Chapter 4

350 74 48
                                    

"So, hindi ka talaga traydor?" Persephone asked. I rolled my eyes and nodded. "Sabi na sa'yo, Celes eh!" Saad nito at pinitik sa noo si Celes na ikina-aray naman niya.

"I'm staying here," I said while showing them the keys. Persephone's forehead creased. I mouthed 'What?'

"May susi ka naman pala. Bakit kumatok ka pa ng napakalakas?" She pouted. I just faked a smile.

"I just wanna who my roommate is.. and it's you two."

"Sa iyo na lang yung bed ko. Sa double-deck na lang kami ni Celes," nakangiting wika ni Persephone. Celes isn't talking, minamasdan niya lang kami. She really have some trust issues.

"Okay," Dinala ko ang bag sa isang kama katabi ng double-deck.

Malawak ang dorm namin. Yung double-deck nakadikit siya sa wall at katabi nito yung isang kama na pang dalawahan, yung headboard ang nakadikit sa wall. Tapos ang study tables naman ay nasa may gilid, katabi ng pinto, katabi ng kama ko. Nasa harap namin ang banyo.

"Saan ka nakatira? Ano nga bang pangalan mo?" Tanong ni Persephone. Inaayos ko ang gamit ko nang magtanong siya kaya nilingon ko siya sa likod.

"Manila," sagot ko. "I'm Eilonwy."

"Ah.." tango-tango nito. "Manila? I think that's a very familiar word."

"Huh, you haven't been to Manila yet?" I asked, my forehead creased. Weird, everyone knows Manila because it is the capital city of the Philippines. Well, I'm not one-hundred percent sure that everyone knows Manila. Maybe, there are people who don't know Manila and that includes Persephone.

"Nope, hehehe."


"Mundo ng mga tao iyon, Perse." Sagot ni Celes.

"Why? Aren't you people too?" I asked.

"Of course, not." Saad ni Celes habang naka-upo siya sa higaan niya kung saan nasa taas na deck.

"Then, what are you? Aliens?"

"Tsk," Hindi ako nito sinagot at nahiga na lang sa kama niya. And I remember what Head Master said, they're different and they have abilities. So what are they? Immortal People? Magicians?

"Bakit ka nandito kung hindi mo naman pala alam kung ano kami?"

"Why would I know? Kasama ba iyan dapat buhay ko?" I sarcastically asked Persephone.

"So, tao ka nga?"

"Yeah,"

"Eh??? Bakit ka nandito??"

"Will you please shut up? Go to bed, it's already midnight." I said and she pouted. Umalis na siya sa harap ko at dumiretso sa higaan niya. Natapos na rin ako sa pag ayos ng gamit kaya nahiga na rin ako sa kama.

I turned off the lamp beside me. Hindi pa ako makatulog... Ano ba ang dapat gawin ko bukas? Ngayong dito na ako mag aaral dapat bang mag adjust ako ng time? Wala kasing binigay na schedule sa akin ang Head Master.

Aclesarths AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon