Chapter 20

102 11 0
                                    

Hindi ko alam pero nag aalala ako kay Sevi. May sakit siya, paanong nagagawa niya pa ring mag aral pwede namang magpaalam siya para magpahinga. Tsk.

"Tapos ka na ba sa assignments?" Tanong ni Perse kaya tinanguan ko siya habang sumisipsip sa straw ng juice ko. "Pagaya naman ako,"

"Kaya mo na 'yan."

Nandito kami ngayon sa may bench. Wala si Celes dahil may ginagawa siya sa Office ng Student Council. Si Persephone naman, tapos na sa ginagawa niya kaya heto nanghihingi ng assignment sa akin.

"Eh, wala naman ako nung time na ni-leksyon 'yon sa inyo. Sige na!" Niyugyog niya pa ang braso ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kunin mo na lang sa bag ko,"

"Yes! Salamat,"

Tahimik lang kami roon habang hinihintay kong matapos si Persephone sa pagkopya ng assignment ko.

Nang dumating si Celes ay para bang balisa ito dahil sa hinihingal din siya. Kaya napaisip ako kung ano bang nangyari?

"Bakit?" Tanong ko at pina-upo muna siya.

"Sevi passed out."

"Ano?" Sabay naming sabi ni Persephone.

He passed out? Tsk, sinasabi ko na nga ba. Masyado kasing binababad ang sarili sa trabaho at pag-aaral. Tss.

Agad kaming pumunta sa clinic para tignan ang kondisyon niya. Nakahilata lang siya sa clinic bed at tulog kaya hindi kami nag ingay baka magising ito.

"Hi, okay lang po ba siya?" Tanong ko sa Clinic Nurse.

"Yup, he's okay. Mataas nga lang ang kaniyang lagnat, hindi lang naagapan."

"Tsk. Kulit ng ulo, eh." Bulong ko. Umupo naman kami sa may gilid niya since bakante naman 'yung dalawang clinic bed doon.

Napatingin kami sa pintong bumukas, inaasahan na 'yung apat na kaibigan niya ang dumating. Samantala, si Yuna ang dumating. Nagulat pa siya nang nandoon din kami at pinalitan niya kaagad iyon ng ngiti.

"Anong nangyari po sakanya?" Tanong nito sa akin dahil sa akin siya nakatingin, mismo.

"He's sick."

"Hays, sinabihan ko na po kasi siyang uminom ng gamot, eh bago lumala." Ah, so nagkita na rin sila bago 'yon? "Ang kulit talaga."

Hindi na lang kami sumagot doon at hinintay na dumating 'yung mga kaibigan niya. Unang dumating si Karsh dahil siya yata ang naunang matapos ang subject.

"Tsk, ang tigas ng ulo." Bulong niya nang makita ang kondisyon ni Sevi.

"Chill, lagnat lang 'yan. Anong akala mo kay Sev, mahina?" Biglang sabi ni Achilles. Nakasunod lang pala siya kay Karsh at iyon, sumunod na rin 'yung iba except kay Keanu na wala pa.

"Tama."

"Oy..." Sabi ni Sevi kaya doon napunta ang atensyon naming lahat. "Bakit nandito kayong lahat?"

"Bakit nga ba?" Tanong pabalik ni Keanu na kararating lang. Nangiti itong nag-hello sa amin.

"Are you okay po? May masakit ba sa'yo?" Tanong bigla ni Yuna kaya napaawang ang labi naming lahat. Umiling si Sevi kaya we feel relieved. "Yung gamot, uminom ka na po ba?"

"Hmm," tango ni Sevi.

For once, I didn't even see him, see a single glance at me. Ganoon ba talaga kahirap sa kaniya na kahit isang tingin man lang pasadahan niya ako?

"Ah, may kukunin muna ako." I smiled at tumayo na para kunin 'yung bag kong naiwan ko pala sa loob ng room.

Sigurado naman na tapos na 'yung leksyon dahil 4:30pm na pala. Hindi kami nakapasok sa last subject dahil lang dito? Funny.

"Where are you going?" Persephone asked, worried.

"Diyan lang kayo, pupunta ako sa room. May naiwan ako," sabi ko at dire-diretso nang umalis.

Kaya naman pala iniiwasan ako eh. Sa akin, hindi man lang makinig pero sa iba nakikinig. Ang galing mo, Sevi. Iyon na nga lang ang way ko para makipagbati sa kaniya, tss. Whatever, dude. Kung ayaw mo, e 'di huwag, hindi ako namimilit.

The hallway was filled with silence and tanging lamps na lang ang ilaw kaya medyo dim na hanggang sa makarating ako sa room.

Kinuha ko ang bag ko roon at sinabit na sa kabilang balikat ko nang may humablot sa akin. Hindi ko alam pero nawalan na lang ako bigla ng malay...

KARSH

"You're crazy, man." I said as we watch El vanished the Clinic Room. Umalis siya dahil sa may kukunin daw ang dalaga. "Hahayaan mo lang iyon umalis?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay at hindi na ako pinansin. Hinihintay naming dumating si El, makalipas ng isang oras wala pa rin siya.

"Wala pa rin siya?" Tanong ni Celes at tumingin sa wall clock.

Bukas naman itong Clinic 24/7, 'yung nagbabantay naman dito ay off duty na kaya tinugon niya kami na kami na isara namin ang pinto kapag lumabas na kami.

"1 hour passed," Ace said. Ito naman nag aalala, kahit hindi niya sa 'kin sabihin, kilala ko si Ace. Tagal na naming magkakaibigan, eh. "Puntahan na ba natin siya?"

"Baka po, natagalan lang si Ate Eilonwy o kaya po dumiretso na siya sa dorm?" Sabi ni Yuna.

Una pa lang, naiisip na namin na may kakaiba sa babaeng 'to. Laging dumidikit kay El tapos pasulput-sulpot na lang lagi.

"Let's check the dorms." Celes said at mabilis na umalis ng Clinic. Si Celes, sobrang protective siya kay El na para bang mawala lang sa paningin niya si El, nag aalala na siya ng sobra.

Sumunod sa kaniya si Persephone kaya sumunod na rin ako. Hindi na pwedeng mangyari 'yung dati, baka mapahamak ulit si Eilonwy.

"I'll check the room," sabi ko at tumango naman sila.

Nagpunta ako sa classroom nila kung saan nasa may second floor iyon ng school. Dim pa naman 'yung ilaw kaya masakit sa mata kaya binuksan ko ang flashlight ng phone ko.

Tumakbo ako papunta sa room nila nang matanaw kong may bag doon nasa may labas ng pinto.

Napakunot ang noo ko at kinuha ang bag. It is El's bag. Bakit nandito 'to? Ibig sabihin, wala siya sa dorm...

"Her bag. It's here, I found it." I called Persephone to inform them. They immediately rushed in here.

"Wala na siya rito nung pagkarating mo?" Natataranta na si Celes. Umiling ako, sakto naman na dumating na rin sila Sevi.

"A-anong gagawin natin? She's not here, paano natin siya mahahanap?" Si Persephone, naiiyak na.

"Look, we'll find her, okay?" Pagpapatahan sa kaniya ni Achilles.

"What if we won't? Hindi ko hahayaan na may mangyari nanaman sa kaniyang masama!"

"Please, be calm. We need to think, okay?" Celes said and I nodded at her.

"Let's go, libutin muna natin ang buong school. Kapag hindi natin siya nahanap, iinform na natin ang Professor." Ace said at sumang-ayon naman kami roon.

El is our friend. We won't let someone hurt her because she's important to us, especially to Celes and Persephone...

Aclesarths AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon