Chapter 14

174 40 25
                                    

Pagkarating namin sa school ay madilim na. Buti nga at naka-abot pa kami, naki-usap lang kami roon sa gwardya.

"Hay! Buti at nakalusot tayo kay Manong!" Sabi ni Danae at pabagsak na humiga sa kama niya. Ako naman ay pumuntang banyo para maghilamos at mag ready para makatulog na.

Pagkatapos kong maghilamos ay umupo ako sa kama ko at kinuha ang libro na kaninang binabasa ko.

"Ano 'yan?" Tanong ni Celes. Tinaas ko pa ang libro upang makita niya kung ito ba ang tinutukoy niya at tumango naman siya.

"Binili ko sa Bookstore,"

"Bakit parang ang luma naman niyan?" Sabi niya at umupo sa may dulo ng kama ko. Dumapa na rin si Persephone para makaharap sa akin.

"Nakita ko lang ito sa may sulok ng bookshelf."

"Patingin," nilahad niya ang kamay niya para hiramin ang book kaya binigay ko naman ito sa kaniya. Pero bago pa iyon ay nabitawan niya ang libro. "Aray!"

"Bakit?" Bigla kong tanong nang mabitawan niya ang libro.

"Napaso ako." Tinignan niya ang hintituro niya at nagkaroon iyon ng pasa roon na para bang napaso nga. Kumunot ang noo ko at kinuha ang libro.

"Eh? Bakit hindi ako napapaso?" Tanong ko nang hawakan ko ang libro.

She suddenly closed her eyes and I looked at her wound. It disappeared like it heals immediately. Ohh, she can heal wounds.

"Akin na! Try ko," biglang sabi ni Dan at kinuha sa akin ang libro. Bigla itong lumipad pabalik sa akin. Hindi nga siya napaso pero hindi niya naman mahawakan. "Huh! Ano ba 'yan! Ang choosy ng librong iyan ha!"

Agad kong sinalo ang libro nang nagtataka. Bakit naman hindi nila pwedeng hawakan ang librong ito? Yes, I know na puro magic ang mundong ito pero imposible namang ito hindi nila mahawakan.

"I think, it's because you're the first who holds it." Sabi ni Celes. Tumango naman ako at tinignan ng mabuti ang librong ito.

"Hindi naman yata. Syempre, may unang nakahawak na nito at posibleng yung may ari na si Lazarus at ang Librarian sa Bookstore, hindi ba?" Sabi ko at binalik sa side table ang libro.

"Oo nga, tama ka naman. Baka sa iba nahahawakan din nila iyan."

"Tsk, bahala ka. Hindi mo gets point ko," umiling si Celes at pumanhik sa kama niya. Pinatay na namin ang lamp namin para makatulog na. It was a peaceful night because we're complete again.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil may pasok na kami. Our first subject is Healing subject. Celes was really excited on going to Healing class because I know, alam niya lahat ng healing process.

"At alam niyo, nakakaginhawa talaga kapag ganoong naka-gamot ka ng isang tao like I don't know hindi ko ma-explain para bang naligtas mo yung taong iyon or what.." She's... talkative and both Persephone and I are confused. She don't talk that much, maybe she just really like this subject. "Good morning, Professor Bellamy Whitlock!"

"Hmm. Good morning, ladies." Nagtatakang sabi ni Professor Whitlock but she greeted us with a smile when we entered her class.

Hindi pa naman nagsisimula ang klase dahil may 15 minutes pa. Maaga talaga laging pumapasok si Professor Whitlock. She is the very earliest professor in Aclesarths.

Aclesarths AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon