[66] : KADILIMAN SA RAZNOLIKA
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
"HINDI ko naman hinihiling na ibigay mo sa akin ang Narroweia kapalit ng iyong mga mahal sa buhay. Ang nais ko'y ibigay mo sa akin ang Narroweia at ang Lazarius ngunit hindi sila ang kapalit." Unti-unting lumapit si Rebecca sa tatlo hanggang sa isang metro na lamang ang layo nila."Ano'ng nais mo?"
"Nais ko ang isang labanan. Tiyak ko namang naalala mo na ako ang nagturo sa 'yo. Kaya nais kong labanan mo ako kapalit ng Narroweia at Lazarius, kasama na rin ang mga mahal mo sa buhay.
"Kapag nanalo ka, ibabalik ko sa 'yo lahat ngunit kapag nanlumo ka, akin ang Narroweia at Lazarius, magiging bihag ko rin kayo hanggang sa hatulan ko na kayo isa-isa," pagbibigay ni Rebecca ng kaniyang hiling at mga kondisyon.
"Pumapayag ako sa iyong hamon."
"Kathleen!" Suway ni Adalyn nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang kapatid. "Ako na lamang ang lalaban sa kaniya," suhestyon pa ng dalaga. Natawa naman si Rebecca sa kaniyang narinig.
"Siya ang kailangan ko, hindi ikaw."
"Sinasabi mo lamang 'yan dahil alam mong matatalo kita!" Sigaw ni Adalyn kay Rebecca at saka bahagyang lumapit dito. Ngunit kaagad siyang hinila ni Kathleen sa kaniyang tabi.
"Ako na ang bahala dito, Adalyn. Huwag mo nang ipahamak ang sarili mo-"
"Ikaw ang nagpapahamak sa sarili mo, Kathleen!"
"Kaya ko na 'to! Alam mo 'yan, Adalyn! Magtiwala ka sa akin," saad ni Kathleen. Napairap na lamang si Rebecca sa kaniyang mga narinig. "Para sa Raznolika."
Nang makita ni Aaliyah ang kaniyang mga anak, hindi niya maiwasang mapangiti. 'Mga anak ko, hindi n'yo alam kung gaano ako kasaya na makita kayong ganito. O kay tatatag n'yo, tila hindi n'yo na kailangan ng aking patnubay.'
"Bilisan n'yo, nagmamadali ako," mapang-asar na saad ni Rebecca. Sinamaan naman siya ng tingin ni Adalyn. Ngunit sinenyasan din siya ni Kathleen kaya walang nagawa ang dalaga kundi umatras. Ngayon ay silang dalawa na lamang ni Kathleen ang nasa gitna.
Ilang saglit pa, inilabas na ni Rebecca ang dalawang espadang hawak niya. Bahagyang nanlaki ang mata ni Kathleen sapagkat hindi niya rin inaasahan na magagamit niya iyon. Tanging normal lamang na espada ang gamit niya at wala itong kapangyarihan. Mahina rin ang metal na gawa nito lalo na't galing lamang ito sa natural na mineral sa Raznolika.
Ibinagsak niya sa lupa ang dalawang espada na ngayo'y umiilaw dahilan upang maglaroon ng panandaliang pagyanig ng lupa. Isang mapang-asar na ngiti ang ipinakita niya kay Kathleen. Dahil dito, hindi na mapakali ang dalaga. Nagsimula nang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.
'Hindi ako sigurado sa aking pagkapanalo, ngunit ako lamang ang makakagawa nito sapagkat ako ang nais niya'
Ilang sandali pa'y sumugod na si Rebecca. Kaagad namang naitukod ni Kathleen ang kaniyang espada sa tabak na pagmamay-ari niya. Subalit dumulas lamang ang tulis nito dahilan upang siya'y bahagyang matumba. Dahil dito, nasugatan ni Rebecca sa kaniyang braso kung kaya't napaupo siya sa lupa. Nabigla naman ang mga nanonood nang makita nilang bumagsak ang kanilang reyna.
"Kathleen!" Sigaw ni Adalyn at saka akmang tutulungan ang babae. Subalit, pinigilan siya kaagad ni Yolanda kahit nais niya ring tulungan ang kanilang reyna.
Itinukod naman ni Kathleen ang hawak niyang espada at saka dahan-dahang tumayo. Ang kanan niyang kamay ay nanginginig na dahil sa sugat na kaniyang natamo ngunit tumayo pa rin siya. 'Hindi ko siya kaya! Alam niya ang galaw ko dahil ito'y galaw niya rin!'
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...