[45] : ANG LABAN PARA SA NARROWEIA
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
"TARA NA! Hindi na natin 'to kakayanin!" Kaagad na sigaw ni Yolanda. Binuhat naman ni Atlas ang nakahandusay na si Iris. Bahagya ring itinulak ni Yolanda ang likod ni Viste at ni Adalyn. Nagpumiglas pa nang bahagya si Adalyn."Hindi! Hindi pwede!" Sigaw ni Adalyn. Walang nagawa si Yolanda kundi kontrolin ang kanilang paglaho dahilan upang sila'y makapunta na sa Zar. Naibaba na lamang ni Adalyn ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkadismaya.
"Sumuko--" magrereklamo pa sana siya subalit kaagad niyang nakita si Iris na walang malay sa bisig ni Atlas. Binuksan naman ni Emilio ang kaniyang bahay upang sila'y makapasok dito. Kaagad namang ipinasok ni Atlas ang kaniyang pamangkin at inihiga sa isang mahabang upuan.
"Ano'ng nangyari?" Ang inis ni Adalyn ay kaagad napalitan ng pagtataka at pag-aalala. Sumunod na rin silang apat patungo sa loob ng bahay ni Emilio. Kaagad isinara ni Viste ang pinto at doon nila nadama ang katahimikan.
Dahil gawa sa punong kahoy ang bahay na kanilang tinutuluyan, nadama nila kaagad ang pinagsamang lamig mula sa bintana at init mula pugon. Ngunit mas payak ang lugar na iyon kaysa sa iba pang mga lugar sa Raznolika. Kaniya-kaniya sila ng upo sa iba't-ibang silya na nakakalat sa paligid.
"Nadtnan ko na lamang siya na walang malay." Napabuntonghininga si Kathleen nang ito'y kaniyang ibahagi. Napaisip naman ang kaniyang mga kasama sa sanhi nito. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang dalaga.
"Malakas ang aking kutob na hindi ito sanhi ng kapangyarihan ng kasamaan. Maaaring nagamit niya ang kaniyang kapangyarihan at ito'y nasobrahan," pagbuo ni Yolanda ng isang teorya. Bahagyang nakumbinsi ang kaniyang mga kasama subalit hindi pa rin nila nais isakatotohanan ang teoryang iyon.
"Nais kong sabihin na posible ring may ginawa ang tatlo. Ngunit naalala ko na habang tayo'y abala sa pakikipaglaban, lumiwanag sa kanilang direksyon. Subalit wala ni isa sa atin ang nasaktan dahil sa liwanag na 'yon," pagbibigay din ni Adalyn ng karugtong sa teorya ni Yolanda.
Habang sila'y nag-iisip, napatingin naman si Kathleen sa kaniyang anak. Ngunit nang masinsinan na niya itong tinitigan, may napansin siyang kung ano rito. Dali-dali niya itong nilapitan at saka kinuha ang isang papel na nakasuksok sa sisidlan ng kaniyang espada. Kaagad niya itong kinuha at nang ito'y kaniyang mailabas, napukaw nito ang atensyon ng lahat.
"Imbitasyon?" Takang saad ni Emilio. Nagkatinginan naman ang apat bago ayusin ni Kathleen ang pagkakagusot ng papel. Ilang sandali pa'y nabasa na ni Kathleen ang nilalaman ng papel. At tama nga ang pinuno ng Zar, isa itong imbitasyon.
"Tama, i-isang imbitasyon," wika ni Kathleen at iniabot kay Emilio ang sulat. Kaagad naman niya itong tinignan. Ang sulat ay ang imbitasyon sa ikalawang labanan. Hindi man natapos nang maayos ang ika-una, nagbigay pa rin ng ikalawa ang mga Advor. Isang taktika upang maubos ang kanilang mga tauhan.
"Naialis ko na ang ibang mga kawal sa Attarius. Naroon na sila sa Lazarius ngunit hindi ko alam kung ilan pa ang kanilang mga bilang. Kailangan pa nating malaman kung sino-sino ang mga nasawi," saad naman ni Yolanda habang umiilaw ang kaniyang mga kamay. Napabuntonghininga rin ito at saka napahawi sa kaniyang buhok.
"Ang labana'y magaganap sa ikatlong linggo matapos ang araw na ito," saad naman ni Emilio. "Himala ito, hindi nila inagahan ang labanan," may pagtataka sa kaniyang mga boses habang bahagyang nakatagilid ang kaniyang batok. Tila iniisip kung ano ang nais ipahiwatig ng mga Advor sa kanilang desisyon.
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #1 : The Last Sword [COMPLETED]
Fantasy[ The Prophecy Series : Raznolika ] Ang mundong nabahiran ng kasamaan ay magkakaroon muli ng bagong pag-asa. Ang dalawang espadang nilikha upang makapuksa sa kasamaan ay nakahanap na ng kani-kanilang tagapangalaga. Subalit, kailangan nilang ipakita...