"Sino ka?" Tanong ko. "Anong ginawa mo?!" Lumapit ako sa Head Master at tinulungan itong tumayo.
"Umalis ka na rito Eilonwy," tugon ng Head Master ngunit hindi ako sumunod. "Mapapahamak ka."
"Ayos ka lang ba, Head Master?" Tanong ko at tumango siya. "Sino iyon Head Master?"
"Ako si Bruxa La Torneau." Sabat ng babae at tumawa ng nakakaloko halos sakop ang buong opisina ng Head Master.
"Alterio, umalis ka na rito." Matigas na sabi ng Head Master.
"Hindi kita pwedeng pabayaan dito Prof," matigas ding sabi ko. Ayokong mapapahamak ang Head Master, hindi pwede.
"Enough of your drama, let me introduce myself." Sabi ng babae at ngumisi.
"You already did and I don't even care," I said.
"Gusto ko ang apog ng babaeng ito Lucius, parehas lang sa mga magulang niya. Matigas ang ulo," natatawang sabi ng babae.
Baliw ba 'to?
"D-do you know my parents?" Tanong ko at lalapit na sana ang pigilan ako ng Head Master. "I wanna know why."
"Walang alam ang batang ito?" Sabi ni Bruxa at tumingin sa direksyon ni Head Master. "Huwag mong sabihin na inilihim mo 'yon sa anak nila?"
"Inilihim? Ano iyon Head Master? May tinatago ba kayo?" Sabi ko at nilingon si Head Master na ngayon ay napabuntong hininga.
"Huwag ngayon Eilonwy, umalis ka na. Nakikiusap ako,"
"Hindi. Sino ang babaeng 'to Head Master? Sino siya?" Pagmamakulit ko pa.
"Hindi mo na kailangan pang alamin,"
Tumingin ako sa babae at nanatili lamang siyang nakikinig sa amin habang tinitignan pa ang kaniyang mga kuko.
"What?"
"Who are you?" I asked.
"Akala ko ba walang kang pake?" Sabi nito at tumawa. Nakakairita ang kaniyang tawa!
Hindi ako sumagot dahil pinatapos ko siya sa pagtawa niya. Baliw na talaga ang babaeng ito.
"Your father and I are..." Pabitin pa nitong sambit at natawa. "Well, we're actually enemies." She said and motioned her hand in a peace sign habang ginagalaw ito.
"Enemies huh?" I raised eyebrows.
"Tumigil ka na Bruxa." Sabi ni Head Master. "Umalis ka na rito,"
"Oh nandiyan ka pa pala, Tanda. Ini-inform ko lang itong anak ng pinakapaborito mong estudyante." Sabi ni Bruxa. "Hindi ako rito aalis hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko Lucius!"
Biglang ginamit niya ang kaniyang abilidad na dahilan para magkanda hulog hulog ang kagamitan ni Head Master. Kahit ako ay napa-atras, takot na baka ay matamaan din ako ng abilidad niya.
Tatamaan niya na sana ulit ang Head Master nang labanan ko siya. Tumalsik siya at tumama sa pader. Napasalampak ang babae at tumayo ng may ngisi sa labi.
"Walang kupas, parehas na parehas ka sa mga magulang mo." Sabi niya pa at natawa. "Parehong talunan,"
"Don't ever bring up my parents." I said. Tumawa lang ito ng nakakaloko sa sagot ko na para bang ako yung nahihibang sa aming dalawa.
Nagulat ako sa mabilis na paglapit niya at isinandal ako sa matigas na pader habang ang kamay niya ay nasa leeg ko.
Hindi ako makahinga.
Kahit sa hina ng katawan ng Head Master ay kita kong ginamit niya rin ang kaniyang lakas para lang tulungan ako at kalabanin ang babaeng ito.
Ngunit nabigo siya... "Head Master!" I shouted when his head hit the desk that caused him to lost his consciousness.
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...