Bagong Kabanata

24 4 0
                                    

BAGONG KABANATA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
ISANG puting sisidlan ng libro ang bumungad sa kaniya nang siya'y muling makapasok sa palasyo. Ang puting iyon ay may disenyong kulay ginto at ang mga libro rito'y kadalasa'y puti rin na hinaluan ng iba't-ibang kulay. Hindi na ito bago sa kaniyang paningin sapagkat muntik na siyang lumaki sa lugar na ito.

Bahagya niyang tinanggal ang isang libro upang mapansin siya ng nilalang na nais niyang kausapin. Ilang minuto lamang ay lumapit ang isang dilaw na ulap sa kaniyang tabi. Mas mataas pa rin ang kinaroroonan nito sa kaniya subalit sapat na ito para makausap niya ang nilalang na nagmamay-ari no'n.

Kaagad niyang ibinalik sa dating pwesto ang libro at saka tiningala ang ulap. "Ano ang nais mong ipagawa sa akin?" Tanong kaagad niya sa ulap na iyon.

"Ang iyong ama'y nakakita ng isang bisyon na sisira sa Raznolika. Kaya't ninais niya na baguhin ang mundong ito sa paraang nais niya. Subalit masasaktan lamang ang mga nilalang na walang kaalam-alam sa kaniyang nakita," wika ng nilalang na nasa ulap. Napakunot naman ang noo ng lalaki sa sinabi nito.

"Bakit hindi ka na lamang dumiretso sa iyong punto?" Inis na tanong niya rito. Napabuntonghininga naman ang nilalang sa ulap at saka tumayo sa kaniyang kinauupuan. Kaagad siyang lumabas sa ulap na iyon upang makita ang nilalang na kaniyang kausap. Bumaba siya sa kaniyang kinaroroonan upang maging kapantay niya ito.

"Kapag naganap ang huling sandali ng Raznolika, may uusbong na bagong mundo. Hindi ko alam kung paano ngunit ito ang sinabi sa akin. Ito'y uusbong mula sa ilalim ng lupa at lalabas upang wasakin ang ating mundo. Kapag ito'y natapos na, ang enerhiyang nasa mundong ito'y maipapasa sa isa pang mundo. Dito mabubuo ang bagong yugto ng ating mundo-"

"Hindi ko nais na marinig ang huling sandali ng Raznolika! Ang nais ko ay ang nais n'yong ipagawa sa akin!" Inis na sigaw ng lalaki. Napabuntonghininga na lamang ang babaeng nasa harap niya at saka ngumiti na para bang naluluha.

"Ayokong gawin ito, Caesar. Kung mawawala ka lang din sa akin nang hindi ko man lang nagagampanan ang aking tungkulin bilang iyong ina, hindi ko ito nanaisi-"

"Magiging ligtas ba ang mga nilalang ng mundong ito?" Pagputol ng lalaki sa sinasabi ng kaniyang ina. Nawala ang mapait na ngito sa labi ng Diyosa at saka umiwas ng tingin.

"Walang kasiguraduhan, ngunit m-maaari-"

"Kung gayon, wala akong panahon para mag-alinlangan," tugon kaagad ni Caesar sa kaniya. "Ano ang nais n'yo?"

Natahimik pa ng ilang sandali si Neptuna na tila nag-aalinlangan. Subalit alam niya na kahit ano pa ang kaniyang gawin, kung ito na talaga ang nais ng kaniyang anak, wala na siyang magagawa. 'Pareho lamang sila ng kaniyang ama sa ganitong sitwasyon. Kung ano ang kanilang kaalaman sa isang bagay, iyon ang kanilang gagawin'

"Iligtas mo ang unang tagapangalaga ng espada...a-at lumayo ka sa ikalawa," tugon ng Diyosa. "Iyan ang bilin ng Panginoon ng Raznolika."

Nang ito'y kaniyang ituran, isang libro ang nahulog sa ilog ng Advorsus. Kusa itong nagkaroon ng ilaw sa ilalim kasabay ng pagbuklat nito't paglabas ng mga salitang galing rito. Mabilis na lumipat sa iba't-ibang pahina ang libro hanggang sa mapunta ito sa blangkong parte ng aklat.

Ilang saglit pa'y lumikha itong muli ng liwanag na nagsisilbing pahiwatig para sa pag-usbong ng bagong mundo at pagsilay ng bagong pag-asa para sa Diyos at Diyosa ng Raznolika.

Nederigheid is de wortel van kracht;
Kracht is een fase van zwakte
De enige die mijn zwaard kan hanteren, is de uitverkorene.
Elk van deze zwaarden zal een einde maken aan het kwaad dat deze wereld omringt.
En de enige die het kan vasthouden, zijn de zwakken in de ogen van de meerderheid.

Ang kahinaa'y ugat ng kalakasan;
Ang kalakasa'y yugto ng kahinaan
Ang tanging makakahawak sa aking espada ay ang pinili nito.
Alinman sa espadang ito'y tatapos sa kasamaang bumabalot sa mundong ito.
At ang makakahawak lamang nito'y ang mahina sa mata ng nakararami.

RAZNOLIKA
( 1520 - 1617 )

;

The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon