I am confused.
Demonic Translation?
Am I talking to the spirit earlier?
"Class dismissed," biglang saad ng propesor kaya nabalik ako sa tuliro at niligpit na ang gamit ko. Nagpa-iwan kami ni Danae sa loob ng room dahil nag-uunahan silang lumabas. Weekend na kasi at syempre excited silang gumala or magpa-hinga kahit dalawang araw man lang.
"Napaka-lalim ng iniisip mo. Ano iyon?" Tanong ni Persephone. Tinignan ko siya at sabay naman kaming lumabas ng classroom.
Ngumiti lang ako sa kaniya at sinabing, "Wala."
"Hm, okay. Gusto mo bang gumala?" Paglilipat niya ng topic. Binuksan ko ang pinto ng dorm at pumasok na. Gala? Okay, para naman mawala na ang mga iniisip ko, kailangan kong gumala.
"Sige,"
Naka-hoodie lang ako at maikling shorts paglabas namin ng school at naka-simpleng shirt naman si Persephone at jogging pants.
"Kain muna tayo," suggest niya. Tinignan ko ang relo ko at 3pm pa lang naman. Pero mabuti iyon, meryenda namin.
"Sige, tara." Pumunta kami sa isang restaurant katabi ng Bake Shop. Iyong mga foods dito ay kakaiba. Ako na lang ang nag-hanap ng mauupuan namin at si Danae ang nag order.
May mga wizards and sorcerer's akong nakikita sa loob ng restaurant na ito tapos may mga lumilipad din na mga bagay, kapag nag-oorder lumilipad yung mga tray at pumupunta sa table kung sino at saan ang nag-order nito.
Ang ganda ng restaurant na ito, vintage ang design niya then may nga clocks din tapos magandang chandelier. It's like a royal-themed restaurant. Grabe, ang ganda!
"Okay na, for snacks lang in-order ko since kakain naman tayo mamayang gabi," tugon ni Danae nang maka-upo siya sa unahan ko. We were like dating, bestfriend dates!
Na-miss ko tuloy bigla si Faye. Ano na kayang ginagawa noon? Hinahanap niya kaya ako?
"Uhm... Is it possible na maka-balik ako sa Manila?" Biglaan kong tanong. I just wanted to check-up on Faye, and other socialite's kahit yung iba, friends families ganoon. Tsaka, gusto ko ring malaman kung ano na ba ang nangyayari sa Maynila.
"Ah, oo naman. May portal kaming tinatawag. Why? You want to go back?"
"No, I... I want to visit." Sabi ko at umayos ng upo dahil dumating na ang lumilitaw na tray at binaba iyon sa table namin.
"Kailangan muna nating humingi ng permiso sa Head Master. For sure, papayagan ka naman noon basta you have a reason!" She winked and get some food kaya kumuha na rin akong pagkain.
"Okay, I'll try. Maybe, tomorrow?"
Nang matapos kaming kumain ay pumunta kaming Bookstore at pumili ng mga natitipuhan naming kwento or other mythology stories na posibleng nag-eexist sa mundong ito.
Halos dalawang buwan na ako rito ngunit na-aamaze pa rin ako. Para kasing bago lang sa 'kin lahat, which is usually true. Minsan kasi iniisip ko na kung nasa Maynila ako, wala akong gagawin kung hindi ang mag-aral, matulog, kumain.
Ganoon lang lagi.
Dalawang libro lang ang nabili ko at si Persephone naman ay walang nabili dahil baka ma-stock lang ito.
"Wait, diyan ka lang muna. May bibilhin lang ako riyan sa may malapit na store," tugon nito at tumango naman ako. Umupo na lang muna ako sa may bench, sa harap ng Bookstore.
Nagulat ako nang may humawak sa pulsuhan ki at hinila ako bigla papunta sa may eskinita. Hindi ko makita ang mukha nito kasi naka-talikod siya sa akin kaya nang maka-tyempo ako ay binatukan ko ito at itinaas ang kamay ko kaya napunta siya sa pader, nakadikit, nakalitaw.
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...