[51] : ANG TUNAY NA PAKAY
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
NANG makabalik si Yolanda sa tapat ng Chártis, saka lamang niya napagtanto na ngayon ay umuulan sa Lazarius. Narinig naman niya ang pagtawag sa kaniya ng magkapatid sa kagubatan. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakita sa dalawa kanina."Yolanda!" Muling sigaw ni Adalyn bago niya mamataan ang isang nilalang na nakaupo sa tapat ng Chártis. Dali-dali siyang tumakbo roon sa pag-aakalang ito'y kalaban. Subalit nang sila'y makarating dito, namataan nila si Yolanda na ngayo'y hawak-hawak ang pisngi ni Viste na tila wala nang buhay.
"A-ano'ng nangyari?" Tanong ni Adalyn. Mangiyak-ngiyak niyang tinignan ang dalaga bago yakapin ang ulo ng binata kasabay ng patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Si Rebecca," ani Kathleen. "Siya lamang ang may kakayahang gumawa ng bagay na ito."
"Ng-ngunit, maaari pa nating gawan ng paraan hindi ba? Gagaling siya hindi ba? I-isang sakit lang 'to, a-alam ko, nadarama ko, may hininga pa siya," utal-utal na saad ni Yolanda. Bahagya namang umupo si Adalyn at saka hinawakan ang pulsuhan ng binata. Sa kasamaang palad, hindi na ito tumitibok pa.
Tinignan muna niya si Kathleen bago tignan ang umaasang mga mata ni Yolanda. Napabuntonghininga muna si Adalyn na tila nagdadalawang isip sa kaniyang mga sasabihin. 'Ayoko siyang saktan subalit mas maigi din kung malalaman niya ang katotohanan'
"Paumanhin, Yolanda."
"Hindi! Hindi, nagsisinungaling ka! B-buhay pa si Viste! H-hindi niya pa nalalaman ang tunay kong nadarama para sa kaniya! H-hindi niya pa alam n-na...n-na mahal ko rin siya..." Kahit pa hindi gano'n kalinaw ang binigkas ni Adalyn, alam na niya kaagad ang ibig sabihin ng kaniyang tugon. Pahina ng pahina ang kaniyang mga salita at tila nilamon na ng kaniyang mga luha ang mga bagay na nais niyang sabihin.
Napabuntonghininga na lamang si Adalyn at saka napaupo. Maging siya ay walang magawa. Si Kathleen nama'y iniiwas ang kaniyang tingin sa kaniyang heneral. Hindi niya maatim na makitang nagtatangis ang isa sa mga nilalang na ngayo'y pinapahalagahan na niya.
Ngunit makalipas ang ilang minutong katahimikan, kaagad pinunasan ni Yolanda ang kaniyang mga luha. Dahan-dahan niyang inihiga sa lupa ang katawan ni Viste bago siya tumayo. Animo'y nagpapanggap siya na wala na ang sakit sa kaniyang damdamin. Nagpapakatatag ang dalaga sa mga oras na iyon sapagkat alam niya na siya mismo amg sandalan ng Raznolika. Hindi siya maaaring bumigay nang basta-basta.
"B-bago nangyari 'to, a-ang akala ko'y ang hari pa rin ang may pakana. S-subalit nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ni Rebecca," ulat ni Yolanda sa magkapatid. Kahit na nais niyang magluksa, kinailangan niya pa ring paalalahanin ang magkapatid upang malaman mismo nila kung sino ang kanilang kaharap. 'Hindi ka maaaring matumba ngayon, Yolanda. Sabihin mo ang lahat bago pa ito mahuli.'
'Alam kong kapag ako'y gumuho, ito'y hindi mo nanaisin, hindi ba?'
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
"H-hindi ko rin maintindihan, hindi ko alam k-kung papaano nangyari. Subalit sugatan ang hari, a-ano nga ba ang nangyari?" Tanong ni Yolanda. Tumulo pa ang luha niya sa isang mata ngunit agad niya rin itong pinunasan. Nagkatinginan naman ang dalawa bago nila muling pagtuunan ng pansin ang dalaga.
"Magpahinga ka muna Yolanda, saka na lamang namin sasabihin sa 'yo. Alam naming mabigat ito-"
"Hindi! Hindi magiging masaya si Viste kapag nakita niya akong miserable!" Pasigaw niyang sabi. Kasabay no'n ay ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha. Ngunit pilit niya pa rin itong pinipigilan sa pamamagitan ng pag-punas nito.

BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasia[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...