PERSEPHONE'S
Nagulat ako nang may biglang lumitaw na babae sa aking harapan. Sino kaya ang babaeng ito? May katamtaman na haba ang kaniyang buhok at singkit ang mga mata nito, maputing kutis na parang mga perlas.
Napakaganda niya!
"CELES!" Agad kong tinawag ang aking kaibigan. "Pumunta ka rito! Tignan mo ito!"
"Bakit? Ano nanaman ba iyan, Persephone?" Agad na lumapit si Celes sa akin at nagulat pa ito nang makita ang nadatnan niya sa harap ko. "W-who's that?"
"I don't know! Mukhang hindi siya taga-rito!"
"Baka isa siyang traydor! Halika at sabihin natin sa Head Master!" Inihanda niya ang kaniyang Magic Wand. Pinigilan ko siya sa kaniyang gagawin.
"No! Hindi siya traydor, Celes! Look at her face. Mukhang hindi siya gagawa ng kasamaan!" Pagpigil ko. Itinago niya ang kaniyang hawak hawak.
"Ngunit! Tignan mo, masungit ang kaniyang mukha! Traydor ang isang 'to, Perse!" Tumindig ako at hinarap siya ng galit ang mukha. "Huwag mo akong titignan ng ganiyan, Danae! Sinisiguro ko lang na dapat maging maingat tayo sa mga traydor!"
"I know. Para maging sure tayo, let's just bring her to the Office of the Head Master?" Dinala namin ang babae sa opisina ng Head Master. We knocked three times and the door opened. "Hello po, Head Master!"
"Hmm? Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong ni Head Master. Matanda na si Head Master pero malakas pa siya. Isa siya sa pinakasikat na Wizard sa buong Aclesarths! Mahaba ang buhok at balbas niya na kulay puti at mahaba ang kaniyang kasuotan, lagi niyang hawak-hawak ang napaka-importante na bagay, ang kaniyang wand.
"We found a.. girl." Sagot ni Celes.
"Oh? At anong maipaglilingkod ko?"
"Ano kasi, Head Master.. Nagbabaka sakali kasi si Celes na baka kamo traydor ito." Tumingin si Head Master sa babaeng akay-akay namin at nanlaki naman ang kaniyang mata na pinalitan kaagad niya ang kaniyang ekspresyon ng nakangiti.
"Leave her here. You two can go at may pasok pa kayo." Tumango na lang kami ni Celes kay Head Master at lumabas na ng opisina.
"I told you! Traydor nga siya, tignan mo at pinaiwan pa ni Head Master sa kaniyang opisina!" Sabi ni Celes. Napabuntong hininga naman ako.
"Tsk, edi ikaw na."
"Tara na, male-late pa tayo sa Control and Magic Ethics natin," hinila na ako ni Celes papunta sa classroom at naupo sa may likod. Everyone was there except us.
"Miss Winchell at Miss Kessler," nawawalan ng pasensya na sabi ni Miss Humblecut. I know why her reactions are like that. We are always late in her subject at konti na lang talaga ang natitirang pasensya niya sa amin.
"Good afternoon, Miss." Nakangiting sabi ko. "Sorry for being late, may emergency po kasi hehe.."
"Go now, take a seat. Kapag na-late pa kayo sa susunod. I'll give you a punishment,"
"We would gladly accept it, Miss!" nakangiting sabi ko at naupo na kami sa aming upuan. Sobrang lawak ang aming room dahil dito namin tine-train ang aming mga powers upang ma-control namin ito.
Yup! You heard it right! We have superpowers! Amazing, right? Celes, she is a witch kaya niyang gumawa ng spells at potions. At ako naman, I can control the air. Winds, Typhoons, Lightning, ayan kaya kong magsagawa niyan.
Kaya kapag time ko na para sa pag control ay nasa labas kami lagi, dahil hindi naman kaya sa loob ng room kung doon ko siya ko-kontrolin.
After three hours of being bored at CME, naka-survive kami! Nasa same dorm lang naman kami ni Celes kaya lagi kaming magkasama tsaka magkaklase kaya kami, same same lang ang schedule. We entered our dorm at parehas kaming nahiga sa kama.
"Hays, namiss ko ang matulog," Bulong ni Celes.
"Huh? Lagi ka namang tulog tapos namiss mo pa kama mo?" Lagi naman kasi iyang tulog. She even skipped class para lang matulog sa pinakamamahal niyang kama.
"Oo," she closed her eyes and fell asleep. Napakabilis talaga makatulog ng isang 'to!
"Sleepyhead!" Even you shout or ano pang gawin mong ingay. Hindi siya magigising pero kung hahawakan mo na lang siya bigla, hay nako! Mumuklat kaagad ang mata niya! Weird witch!
"KNOCK! KNOCK! KNOCK! KNOCK! KNOCK! KNOCK! KNOCK!"
Napabalikwas ako dahil sa lakas nang katok sa pintuan ng dorm namin. Tumayo naman ako para pagbuksan ito, kinusot kusot ko pa ang mata ko at humikab habang binuksan ang pintuan.
"So annoying, napakabagal buksan." Masungit na saad ng babaeng nasa harap ko ngayon. My eyes wide opened when I realized who is this girl standing in front of me.
Nilagpasan na ako nito at pumasok sa dorm namin. She sat down at my chair and looked at our stuff's.
"W-why are you here?" Tanong ko rito. Siya lang naman yung babaeng walang malay kanina na dinala namin sa Office of the Head Master!
"Uh.. Pinapunta ako rito ng Head Master ninyo?"
"What? Really?!" Pumunta ako sa gawi ni Celes at niyugyog siya. Agad naman itong nagising at sinamaan pa ako ng tingin. Nginuso ko ang babaeng pumasok sa dorm namin at napabalikwas naman si Celes.
"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na tanong ni Celes.
"What the hell? I already answered that question." She even rolled her eyes and stood up to get some drinks at the fridge.
Katapusan naba namin 'to? Parusa ba ito ni Head Master at nagdala kami ng traydor sa mundo ng Aclesarths? Omg please, no!
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...