"Sa'n ka nagpunta? Anong oras na, oh." Bungad kaagad sa akin ni Celes. Inalis ko na ang hoodie ko at pumunta sa kama ko.
"Ano... Diyan lang," sabi ko ng hindi siya tinitignan sa mata.
"Diyan lang? Hindi mo ba alam na maaring magkaroon ka ng penalty kung pagala-gala ka?"
"I know..."
"Sa susunod, huwag mo nang uulitin." Pangaral niya.
"Yes, Mother." I joked and laughed it out. She just rolled her eyes and went to her bed to take a rest.
Si Persephone naman ay mahimbing nang natutulog dahil alam kong parehas pagod ang dalawang 'to.
Kinabukasan ay pahinga namin dahil weekends na. Nag bonding lang kaming tatlo sa loob ng dorm dahil hindi pwedeng lumabas ng paaralan.
"Do you really want us to suffocate because of her rules?" I asked Head Master. Pumunta ako sa office niya para mag reklamo. "Wala ka bang magagawa para mapa-alis si Judge Ismeralda, Professor?"
"Alam ko, tutol kayo sa mga palatuntunin na kaniyang ginawa..." Sabi nito at tumayo para lumapit sa akin. "Wala akong magagawa para paalisin siya, Alterio. Paumanhin."
Wala akong nagawa kung hindi ang umalis doon ng may sama ng loob dahil sa ganoon ngang wala siyang magagawa para maalis si Judge. Nakasimangot akong naglakad sa hallway nang makasalubong ko ang Judge kaya natigil ako sa paglalakad.
"Judge..." Tinawag ko ito nang makalampas na siya sa akin. Lumingon siya sa aking gawi at gaya ng nakasanayan ay tinaasan lang ako nito ng kilay. "When are you coming back to the Supreme Court?"
"Who are you to tell me that?" Nairita nitong sambit.
"I'm just asking..." Sabi ko. "Well, you shouldn't be here, Judge. You're not in the position... to be here."
"What did you say?!" Galit na nitong saad kung saan napatingin na saamin ang mga estudyante na naglalakad sa hallway. "Come with me," mariin nitong sabi at nagpipigil na lang ng galit.
Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay hinila niya ako para pumunta sa office niya.
"I'm giving you a penalty for your rude behavior!"
Penalty agad? Really? I just asked and there's nothing wrong with that. Maybe, it's her all along. Siya ang may mali.
A knock on the door made her stop for saying anything kaya binuksan niya agad iyon.
"You should stop what you're doing." Nagulat ako sa biglaang pasok ni Head Master sa office niya. Nagulat at nanlalaking mata siyang tinignan ni Judge.
"A-anong sabi mo?!"
"Hindi na pwede ang pinag gagawa mo. Simpleng bagay na mali ng estudyante ay binibigyan mo ng parusa."
"Dahil dapat lang sa kanila 'yon. Mali ang kanilang mga ginagawa!"
"Ikaw ang mali dito!" Natigil siya sa sigaw ng Head Master. Even me, hindi ako makasagot.
Bakit ngayon lang? Sa isang buwan naming tiniis yung pang ku-kulong niya sa loob ng paaralan, ngayon niya lang naisipan na komprontahin siya?
"Leave. I need you to leave this school," gigil nitong sabi.
"Hindi mo ako mapapaalis dito, wala kang karapatan." Matigas na sambit ng Judge.
"I am the Head Master of this school and you're just an Administrator, Ismeralda!"
"Ismeralda? You're disrepecting the Senior Associate Justice, Dewbringer."
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasiaAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...