I couldn't accept the fact that both my important persons in my life were now gone. My life just break down, kahit ang kausapin sila Celes at Persephone ay hindi ko magawa.
"Please, El. Tell us, what's going on?" Nag aalalang tanong ni Persephone. She's been like this for minutes now but I can't find a way to talk to them.
"Why are you crying? Please, tell us." Nagmamakaawa na sambit ni Celes ngunit umiling ako sa kanila at pinahid ang mga luha ko.
Nasa hallway kami ngayon at pinipilit kong isipin 'yung mga lesson kanina, pero walang pumapasok sa utak ko dahil sobrang okupado pa rin ito ng nangyari kahapon.
"Leave me alone." Sabi ko at iniwanan sila roon.
Napadpad ako sa lugar kung saan kaya kong isigaw lahat ng mga nararamdaman ko. Sa rooftop.
Umupo ako sa may sulok at yinakap ang parehas kong tuhod. I started crying and crying. Wala na akong pake kung may tao man dito, I just want to cry.
It's really hard.
I... I am really hurt right now. I can't think of anyone else except my Tita and Tito. Hindi ko alam na ganito pala talaga ang feeling na mawala ang mga mahal mo sa buhay, lalo na't sila ang kasama mo magsimula bata ka.
"Fuck, fuck this life..." I whispered and stood up para kunin 'yung tambak na bote sa may gilid.
Kinuha ko ang isang bote at binato sa pader ng napakalakas. The glass broke into pieces, hindi na mabubuo pa. Pa-ulit ulit ko iyong ginawa para makapagpagaan man lang sa pakiramdam ko.
After minutes passed, I've decided na bumaba na at bumalik na sa dorm dahil bumababa na ang araw.
Somehow, gumaan kahit kaunti ang pakiramdam ko.
"Where did you go?" Celes asked in a worried tone nang kakarating ko lang sa dorm namin.
"Rooftop." Maikli kong sambit at dumiretso sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit bago humiga sa kama at pinilit nang matulog.
"El, alam na namin ang nangyari..." Naramdaman ko ang pag upo ni Persephone sa gilid ko. Nakatalikod ako sa kanila, nakaharap sa kabilang gilid habang may kumot.
"We're sorry..." They both said.
"Sorry rin." Sabi ko habang nakahiga pa rin. Nagulat ako ng tabihan nila ako at yakapin kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang. "Thank you..."
"Para saan?"
"For always understanding me."
"Wala 'yon, para na nga tayong magkakapatid dito eh." Nangingiting sambit ni Persephone.
That night, kinuwento ko sa kanila 'yung nararamdaman ko at sobrang gaan na sa pakiramdam na may napagsasabihan ako.
Ngayong araw ay ready na akong harapin si Head Master para alamin kung bakit ba iyon nangyari. Wala akong magagawa kung mag mumukmok lang ako rito, kailangan alamin ko kung bakit ba sila pinatay. Sobrang bait ng Tita at Tito ko, marami silang natulungan, they're... perfect, pero bakit?
After I knocked three times, saka siya nagsalita. "Come in."
"I... I'm here to know what happened that night." Sabi ko, diretso sa usapan. Natigil ito sa ginagawa at tinignan ako. Sinara niya ang kaniyang libro at umayos ng upo bago ako sinenyasan na maupo na rin.
"That night, Arthur and Fleur... They're both at the train and pupunta sana sila rito upang bisitahin ka." Pag kwento ng Head Master. I couldn't burst out in tears, ubos na ang lahat ng iyon. Ang tanging magagawa ko lang ay alamin kung bakit ito nangyari. "At, pagkarating ng tren ng mundong ito ay roon na namin nabalitaan na patay na sila."
"You don't know what happened?"
"We didn't know... I'm sorry." Umiling iling siya, pinagsisihan na hindi niya alam ang buong pangyayari.
"Can I... see them?"
Pumayag ang Head Master at gumawa siya ng portal para makapunta sa Land of Dead, iyon ang tawag nila roon. Nandoon 'yung mga puntod ng mga namayapang Wizard's and Sorcerer's, at kung ano pang creatures.
Hindi nagsalita si Head Master nang makarating kami sa puntod ni Tita Fleur and Tito Arthur. Pinabayaan niya lang akong hawakan yung puntod nila, hindi ko na ibinuka pa ang bibig ko at pinikit na lang ang aking mata para sabihin sa kanila ang gusto kong sabihin, sa aking isipan.
Tita, Tito... I'm very sorry. I couldn't accept the fact that hahantong sa ganito ang mga pangyayari. I... I'll get revenge for the both of you, and even for my Mom and Dad kung sino man ang gumawa sa inyo nito. And, I have an idea who did this. Hindi ko pa man lubusang kilala ang nilalang na iyon ngunit aalamin ko kung bakit at ano ba ang nangyari...
Hindi ko man maiparamdam sa inyong mahal ko kayo pero deep inside, mahal na mahal ko kayong dalawa. You're my second parents and you took care of me even I hated you at first because you're not my parents. But now, I realized that all you did was protect, care and love me even at my lowest. Both of you understands me, both of you cared for me, both of you loved me. Ako pa rin ang iniisip niyo nung time na namatay kayo, I'm sorry. I love you, forever.
"Let's go, Head Master." Sabi ko at tumayo na. He waved his wand and in a blink of an eye, nandito na ulit kami sa opisina niya. "Thank you. I'll get going,"
He just smiled at me and nodded. Kahit late man ay pumasok pa rin ako sa room at naintindihan naman iyon ni Professor Whitlock, pina-upo na lang ako.
"Kumusta?" Celes whispered. Alam kasi nilang pumunta ako sa Head Master para alamin ang nangyari. "Are you okay?"
"Yes," maikli kong sagot at nakinig na lang sa klase.
I have been planning on going to the Subway, to know and investigate the situation. Sabi ng Head Master, under inspection pa rin 'yung Subway dahil sa insidenteng nangyari.
Pero, at dahil makulit ako at gagawin ko ang gusto ko ay pupunta pa rin ako. And I've thought of kausapin ang taong posibleng gumawa ng insidenteng ito.
It's dangerous but, I need to do this. I'll sacrifice myself for my loved ones because they also sacrificed themselves for me.
"Hey," Karsh went to me nang makita niya ang tumatambay sa gilid ng puno, na harap sa field habang nagsusulat ng kung ano.
"Hi," sinara ko ang notebook ko para hindi niya makita iyong mga nakasulat doon.
"Musta?" He asked.
"I'm doing good,"
"That's great." He smiled, not showing his teeth like he always do. "Hindi pa rin kayo nag uusap ni Sev?"
I shooked my head. Hindi sa ngayon, ayoko muna siyang kausapin. Marami akong gagawin, sumabay pa ang mga school works at ang papalapit na rin na exam. Grabe, hindi ko akalain na isang taon na pala ako sa mundong ito.
"Bakit?"
"Sorry, sobrang busy ko kasi lately." Pagrarason ko.
"Yeah, I know. But, pwede mo naman yata siyang kausapin? Nangungulila na 'yon sa'yo." Natatawa niya pang sabi.
"No way," I laughed too.
"Pero, totoo nga. He always tried to talk to you, ngunit iniiwasan mo siya." Umiiling iling pa ito na para bang nababaliw na ang kaniyang kaibigan para lang makausap ako. "Also... You never told us about what happened last week."
Hindi ako nakasagot at ngumiti na lang ng pilit habang nasa field pa rin ang tingin. "Then, how did you know?" I asked, raising my eyebrows.
"It's been a gossip."
Oo nga naman, kapag kasi ganoon na may nangyari or mga bali-balita, may dumarating ditong dyaryo at nagkukuhaan ang mga estudyante para lang malaman nila kung ano na ang nangyayari sa labas.
Hindi uso and television dito, dyaryo lang. O kaya ay, Holograms.
Nang namutawi ang katahimikan ay tumikhim si Karsh kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ito sa akin, 'yung ngiting madalas ko lang makita.
"You better talk to Sev, El." Natatawa niyang sabi. "Kawawa naman ang tropa ko..."
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...