalit, bawat nasyon ay puno ng katahimikan. Ang kagubata'y natahimik rin, mga ibong gumagala-gala ay tila bumalik sa kanilang lungga. Bawat razaeli'y tila naghahanda rin sa labanan. Alam nilang malaki ang magiging epekto nito sa Raznolika. Lalo na't ang buhay ng maraming razaeli ay nakataya rito.Ang Advorsus ay handa na bago pa man nila ibigay ang imbitasyon. Isang taktika na hindi pa nagagawa ng kanilang kalaban. Kontrol ng hari ang isipan ng mga kawal, gamit niya rin amg kapangyarihan ng kaniyang ama. Kaya bawat galaw ng mga kawal ay dama niya at hawak niya. Walang makakapagtaksil sa kaniya sa gitna ng labanan.
Ang Lazarius nama'y gaya pa rin ng nakagawian. Nag-eensayo pa rin ang mga kawal kahit na ilang oras na lamang ay kailangan na nilang tahakin ang Attarius. Alam nila na maaaring dumilim kaagad sapagkat iyon ang isa pang taktika ng mga Advor. Kapag madilim ang paligid, mas madaling kumikilos ang bughaw na usok at mas mapapadali nito ang pagkontrol ng hari sa kaniyang mga kawal.
"Ngayong araw ang ikalimang labanan sa pagitan ng Lazarius at Advorsus. Alam na natin ang bawat galaw at aksyon na maaari nating magamit sa kanila. Ngunit nais pa rin nating lumaban ng patas." Animo'y nagmamartsa sa harap ng mga kawal si Yolanda. Ilang beses pa itong naglakad-lakad sa harap ng hilera ng mga kawal.
"Ang ating tungkulin ay ipaglaban ang karapatan ng mga Narrowa. At bilang paggalang sa kanilang karapatan, ninanais ng mga pinuno na maging patas ang laban," dagdag pa ng babae. "Alam kong ang iba sa inyo ay naguguluhan at nagugulat pa rin sa pagpapalit ng reyna sa Lazarius. Ngunit ito lamang ang tanging paraan upang mailigtas niya ang magiting na mandirigma ng Narroweia. Ang inyong mandirigma rin ang kapatid ng reyna kung kaya't mahalaga ito sa kaniya," sabi pa ni Yolanda habang nakatayo sa harap mg mga Narrowa. Mapang-asar namang nilingon ni Adalyn si Kathleen subalit sinamaan lang siya ng tingin nito.
"Bilang huling mga paalala, ang ating reyna ay magsasalita sa inyong harapan." Nanlaki naman ang mata ni Kathleen nang marinig niya ang bagay na iyon. Tinignan naman siya ni Yolanda nang may ngiti sa kaniyang labi. Naiilang siyang ngumiti pabalik sa kaniya saka bumaba sa batong kinatatayuan niya. Kasabay din no'n ay ang pagbawas ng liwanag sa kalangitan. Ang itim na bumabalot dito ay may tintang asul.
Bumuntonghininga muna si Kathleen bago bahagyang yumuko sa kanilang harapan. Nanlaki naman ang mata mg mga kawal sa ginawa ng reyna ng Lazarius. "Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang pagtayo n'yo ngayon sa aking harapan. Lalo na't wala pa kayong tiwala sa isang katulad ko pero ipinakita n'yo pa rin ang katapatan n'yo sa Raznolika. Maraming salamat sa inyo." Nakangiting wika ni Kathleen. Napayuko naman ang iilan sa kanila at ang iba'y nakakunot pa rin ang noo.
'Hindi ko sila masisisi kung para sa kanila'y isa itong palabas. Hindi rin naman gano'n kadaling magbago ang isang nilalang. Hindi rin gano'n kadaling makuha ang tiwala ng isang razaeli sa dami ng kanilang pinagdaanan'
'Kaya hanggang doon na lang muna ang magagawa ko. Kung may mas higit pang misyon na ibibigay sa akin, taos puso ko itong tatanggapin'
"Bago ang labanan, nawa'y maipanalo natin ang ating pinaglalaban. Umpisa pa lamang ng digmaan at maaaring may susunod pa. Hindi man natin alam kung ano ang resulta ng labanan, lumaban pa rin tayo tama at para sa tama lamang. Kung ito'y hindi magandang pakinggan sa isang tulad ko, maaari n'yo itong sabihin mismo sa inyong sarili," saad pa mi Kathleen. Nakita niya pa ang iba na nadismaya subalit sinalubong pa rin niya ang mga ito nang may ngiti sa labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/316565507-288-k286685.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...