[48] : ANG TUNAY NA NADARAMA
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ILANG minuto pang nanatili si Kathleen sa Attarius bago niya naisipang bumalik sa kanilang palasyo. Ngunit, nang siya'y makarating na, nadatnan niya ang mga balisang mukha ng mga tagas-silbi. Taka niya silang tinignan na tila ba nagtatanong sa kanila. Ngunit walang ni isa sa kanila ang sumagot.Dahil dito, nagmamadali siyang pumunta sa kanilang bulwagan. Nang makalagpas na siya sa pader, kaagad niyang naabutan ang kaniyang kapatid at si Yolanda na kasama rin si Iris.
"Ano'ng nangyayari?" Kaagad niyang tanong. Napatingin naman sa kaniya ang tatlo. Hinila na lang siya kaagad ni Yolanda patungo sa kanilang sitro. May imahe na kaagad na naroon. Ngunit habang kumikilos ang mga imahe, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ni Kathleen.
"Ang mga Narrowa sa Viridity ay binalikan ng mga Advor. Hindi lang iyon, m-may mensahe silang nais iparating sa iyo gamit ang sitro. H-hindi ko alam kung paano nila 'yon nagawa pero hindi maganda ang kutob ko," kwento kaagad ni Adalyn na ngayo'y nanginginig ang kamay. Mabilis din ang tibok ng kaniyang puso na para bang alam na nito na hindi maganda ang mangyayari sa kanila.
"Ano'ng mensahe?" Nang tanungin iyon ni Kathleen, kusang nagpatuloy sa paggalaw ang mga imahe sa sitro.
"Kathleen," wika ng isang nilalang mula sa sitro. Kaagad namang tinignan ni Kathleen ang pinagmulan no'n. "Akala mo ba ay basta-basta na lamang kami susuko?"
'Azazel'
Nakaupo lamang si Azazel sa harapan ng trono habang nasa tabi niya si Rebecca. Ngunit ang mas ipinagtataka nila ay ang kawalan ng presensya ng hari roon.
"Asa'n siya?" Mahinang tanong ni Kathleen. Mas lalong namuo ang iba't-ibang katanungan sa kaniyang isipan. Hindi niya maiwasang isipin ang mga pangyayari kanina lamang. Kasama na ngayon sa kaniyang iisipin ang kalagayan ng mga Narrowa sa Viridity.
"Ano'ng kailangan n'yo?!" Pasigaw na tanong ni Adalyn sa dalawa. Hindi naman makapagsalita si Kathleen dahil okyupado ang kaniyang isipan.
"Kailangan namin ang inyong reyna," nang sabihin iyon ni Azazel, kusa namang lumitaw sa likod ng lalaki ang anak niyang si Ellis. Nakasandal lamang ang siko nito sa trono ng hari.
"A-ano ang nais mong iparating?" Lakas-loob na tanong ni Kathleen. 'Hindi ko lubos maintindihan ang mga pangyayari maging ang kanilang plano. Bakit pakiramdam ko'y mas nag-aalala ako sa kalagayan ng hari kahit na wala namang dapat ipag-alala?'
"Kitain mo ako sa isang kweba na katabi lamang ng konseho. Doon natin tapusin ang ating usapan. Kapag sumama ka sa akin nang walang pag-aalinlangan, palalayain ko ang mga Narrowa sa Viridity. Ngunit kapag hindi, mapupuno ng dugo nila ang buong Narroweia," paliwanag ni Azazel. May itatanong pa sana si Kathleen sa lalaki subalit biglang nawala ang kanilang imahe sa sitro.
Hindi na nagdalawang isip pa si Kathleen, kaagad siyang naglakad paalis. Ngunit nahila rin kaagad ni Iris ang kamay ng kaniyang ina. Nang magkatinginan ang mag-ina, inilingan lamang ng dalaga ang reyna. Alam na niya ang susunod na mga pangyayari maging ang malaking kapahamakan na susunod kapag sinunod niya ang nais ni Azazel.
"Ina,"
"Kailangan kong umalis, anak,"
"Hindi ka aalis nang hindi ako kasama, Kathleen. Hindi ka maaaring magtungo sa isang patibo-"
"Nadamay lang naman sila nu'ng ako'y namuno na dito! Kaya tatapusin ko na 'to!" Pagputol ni Kathleen sa sasabihin ni Adalyn habang masama ang tingin niya sa dalaga. Napabuntonghininga naman si Adalyn habang ang kaniyang noo'y kumukunot. Tila siya'y nainis sa sinambit ng kaniyang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasia[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...