Hindi pa rin ako mapakali dahil may nagsasabi sa akin na totoo ang sinasabi ni Gully at mayroon ding parte sa akin na hindi.
Pero posible iyon...
Ugh! Nakakainis!
"Manatili ka lang sa tabi namin, El." Celes said as we walked to the hallway para makapunta na sa second subject sa umaga. Well as you can see, hindi na kami nakapasok sa first subject dahil nga kanina.
"Tama, huwag na huwag kang aalis sa tabi namin okay?" Sabi naman ni Persephone.
"Yeah, yeah."
Nagsimula ang klase namin at gayon din ang simula naming ipakita at ipractice muli ang aming mga abilidad.
"Celes Aerwyna at si..." tawag ni Prof Adelphia Humblecut kay Celes habang nag scan ulit siya sa students list. Turn na ni Celes para makipaglaban sa isa naming kaklase. "Auron Isaac."
Parehas sila lumapit sa bilog kung saan doon gaganapin ang paglalaban. Walang emosyon sa mukha ni Auron gayundin si Celes.
Inilabas ni Celes ang kaniyang wand at tanging kamay lang ang gagamitin ni Auron dahil electricity ang kaniyang abilidad.
Alam kong malakas ang elektrisidad kaya hindi ko matutukoy kung makakaya ba ito ni Celes pero may tiwala ako sa kaibigan ko dahil bata pa lang ito ay pinag aaralan niya na ang mga ganitong bagay.
She's a serious one when it comes to her ability...
Nagsimula ang laban at ang unang nabigo ay ang aking kaibigan ngunit hindi iyon ang sapat para sumuko siya, tumayo ito at inihanda ang mga spells na alam niya.
Marami siyang alam dahil napakahilig niyang mag imbento at mag aral. Para na akong isang kaibigan na kilalang kilala siya, silang dalawa ni Perse.
Hindi pa nag iisang taon ngunit kilalang kilala ko na ang pagkatao nila dahil na rin sa isang kwarto lang kami natutulog at sabay sabay rin naman kami lagi. As in, lagi talaga.
Natapos ang laban at napakagaling nilang pareho, nanalo lamang ay si Celes. Ang ginamit niyang spell kanina ay malakas na enerhiya kung saan nakapagpabagsak at balik ng electricity kay Auron.
"Ang galing galing mo talaga, best friend!" Papuri ni Perse.
"Good job, ang galing mo. Saan mo nakuha ang spell na iyon?" Tanong ko.
"I've read it, some books na nasa lumang library." Sagot niya. "Tara, may oras pa tayo gumawa ng decorations."
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
"Ala una," parehas na sagot ng dalawa.
2 hours pala ang itinatagal namin kada subject. At ngayon ay kakatapos lang naman namin mag lunch.
"Mag aabsent tayo?" Tanong ko and they both nodded. "Ayoko,"
"Please, ngayon lang naman." Pagpilit ni Perse.
"Huwag na, ayokong maiwan sa klase." Sa totoo lang, ang pag absent ay napaka malaking kasalanan para sa akin na para bang buong buhay ko ay tinalikuran ko na.
"Isang beses lang, ngayon lang. Promise," pagpupumilit pa ng dalagita ngunit umiling ako. "Dali na kasi, please. El, please."
Napabuntong hininga ako at tumango kaya kita naman ang tuwa sa mga mata nito. Plano kasi talagang gumawa ng dekorasyon para sa indoor pool dahil sa susunod na bukas na ang birthday ni Achilles.
Sabi ko pa naman sa kanila na pwede namang pagkatapos ng klase ngunit dahil napakakulit ng isa kong kaibigan... Nag absent pa kami.
Tsk, tsk, tsk. Grabe, napaka advance ng mga ito kung mag celebrate! May dalawang araw pa ngunit ngayon ay gusto na nilang gumawa ng dekorasyon?! Napakadali lang naman niyan gawin kahit sa mismong birthday pa yan ni Achilles gawin!
Sabihin lang nila ay ayaw nilang pumasok sa klase...
"Nagpaalam na ba kayo?" Tanong ko.
"Hindi pa," sagot ni Celes.
"Ah, okay. Ako na magpapaalam, dumiretso na kayo roon." Saad ko at iniwan sila.
Naglakad ako papunta sa Head Master's Office. Pinanhik ko pa ang napakalayo na hagdan dahil nasa taas mismo ang opisina ng Head Master.
Naku, sana naman maglagay sila ng elevator dito dahil baka kapag pabalik balik ako ay magka muscle na ang aking mga binti.
Didikit na sana ang aking mga kamay para kumatok sa pinto nang makarinig ako ng kalabog sa loob ng opisina ni Head Master. Ano iyon?
Isinandal ko ang aking tenga sa pinto para marinig kung ano ba ang kalabog na iyon. Nagulat ako nang lumakas lalo ang kalabog kaya napaigtad ako.
"Anong nangyayari?" Bulong ko.
Pinihit ko ang pinto ng opisina ng dahan dahan para matignan kung ano bang nangyayari sa loob ng opisina ni Professor Dewbringer.
Nanlalaki ang aking mga mata nang makita si Head Master na nakasalampak sa sahig at nakasandal ang kaniyang likod sa kaniyang desk.
Sinong may gawa nito?
Tinignan ko ang paligid at nakita ng mga mata ko ang babaeng naka-itim na bestida. Ang kaniyang buhok ay kulot na magulo ngunit nakaipit ang kalahati nito. Her dark and strong aura that made me shiver nang lingunin niya ako nang may nakakalokong ngiti.
I did saw this woman... Where?
I recalled where did I saw her and it was when I followed Yulysses inside the place where it's not familiar to me. She's that woman!
Nakakatakot talaga ang kaniyang awra...
"What are you doing here?" I asked in a low voice.
She turned to me and smiled like crazy. She's really freaking me out!
"Kamusta, Eilonwy?" She said with terrifying smile plastered on her face.
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...