Chapter 15

145 40 11
                                    

SEVI

Nag aayos na kami ng mga gamit namin dahil ready na kaming umuwi. Inayos ko yung mga papeles sa desk ko. Nang i-check ko iyon ay may naiwan pa pala akong ilalagay sa storage room na isang box ng papel.

"Guys, dito lang muna kayo. May naiwan pa palang isang box, lagay ko lang sa Storage Room." Pagpapaalam ko sa officers. Celes just nodded and Persephone smiled while the others nodded too.

"Sige, Pres. May flashlight ka?" Tanong ni Theo na Treasurer namin.

"Wala, meron ka ba riyan?" Sabi ko at binuhat na ang isang box. Malaking box pero hindi naman siya mabigat.

Inabit sa akin ni Theo ang flashlight niya at nilagay ko naman ito sa bibig ko para kagatin dahil okupado ang dalawa kong kamay. I give him thumbs up and left the office.

Hindi naman masyadong kalayuan ang Storage Room. Binaba ko na muna ang box para mabuksan ko ang Storage Room, napa-ubo pa ako saglit nang mabuksan ang pinto dahil sa alikabok.

Nilagay ko ang box sa may space ng table sa may gilid at lumabas na roon. Ni-lock ko na ito ulit at bumalik na sa office. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong walang malay si Theo at wala si Celes at Persephone roon.

Agad kong tumakbo sa pwesto ni Theo na ngayon ay walang malay at niyugyog siya para gisingin.

"Theo!" Sigaw ko at patuloy siyang niyugyog. Nagkaroon naman siya ng malay at tinulungan ko siyang umupo. "Anong nangyari? Nasaan si Celes at Perse?"

"H-hindi ko a-alam..." Nauutal niyang sambit. Takot na takot ang itsura niya at tila namumutla pa. "M-may pumasok..."

"Pumasok? Anong pumasok? Sino?!"

"H-hindi ko k-kilala, Pres. K-kinuha niya sila C-celes at Persephone..." Something's wrong... I can feel it. I saw traces of sand at the window.

"Sino?! Sinong kumuha sa kanila?!" Natataranta kong tanong. Huminahon muna ako ng kaunti dahil baka matakot din sa akin si Theo kaya tinulungan ko na lang siyang tumayo at hinatid ko siya sa dorm niya.

Tumakbo ako papunta sa dorm ni El at kumatok doon. Agad niya naman itong binuksan, hinihingal pa ako dahil sa kakatakbo ko.

"What are you doi--"

"Celes... Persephone..." Hindi ako makapagsalita ng maayos.

"What about them?" A worry on her eyes was plastered. She's worrying too at gising pa siya ng ganitong oras talagang hinihintay niya sila Celes.



EL

"They're missing." After what he said I can't move.

"What do you mean?"

"I... I left the office and... when I came back, they're gone. And Theo's unconscious, he said someone barged in our office." He explained.

Agad kong kinuha ang hoodie ko at sinuot iyon. Nauna akong maglakad kay Sevi dahil nag aalala na rin ako. Babalik ako sa office nila at hahanapin ko sila sa buong paaralan.

Saan naman sila pupunta? Bakit sila nawawala? Did someone kidnapped them?

Binuksan ko ang office nila at kitang-kita na bukas ang bintana at hinahangin pa ang kurtina. Napatingin ako sa ibaba nang may matapakan ako. Kinuha ko ang papel at binuksan iyon.

Aclesarths AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon